04: Nocturnal Expedition (Jamie)

53.6K 2.9K 4.6K
                                    

A/N: Jamie takes the spotlight as she shares her ghosthunting experience during the school lockdown!

A/N: Jamie takes the spotlight as she shares her ghosthunting experience during the school lockdown!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JAMIE

TONIGHT IS gonna be fun!

Who wants to stay in your room and sleep early, 'di ba? Minsan lang magkaganito tapos hindi pa namin e-enjoy-in?

Don't get me wrong. I feel sad about what's happening. I feel sad that the next days may not be same as before. Pero that doesn't mean na magmumukmok kami sa isang sulok at hihintaying matapos ang school lockdown! Gloomy na nga ang atmosphere, tapos sasabayan mo pa ng lungkot? That ain't gonna help in this situation.

That's why I suggested na mag-ghosthunting kami sa abandoned school building. It's a distraction that we needed. Kahit sandali lang, makakalimutan namin ang problema sa mundo. Para sa 'kin kasi, kapag masyado naming sineryoso ang ganitong bagay, mababaliw kami sa sobrang stress. What we needed was a breather.

Siyempre, I expected that the good two shoes Alistair and Lorelei would oppose. Mas gusto nilang mag-stay sa kanilang kuwarto at pagnilay-nilayan ang mga bagay-bagay. But gosh, can't we find some fun in this situation?

Kung magiging honest ako, walang problema sa akin kung 'di sumama sina Alistair at Lorelei. It's gonna be their fault if they choose to miss the fun. What I want ay makasama ko si Loki. Hindi ko na nga siya makakasama sa iisang kuwarto, eh. Ide-deprive ko pa ba sa sarili ko ang opportunity na magka-bonding kami?

But knowing Loki, he thinks that ghosthuntings are stupid and those who believe in ghosts are also stupid. Hindi ko siya mapipilit na sumama sa 'kin. Hayst, malabong ma-solo ko siya. Malabong gumala kaming dalawa sa school na kami-kami lang. Kaya I had to convince my two other friends na i-push ang ghosthunting. I don't mind them being around, as long as I can have my moments with Loki.

"Are you ready?" nakapamewang kong tanong paglabas namin ng school gymnasium. Parang ako lang ang may energy at game na game para sa trip naming 'to, ah? Can't they at least show signs of excitement?

Sinimulan na naming lakarin ang daan papunta sa abandonadong building. Mukhang hindi lang ako ang naghahanap ng fun ngayong gabi. May ilang students kaming nakita na naghahabulan sa damuhan. That's really fun! May ilan namang nakaupo nang paikot tapos parang nag-o-open forum. How dramatic. Hindi rin magpapahuli 'yong mga lovebird na pumwesto sa ilalim ng mga puno at magka-holding hands pa. How sweet!

Lumingon ako kay Loki dear. He doesn't look interested in our evening trip. To be fair, he never looked interested in anything. Except when there's a case to solve. Doon mo makikitang nagniningning ang mga mata niya. As in literal! 'Yong mga walang buhay niyang mata, biglang mabibigyan ng spark.

Sana isang case na lang ako para ako ang magbigay spark sa buhay niya. Ang corny, 'no? Pero ano'ng magagawa ko? Ganyan talaga kapag humaharot.

Mula sa walang emosyon niyang face, nagawi ang tingin ko sa kamay niya. I thought of holding his hand. Tightly. Kagaya sa mga mag-jowa. If the world is about to end and humanity is about to go extinct, I'd like to enjoy my last moments with him. Gusto kong ma-feel kung paano magkaroon ng jowa.

Lockdown of the QED ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon