Kabanata 8

7 3 0
                                    

Hailey's POV

Lumipas ang mga araw at charannn! Sabado ngayon at dahil nag puyat ako kagabi kakanood ng kung ano-ano sa youtube ay ala una na ko nagising. Mamayang gabi pa ang party ni Sam kaya naman okay lang.

Bumaba ako at naabutan ko si Harold na nanonood ng tv habang nakataas ang paa sa lamesa at nag papapak ng nutella.

Dumiretso ako sa kusina at kinain ang pag kaing para sakin don.

"Nag order ka nanaman! apaka tamad mo talaga! kawawa mapapangasawa mo sayo." fairness masarap

"Matagal pa yon, tsaka ko na iisipin yan."

"Sama ka sakin mamaya?" nilingon naman ako neto

"Party ng kaklase ko sa bahay nila."

"pfffft, boring.."

"Edi wag!" umakyat na ko pagtapos kumain at nag set ng alarm tsaka natulog ulit.

brizzzzz brizzzzzzz brizzzzzzzz

Tumayo na ko at naligo, nag bihis, nag lagay din ako ng make-up pero ligth lang, ginawa kong wavy ang short hair ko.

Nakatayo na ako ngayon sa salamin at sinusuri maigi ang sarili. Im wearing a short pink party dress, nagustuhan ko 'to dahil sa design niyang parang disco ball na pink, ang cute e hehe.

Nag paalam na ko kay Rold, at nag drive papunta sa bahay nila Sam.

Pag punta ko ay madami na ding bisita, wah kala ko section lang namin? bakit may nakikita din akong mga mukha ng collage? tinignan ko ang mga babae don at ang sesexy nila, shet edi kayo na!

Ginawi ako nang isang maid nila don na nasa likod sila sa may pool, at wao! may mga ibat'ibang kulay ng baloons na nakalutang sa pool, meron ding mga cute na salbabida ang nandon, napuno din ang paligid ng neon ligths at may pa bubbles pa. Sinalubong ako ni Sam

"Ano ba Hailey! ako ang may birthday hindi ikaw!" pang aasar niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa, inabot ko sa kanya ang regalo ko

"Happiest birthday to our dear mami."niyakap ko siya ng mahigpit at ginantihan niya naman yon, ginawi niya ko sa mga kaibigan namin.

"Shet pare! di ako na inform na may pa beauty pagent pala sila ngayon dito." bungad ko kay Pia, ang ganda eh, lantaran ang long legs niya, sobrang nahiya yung biyas ko.

" Uy, hi flower girl!" sabay tawa kong bati kay Mina, ang cute HAHAHA

"Mag tigil ka nga! birthday party ni Sam, hindi bar. Mygad Hailey, hindi halatang mahilig kang mag club ha?" ako naman ngayon ang nag pukol ng masamang tingin sa kanya.

Tinignan ko din ang mga kaibigan naming nandon

"Nice cleavage, Crystal!" namula ito sa bati ko

"Grabe! ang manyak mo!!"

"Tanga! take that as a compliment, tignan mo naman ang akin at iyo, apaka yaman sa nutrisyon niyan kaibigan HAHAHAHAHAHA"

"AHHAHAHAHAHAA"

"TANGINA MO HAILEY! HAHAHAHA" at sinuntok ang braso ko

"Ano mamaya? tara?" sabi ko at inaksyon ang pag shoooooot!  umiling sila, tssss weakk!

"Mabait ako sorry, pass." si yuri

"Ako din, masunurin akong bata e.Kayo nalang." si Mina

"Ano pre? ayaw din?" tanong ko kay pia at umiling din 'to, yikessss

Nag simula ang party, nauna ang mga serimonyas at mga message para kay Sam mg mga kamag-anak niya, pinangungunahan ng kanyang ina.

"Parang kaylan lang, hinehele-hele pa kita anak..." sabi nito habang umiiyak, inaalo naman ito ng kanyang asawa. Napatingin ako sa mga kaibigan kong nag kkwentuhan lang don.

"Di ba tayo mag memessage kay Sam?" tanong ko

"Gusto mo ikaw nalang HAHA" si Yuri, napakunot ang noo ko

"Lam mo kasi Hailey, mas magandang tayo-tayo lang makakarinig ng message natin for her mamaya, kaya chill kalang." napatango naman ako, oo nga naman, di ko naisip yon ah.

Lumipas ang ilang oras at nag siuwian na ang iba, pinangunahan ito ng mga matatanda at ng iba pang inaantok na daw.

"TARA PARTY NAAAA!" si Mina

"Ayos Sam ah? parang 18th birthday na yung mga gantong eksana diba?" si Pia kay Sam

"Nga eh, ayaw niyo non? taraaa!!"

Medyo marami parin ang naiwan ngunit may kanya-kanyang kausap ang mga ito. Kanina ko pa nararamdamang may nakatingin sakin ngunit ngayon lang ako nag lakas loob na tignan kung sino yon dahil baka feeling ko lang yung kanina. Napatingin ako sa lamesa ng mga kalalakihan na may iilang babae din, Then i saw Raiven, staring at me. Napalunok ako sa paraan ng pag titig niya, nakakapang lambot.

Binawi ko ang tingin ko at nakijoin sa usapan ng mga kaibigan ko

"Bat may mga nakita akong mga collage student kanina? bat may mga grade11 and 12 din mula sa ibat-ibang section, Sam?" si pia habang kinakain ang slice ng cake na nasa harap niya

"Mga pinsan ko kasi, yung iba nag sama ng kaibigan din, yung iba mga tropa dinala, yung iba kakilala nila mommy yung mga magulang."  napatango naman kami sa sagot niya

Nag aya si Sam sa mismong gilid ng pool kaya naman ayon nakatampisaw na ang mga paa nila don habang nag kkwentuhan. Syempre mabait akong bata kumuha ako nang isang  can ng beer sa may cooler nila don, kanina may nag aasikaso don pero mukhang abala na sila sa pag liligpit kahit  may mga mangilan ngilan pang nandon, nag iinuman din sila pero mga collage naman na or senior? err , idk.

Papunta na sana ako sa mga kaibigan ko nang may humarang sakin.

"Hey there kitkat" bati ko dito habang binubuksan yung beer in can, narinig ko ang mahinang pagtawa nito

Medyo nagulat ako nang kunin niya sakin ang hawak ko

"Are you allowed to drink?" tanong niya sakin at siya na ang nag patuloy sa pag bubukas non, kinuha ko ulit yon sa mga kamay niya at mabilis na tinungga iyon na ikinagulat niya, napangiwi ako sa mapait na lasa pero keri lang

nagkibit balikat ako sa tanong niya at tinignan siya nang naka smirk "Nauhaw ako eh"

"Raiven!" sabay kaming napatingin sa tumawag sa kanya at mabilis na tinignan niya ulit ako, nakita kong may kung anong dumi sa buhok niya kaya tuminggkayad ako para maabot yon dahil matanggad siya, pero hinuli niya ang kamay ko at ngayon ay mag kalapit na kami, binalik ko ang tingin sa kanyang mata na nakatingin sakin na para bang pinag aaralan ang lahat sa mukha ko, napangiwi ako sa sarili kong kalokohang naisip.

Hinila ko ang batok niya pababa sa mukha ko at inilapit ang mukha ko sa mukha niya, sabay...







taas don sa beer in can at ininom yon



binitiwan ko siya at umatras para mas lalong makita ang epic niyang pag kabato sa kinatatayuan

"PFFFFT HAHAHAHAHAHAHAHA"

iniwan ko na siya don at tuluyan ng bumalik sa mga kaibigan ko

Medyo Marupok Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon