Min POV
Gumising ako nang maaga para di ako malate sa klase. Parang ang bilis lang ng oras, one week na kasi ang nakalipas simula nong pumunta kami sa bahay nina Bea. And it's Monday again.
Pagkatapos kong maghanda para sa school ay bumaba na ako para kumain ng agahan. Pagbaba ko ay nakita ko si mom and dad na kumakain na.
"Good morning sweetie." bungad ni mom at dad sakin.
"Good morning mom, dad." sabi ko at umupo na sa upuan at nagsimula nang kumain.
Kapag kumakain kaming magkakasama, minsan naiisip ko kong ano kaya ang pakiramdam ni Bea kapag kumakain sya magisa sa bahay. Kapag uuwi sya na wala manlang yayakap sa kanya, kapag may problema sya walang tutulong at magcocomfort sa kanya. Pano kaya nakayanan nina tita na iwan nalang basta ang anak nila. Nagagalit ako sa kanila pero at the same time naiintindihan ko rin kong bakit nila yon nagawa, alam kong masakit din sa kanila ang mawalan ng isang anak pero di yon dahilan para iwan nalang nila si Bea.
"How's school?" biglang tanong ni dad.
"It's fine dad." sabi ko,tumango lamang sya. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila. Dumiretso na ako sa garahe at kinuha ang aking kotse.
Nagmaneho lang ako hanggang makarating na ako sa school, nang mag-park ako ay nakita ko na ang kotse ni Bea kaya dumeritso na ako sa room.
Pagdating ko sa room ay nakita ko si Mark sa may pintuan. Hinihintay ba nya ako?Hahaha charrot lang ang assuming ko naman.
"Good morning."sabi nang nasa tapat na nya ako.
"Good morning, by the way sinong hinihintay mo?" tanong ko, malay nyo diba?
"A-ah ehh ikaw." sabi nya na palihim kong ikinangiti.
Ngumiti lang ako nang di nagpapahalatang kinikilig ako tsaka umalis at umupo na sa upuan ko. Nakita ko naman na sumunod sya at umupo na rin sa upuan nya.
Nakita ko naman si Bea na natutulog sa desk nya, kahit kelan antukin ang isang to. Pansin ko rin na wala pa sina Zed except lang kay Mark.
Ilang sandali ay nakita kong dumating na ang tropa nina Mark, kasunod na nila si Ma'am ang first subject namin pero nagtaka ako kung bakit wala syang dalang libro.
"Good morning class, for today we have no classes." biglang umingay ang mga kaklase ko. "I'm not done yet, I allowed all of you to prepare your gowns and tuxedos for the welcome party for the daughter of the owner of this school tomorrow. You may go now." sabi ni ma'am at lumabas na.
Nagsilabasan na rin ang iba sa mga kaklase namin kaya naisipan kong gisingin na sya.
"Bea, oyy gising na! Dali na magshoshopping tayo hoyy!" pagkatapos kong sumigaw ay nagmulat na sya ng mata at tiningnan ako ng seryoso. Napa-peace sign nalang ako kaya napairap sya.
"What for?" tanong nya kaya napataas ang kilay ko.Alam kong alam na nya yon. "I already have my gown." sabi nya kaya napa-nguso nalang ako.
"Samahan mo ako." pagmamaktol ko sa kanya, pero tiningnan lang nya ako.
"No need, you already have a gown." sabi nya kaya napangiti ako.
"Ohh really! Thank you, your the best talaga!" sabi ko at niyakap sya. The best talaga sya.
"Ehem wait coz, sya lang ba ang libre ang susuotin? Pano naman ang pogi mong pinsan." sabi ni Jhon kaya napatawa nalang ako bigla.
"Buy your own clothes." sabi ni Bea kaya napatawa nalang kami nina Mark except lang kay Zed, si Jhon naman napa-pout nalang.
"Hmp...Sige na nga bibili nalang ako." sabi ni Jhon na kunwari nagtatampo pa. Actually close talaga kaming tatlo since when we are little kids.
"Alam nyo sumama nalang kayo samin pagbili ng susuotin namin para makapag-bonding naman tayo." suggestion ni Xyrel kaya tumango nalang kami, except lang sa dalawang yelo sa grupo namin. Alam na kung sino.
Umuwi muna kami para magpalit, magkikita-kita nalang kami sa mall mamaya. After an hour ay biglang may bumusina sa labas ng bahay kaya napatingin ako sa bintana ng kwarto ko.
