Kabanata 9

8 3 0
                                        


Hailey's POV

"Okay, so pumunta na sa kanya-kanyang grupo para makapag simula na tayo." si sir Gail, science teacher namin. Kagrupo ko si Pia na may limang utak kaya kampante na ko hehe, joke lang!!

Nag simula kaming mag scan sa book, may binigay si sir sa bawat grupo na kanya-kanyang topic at irereport namin yon by group mamaya sa harap after 30 mins.

Ako ang na assign mag scan ng book at babasahin yon sa tamang lakas para marinig ng group leader naming si Pia, siya naman ang iintindi dito at papalawakin ang explanation na isusulat naman ni Aron, kilala ko sa mukha ang iba naming mga kaklaseng kagrupo pero di ko tanda ang name nila, sila ang dakilang tiga hawak ng manila paper.

Medyo mainit na ang ulo ko dahil kakaunti palang ang nahahanap kong info sa libro

"Hailey..." tinignan ko si Pia at inantay na mag salita 'to ulit, pero tumuro lang ito sa likod ko kaya naman napatingin ako don.

--------------------------------------

Pia's POV

Nagulat ako nang bigla tumayo si Hailey, nakaupo kasi kami sa sahig at nasa gilid ang mga upuan, nakuha nito ang atensyon ng lahat, shet! hindi pwede gulo nanaman 'to!!!

Nasabunutan ko ang sarili ko sa pag ka tanga ko, dat pala di ko na tinuro aaaaaccckkkk

Nakita kong kumunot ang noo ng mga kaibigan namin at para bang nag tatanong kung anong nangyari, nasapo ko nalang ang noo ko sa bwisit ko sa sarili ko

"Sir......" ayan na si Hailey shet! shet! shet!!!

Tinignan siya ni sir at nag aantay sa susunod niyang sasabihin

"Diba bawal mag search?" putanginaaaa

"Pwede naman,  pero sa book nga lang. Why?" si sir

"Mas lalong bawal gumamit ng phone during class hour diba??"  tumango naman si sir

"May mga.... sumuway po sir......nag papakahirap kaming mag scan tas kayo isang click lang?....." humarap ito sa likod na tinuro ko kanina "Alam niyo kung sino kayo..." at umupo na siya ulit

"Tangina Hailey, gulo nanamn to!" tinignan niya ko gamit ang mag kasalubong niyang kilay

"Anong 'nanaman'?" inirapan ko nalang siya, kahit noon ganyan na yan eh! kaya minsan ayokong nag sasabi sa kanya nang mga maling nakikita ko sa paligid kasi sure ball di siya papayag pwera nalang kung kasama siya,, HAYS!!!

----------------------------------

Hailey's POV

"Hailey, bat mo ginawa iyon?? ang dami mo tuloy makakabangga nyan, alam mo bang pinatawag yung mga nag sesearch kanina? and guess what?? umiyak si Yuna!! at ayon nag sumbong siya sa mga ate niya! nasa collage department siya ngayon!!" si Yuri

"Puta, tama na nga! di pa ba kayo gutom? kumain nalang tayo pwede?!" sagot ko, kainis eh! paranoid masyado tsk!

Natapos ang lunch at library time namin ngayon. Nauuna akong mag lakad sa kanila dahil abala sila sa chismisan.

Nasa tapat na pinto na ko nang library at bubuksan na sana yon ng may ibang nag bukas at naunang pumasok don. It was Yuna, tss.

May mga table don at sa pinaka dulong table ako dumiretso, nadaan ko yung table nila Yuna kasama ang research team , ppffft HAHAHA! namumula siya halatang kakagaling lang sa iyak. Kanya-kanyang hila ng upuan ang mga kaibigan ko sa table na napili ko, nag chichismisan parin sila nang mahina pero di na ko nakisali, natamad ako mag salita.

"Nandito po ba si Hailey?" Medyo malakas ang pag kakasabi non kaya naman hinanap ko ang nag salita non, hinanap din niya ako at nag tama ang mga mata namin. Nag pasalamat siya sa librarian at unting-unting lumapit samin, hanggang andito sa siya nakatayo sa harap ko.

Naramdam ko ang titig ng mga tao sa paligid, oa nanaman kayoo!

"Haizer.."  umiling nalang 'to sakin

"Kahit kelan, wala ka talagang galang." sermon niya

"Yuck! soooo wassup?"

"Mom called me" sumeryoso ako at nag antay pa ng sasabihin niya

"Kinakamusta tayo.."  nakahinga ako nang maluwag, kala ko kung ano na

"Wiwww" si Mina

Napatingin ako sa mga kaibigan ko na titig na titig kay Haizer, natawa ako

"Nga pala guys, this is Haizer. Kuya ko."

**

"HOY SERYOSO BA YON HAILEY?!!"

"BAKA NAMAN JINOJOKE MO LANG KAMI TAS KAYO NA PALA NONNN AYIEEE" luh gago?

"DE PERO PROMISE, SOOOOOBRANG LAYO! NI WALA MAN LANG KAYONG HAWIGG"

Uwian na at nag lalakad kami ngayon sa hallway pababa ng building

"Wala talaga akong kamukha sa mga kapatid ko, ako lang nag iisang kamukha ni mommy eh." kahit anong pilit kong maging kamukha si dad, wala mukha talaga ni mommy dala ko.

"Nga pala nakita niyo ba? nabasa ko kanina sa bulletin board, si Papa Raiven na ang bagong president ng student council, accccck!" si Pia

"Wow! sabi na nga ba mananalo yon eh!" si Crystal

"Hindi deserving yung nanalong secretary, grrrr! mayabang yon eh!palibhasa malakas yung party nila Raiven kaya nahatak siya." si Pia, so hindi siya nanalo? sayang naman.

"Does it mean karamihan sa nanalo puro galing sa party kila Raiven?" si Mina at tumango naman si Pia

"Edi pati si Zion,.. nanalo?" tanong ko habang nakangiti, di ko mapigilan eh bakit ba!

tumango si Pia

"Nakoooo! mga ganyang ngiti, tsk! tsk! kala ko ba kay Papa Raiven ka?" si Crystal

"Tanga, wala kong sinabi. Ang cute kasi ni Zion eh, hehehehe."

"So crush mo?" si Sam, tumango naman ako agad ng di parin naaalis ang ngiti

"HA! sasabihin ko sa kanya, close pa naman sila nang pinsan ko, magkaklase sila ehh." at nag sipag ayie naman sila

"Oo, please sabihin mo ha? asahan ko. Babyeeee!" nagulat ako sa reaksyon nilang pag tahimik at nakatingin lang sakin, nag taka naman ako

"Bat?" tanong ko

iiling-iling si Pia

"Yaan niyo yan, ganyan yan eh. Mas gusto niya alam ng crush niyang crush siya nito." ah so dahil ba don? bakit masama ba yon?

Nag tawanan naman sila, ha? bakit? sinenyasan na ko ni Pia na mauuna na sila, kaya naman pumunta na ko sa parking lot ng school at nag drive pauwi.

Medyo Marupok Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon