CHAPTER 11:HER PLAN

4.3K 103 0
                                    

Zed POV

Mag-iisang linggo na simula nong huli naming nakita si Carly. Sabi ni Jhon pumunta daw sya sa bahay ni Carly kahapon pero sabi wala daw sya don. Asan naman kaya sya?

"Hey bro, tulala ka?" sabi ni Mark. Nandito kami sa cafeteria ngayon at kumakain.

"Nagtext sakin si Bea, sabi nya try nya daw pumunta." sabi ni Rose.

"Sa sunday kita-kita nalang tayo don alam nyo naman kung saan diba?" Tanong ni Jhon kaya tumango lang kami.

"Balita ko nag-transfer na sina Meranda?" tanong ni Xyrel na ikinatango namin. "Kung sabagay, kahit ako mag-tatransfer din ako pag sakin nangyari yon." natatawa pang dagdag nya.

"Haha oo nga karma na nila yon, masyado kasing bullies." sagot naman ni Kai, samantalang kami naman ay tahimik lang.

"Sabi nong mother ni Meranda na nagka-truma daw si Meranda kaya nagdesisyong mag-transfer nalang kesa magsampa pa ng kaso. Kilala nyo naman ang pamilya nina Carly diba." sabi ni Jhon, oo nga mas mabuti na yon kasi masyado silang maimpluwensya.  "Sabi ni mama na tumawag daw si tito at pinagalitan si Carly. Pag daw di sya nagtino ipapadala daw sya sa states." seryosong dagdag nya.

Nagulat ako sa sinabi ni Jhon kaya napa-tingin ako sa kanya. So pupunta sya sa US pag di sya nagtino? No way.

"Hay naku wala silang magagawa kay Bea, hinding hindi yon sasama. Magkamatayan man di sya titira kasama ang parents nya." sabi ni Rose kaya nabuhayan ako, may point sya galit nga pala si Carly sa parents nya.

Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na kami sa classroom. Nagdiscuss lang ang prof namin at ilang oras lang ay natapos na ang klase. Masyado pa naman maaga para umuwi. San kaya magandang pumunta?

"Guys mall tayo?" tanong ni Rose. Wala naman na kaming nagawa dahil marami na ang pumayag sa gusto nya.

Mark POV

Nandito kami ngayon sa mall, sinamahan namin si Rose na bumili ng gagamitin nya daw sa outing namin.

Ang iba naman naming mga kasama ay nag-lilibot na din. Ang pupuntahan naming resort ay pag-aari ng parents ni Zed kaya pinareserve na namin para makapag-enjoy kami.

"Rose ok lang ba na sabay tayo sa sunday?" tanong ko.

"Uhm ok." sabi nya na ikina-ngiti ko.

"Sige pupuntahan nalang kita at 6 o'clock." sabi ko at tumango naman sya bago bumalik sa ginagawa.

"Mark tara na?" tanong ni Rose at tumango lang ako. Nagsimula na kaming pumunta sa isang cafe kasi don kami magkikita kita.

Nang makarating kami ay nakita agad namin sina Kai na naghihintay sa isang table. Umupo na kami at nag-order na. Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na ang order namin.

"So guys, what if mag-van nalang tayo para sama-sama tayo pagpunta don." suggestion ni Xyrel.

"Not bad, pero may dadaanan pa kasi ako." sabi ko.

"Ah that's fine." sagot nya.

"Tama para walang maingay." sabi ni Kai kaya nagtawanan kami.

"Two days tayo don right?" tanong ni Rose.

"Yes." simpleng sagot ni Zed na ikina-tango lamang ni Rose

After naming kumain ay umuwi na kami.Madilim narin naman at hindi rin kami nag-paalam.

Yaya Lyn POV

Nandito ako sa hospital at nagbabantay kay Carly. Dapat pala di ko nalang binigay sa kanya anf telepono.Hindi sana sya nandito ngayon.

"Excuse me." biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang doctor ni Carly.

"Yes doc,  kamusta po kalagayan nya?" tanong ko.

"She's ok now, hintayin nalang natin syang gumising.Nag-conduct narin ako ng mga test para masiguro ang kalagayan nya." nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ng doctor.  "Lumalala na ang Leukemia nya, she needs to take care of her health more. I suggest na ilayo nyo sya sa mga bagay na nagpapabalik ng trauma nya noon. There's a big chance that her trauma will go back, I saw how she struggled to much because of it." sabi ng doctor na ikinatango ko naman.  "I think it would be better if we will inform her parents about this. This is a serious problem to fix." sabi ng doctor bago ito magpaalam.

"Itong batang ito talaga, mamatay nalang ayaw pa humingi ng tulong sa pamilya nya. Hindi ko naman pwedeng ipaalam to mommy mo kasi alam kong pipilitin nyang umuwi at pag nakita mo sila babalik ka uli sa dati." sabi ko habang tulog sya. Ano ang gagawin ko ngayon?Siguradong magkakagulo kapag nalaman na nila.

Ilang oras pa ang nakalipas at nagising narin si Carly. At dahil mapilit sya ay wala na kaming nagawa kundi ang umuwi na sa bahay.

Carly POV

Umuwi na kami ni yaya sa bahay,  ayoko ko nang mag-stay pa sa hospital. Pagdating sa bahay ay nagpahinga na agad ako.

Bukas na pala yong outing namin, ang sabi ni Rose ay two days kami doon. Kaya naman dahil hindi naman ako pagod ay inayos ko na ang mga gamit na kailangan ko.

Pagkatapos ay bumaba na ako para kumain ng dinner, late narin para sa dinner kaya naman nagugutom na ako, kakain muna ako bago matulog.

Pagkatapos kumain ay nagpunta na ako sa kwarto at hihiga na sana ng mag-ring ang phone ko.Nakita ko ang pamilyar na pangalan ng caller kaya naman sinagot ko agad.

("Hello Carly it's been a long time!")

"Yeah it's been." walang buhay na sagot ko.

("Really! Is that the way you greeted a friend for a long time!")

Rinig ko ang pagdadabog nya at ang pagpadyak ng mga paa nya na ikinatawa ko naman.

"Tsk, so what's with the call?" tanong ko.

(I just wanna inform you na kadadating ko lang dito sa Pilipinas, well you know I need your help.")

"What now? May naka-away ka nanaman ba?" seryosong tanong ko.

(No! No! Actually walang alam sina mommy na ngayon ako dadating. I want to surprise them kaya kailangan ko nang tulong.")

"Hmm....What kind of help?"

("Just a little surprise.")

"A surprise?" biglang may pumasok na ideya sa akin. "I will pick you up tomorrow, pack your things fro two days." sabi ko.

("Uhm...Where are we going?")

"You want me to help you right?"

("Yeah")

"Then do what I said. Where going to a beach."

("Ok I'll wait you at my condo and send you the location.Bye see yah!")

Pagkatapos kong ibaba ang tawag ay tinawagan ko si Rose na agad naman nyang sinagot.

("Finally you called! What happened?")

"I'm not going tomorrow,  I'm sick"

("Ohh...ok I understand. Sasabihin ko nalang sa kanila")

"Ok thanks"

("Ok")

Pinatay ko ang tawag at nahiga na sa kama. Hanggang sa hindi ko namanalayang nakatulog na pala ako.

Fell Inlove with the Heartless Empress (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon