Hailey's POV
"R-raiven.."
Ngumiti siya sakin, luh wag kang ganyan baka makalimutan kong galit ako sayo, ang gwapo bat ganon>_<
"What are you doing here?" pag uulit ko sa tanong ko kanina.
"I came here for you." hindi ko pinahalata ang pag kagulat ko ngunit naramdam ko ang pag init ng mukha ko, kung napansin niya man
sana manahimik nalang siya, shems!
"I just want to.. ammm.. i want to say sorry about what happend in canteen." patuloy niya, hindi siya makatingin sakin atkita ko ang pamumula niya, natawa naman ako sa inasta neto. Cute. "Please don't laugh, im really sorry 'bout that." i pat his head, he looked at me with his confuse expression, i smiled "It's okay, di mo naman sadya yon." it's really okay, nagustuhan ko nga e, pero syempre secret ko lang yon hehe.
Tumayo na ko dahil may iilan ng pumapasok, mahirap na ayoko ng issue. "Pano? mauna na ko." ngunit hinawakan niya ang kamay ko at may nilagay siya don. Tumayo na din siya at hindi man lang ako sinulyapan bago umalis. Tss. Papaalam lang hirap na hirap? tinignan ko ang nilagay niya sa palad ko, napangiti naman ako bigla ng makita kung ano iyon, kitkat.
Nilagay ko ito sa bulsa ko at wala akong balak kainin yon. Lumabas na ko at dumaan sa canteen para bumili ng mangangata sa room.
Pag pasok ko ay nag kanya-kanyang kumpulan ng upuan. Syempre pumunta ako sa mga kaibigan ko.
"Hailey!!!" Si Mina
"Yoo!" nakangiting bati ko sa kanila
"Nakooo! ikaw ha!! ngiting ngiti!! nakooo bakit kaya??? alam niyo ba??" umpisa ni Sam, napakunot naman ang noo ko pero di maalis yung ngiti,ewan ko ba kusa eh
"Sus! tabi kayo! baka maapakan niyo ang buhok ng lola niyoooo" si Pia
"Luh? gago ba kayo? problema niyo ba ha?!" sabi ko nang nakangiti parin habang kinakain yung vcut spicy na binili ko
"ULOL!!!!! KUMAKAIN KAMI SA CANTEEN TAPOS,,,,,,,," kahit kelan apaka lakas talaga ng boses neto ni Mina
"Taposs???" nakangiting tinignan siya ni Pia
"LUMAPIT SAMIN SI PAPA RAIVEN AT HINANAP KAAAAAAAAAAA!!!!" deklara niya at itinaas pa ang parehong kamay sa ere at nag titili na silang lahat, sobrang nahiya ako kaya pinag susuntok ko sila sa braso, sebe senye eyeke neng issue mgenge penyete HAHAHAHAHHAA
"Sus, pano niyo naman nalamang nasa library ako?" usisa ko
"Aba! natural, bago ka lang dito kung di sa room asa library ka, yon palang naman ang alam mong lugar dito kahit mag dadalawang buwan na." napatango naman ako sa sagot ni Yuri
"Pano ka nga pala napadpad dito? tiga san kaba kase galing? wala kaming alam sayo!!! baka naman bakla mag kwento kaaaaa!" si Mina, natawa naman ako sa kanya
"Tiga jan lang talaga ako, napadpad kami dito kase wala na kami don HAHAHAHA"
"Parang gago lang"
"Ano trabaho ng mga magulang mo? ilan kayong mag kakapatid? nag iisang babae ka lang ba?" si Pia
"Huh? bat di mo alam pia eh diba mag kakilala na kayo dati?" si Yuri
"Hindi naman ako ang kakwentuhan lagi niyan, iba. Pero mag kaibigan naman kami." napa tango nalang sila
"Dami niyong tanong, mahina kalaban, tss HAHAHAHA"
"So ano nga bat kanina para kang pinagsakluban ng langit at lupa, ngayon ang saya-saya mo na, may nang yari sa inyo ni Papa Raiven nooooooo? AYEEE" binatukan ko si Crystal, isa sa mga kaibigan namin
"Gago! ang dumi ng utak niyo, lumayo nga kayo sakin.Kakadiri kayo." aasarin pa nila sana ko nang dumating na ang pag hapon naming,teacher.
Uwian na at papunta na ko nang parking lot ng makita ko ang kapatid ko.
Hinila ko ang polo nito at pilit na kinorner sa pader ngunit masyado siyang mabilis at ako ang nacorner niya."Nice one, Rold!"
"Tsk. Bored ka nanaman no? ako nanaman linag ttripan mo." masungit na sabi niya
"Dream on. Tara na nga!" grade 8 na si Rold at kahit na mas matangkad na ito sakin, madalas ko tong inaakbayan, ewan trip ko eh.
Pag kauwi ay kanya-kanya kaming punta sa kwarto, pero pinigilan ko si Rold.
"Bakit nanaman ba?!" iritadong tanong niya, binatukan ko 'to
"Baka nakakalimutan mong mas matanda ako sayo. Ikaw mag luto, ako na kahapon."
"Mag oorder nalang ako, katamad!" sabagay natamad din ako mag hugas kaya tinanguan ko na lang ito at umakyat na sa taas.
Binaba ko ang bag ko, maya na ko mag bihis pag tapos kumain para isahang bihisan nalang hehe, tinanggal ko ang blouse ko at palda may short naman at sando akong pandoble. Nahulig ang kitkat na bigay ni Raiven mula sa palda ko. napangiti ako at kinuha yon, nilagay ko yon sa personal ref ko sa loob ng kwarto at nag cellphone na.
Pumunta ako sa messenger dahil sakto minention ako sa isang gc
Mga baklita
sam : gays!!!! we'll having a party this saturday for my birthday in sunday!!
Yuri: only us? no boys?:((
sam: haha! no, i'll invite our classmates to come.
Pia: only in our section?:((
sam: c'mon! we're not that close to other levels, lol!
Mina: Mag iinvite ako ayos lang
Ako: hindi talaga patanong yon, Mina?🤣
Mina: nope HAHA
Sam: kayo bahala, okay lang naman! mas madami nga mas masaya kaya lang you know me, hindi talaga ko close sa iba haha!
Pia: okay! mag iinvite ako nang mga kaclub ko ha!!!
sam: ikaw Hailey? sino iinvite mo?
Ako: ewan, balana
crsytal: pwede daw ba sumama si kuya? tas mag sasama din daw siya nang kaibigan, bali makikikain siya. Sorry HAHAHA makapal to eh
Sam: HAHAHAH sure!
ako: may theme ba?
Yuri: nice question, Hailey
Mina: oo nga, ano ba theme? peram nalang ako damit Sam
Sam: Lika dito, Mina. Ampunin nalang kita nang tuluyan haha! oo bali, pink and violet yung theme, masyado ngang girly eh, pero si mommy kasi nag ayos;((
Ako:ayos lang, out na ko. Nigth!!!
Mina: nyt!!
yuri: baii!