Binuksan ng maid ang gate at lumabas mula rito si Mark. O MY GOD! Anong ginagawa nya dito?!
"Ma'am may bisita kayo!" sigaw ng maid kaya naman bumaba nalang ako at nagkunwaring hindi ko alam na nandito sya. Pagbaba ko ay nakita ko syang nakaupo sa may sofa kaya nilapitan ko sya.
"Ohh bakit ka nandito?" kunwaring nagtataka kong tanong.
"A-Ahh naisip ko kasi na sabay na tayong pumunta sa mall. Tumawag kasi sakin si Xy na 1:30 pm nalang daw tayo magkita kita instead of 2 pm." mahaba nyang paliwanag.
"Ah ganon ba, sige magbibihis lang muna ako." sabi ko kaya tumango lang sya. "Ya paasikaso muna sa kanya." sabi ko sa maid bago umalis. Pumunta ako sa kwarto at naghanda na. After 15 minutes ay tapos na ako kaya bumaba na muna ako.
"Tara na." aya ko sa kanya kaya sabay na kaming lumabas. Pinagbuksan nya ako ng pinto kaya ngumiti lang ako. Nagsimula na syang magmaneho pero bigla kaming natahimik.
"U-uh gaano na kayo katagal ni Carly na magkaibigan?" biglaang tanong nya.
"Ah magkaibigan na talaga kami bata palang kasi business partners ang parents namin." sabi ko kaya itinuon na ulit nya ang atensyon nya sa daan. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa mall at nakita ko na sila Bea.
"Ehem bakit kayo magkasabay?" mapanuksong tanong ni Jhon kaya napangiti nalang ako.
"Sinundo ko lang sya para sabay na kami." paliwanag ni Mark.
"Gusto mo lang talaga syang sunduin." sagot pa ni Xyrel.
Pumasok na kami sa mall at naghiwahiwalay na muna habang bumibili ang boys ng susuotin nila. Pumunta naman ako sa may mga damit. I really love shopping.
Carly POV
Nandito ako sa isang bench na katapat lang ng ice cream parlor. How I miss to eat ice
cream with you kuya.*FLASHBACK*
"Kuya halika bili mo ko non please." sabi ko sabay turo ng ice cream.
"Okay, wait here and don't go anywhere." sabi nya kaya tumango lang ako.
Naghintay lang ako ng ilang saglit at dumating na si kuya. Binigay nya ang ice cream sakin at sabay naming kinain yon sa bench.
*END OF FLASHBACK*
Nagulat nalang ako ng may magbigay sakin ng isang chocolate ice cream.
"Ohh para kasing nagnanasa ka don sa ice cream." sabi ni Zed sabay abot ng ice cream.
Kinuha ko lang ang ice cream at kinain ito. Ilang oras din kaming tahimik nang bigla nalang nya akong hilahin.
"Hey!" sabi ko pero di sya nagpatinag at hinila nya ako sa isang jewerly shop?. "Why you did you brought me here?" takang tanong ko.
"Ah sa tingin mo alin jan ang maganda?" tanong nya kaya nagtaka ako.
"Why?" tanong ko ulit.
"Just pick one." sabi nya na may halong medyo pagkainis.
Tumingin lang ako sa mga alahas dito at napukaw ako sa isang kwintas na gold. Korteng puso sya na may maliliit na white gems sa right side ng shape na heart.Tapos sa left side naman ay may nakasulat na LOVE.Tinuro ko yon sa kanya.
"This one." sabi ko in cold way kaya lumapit sya rito at kinausap nya ang sales lady. Di ko na tinanong kung para san yon dahil hinila na nya agad ako palabas sa shop.
Naghintay lang kami sa isang Korean Resto, habang hinihintay ay tiningnan ko muna kung may mga message akong natanggap at meron nga.
(From:09*********
Tomorrow Poison Warrior Gang
at exact 5 pm.Good Luck!)Itinabi ko na ang phone ko at sakto namang dumating sila. Namili na kami ng order at kumain agad ng mai-serve na. Pagkatapos naming kumain ay umuwi na kami sa bahay.
BINABASA MO ANG
Fell Inlove with the Heartless Empress (UNDER EDITING)
Teen FictionIsang babae na kinatatakutan ng buong gangster's underground.A girl that can kill you without hesitation,without mercy.Isang babaeng palaban at walang inuurungan.Hinahangaan at iniidolo ng lahat. Pero paano kung siya pala ay may karanasan na gusto n...