05: Groans and Screeches (Jamie)

46.2K 2.8K 5.2K
                                    

A/N: Jamie's still in the spotlight! Is there really a ghost in the abandoned school building?

A/N: Jamie's still in the spotlight! Is there really a ghost in the abandoned school building?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JAMIE

I KNOW that this ghosthunting was my idea, but I'm legit scared! I mean, this is supposed to be an abandoned building. There's no way on earth that something can move and create a noise dahil walang taong gagalaw!

Hundred percent sure na hindi ako namali ng dinig. Even Alistair and Lorelei acknowledged that there was noise upstairs. Parang upuan na tatlong beses na kumaluskos sa sahig. My god, naninindig na naman ang balahibo ko!

On the plus side, nakakapit na ako kay Loki dear. Am really scared! Takot 'to na may halong harot. Kailangan ko ng makakapitan. Kailangan ko ng poprotekta sa 'kin.

I mentioned na hindi talaga ako natatakot sa ghosts, 'di ba? Let me get this straight, okay? Natatakot ako ngayon, pero hindi dahil sa multo. Natatakot ako sa kung ano'ng pwedeng makita namin sa taas. What if there's a serial killer who has taken refuge upstairs? What if someone was taken hostage and being kept there? Mas nakakakilabot naman 'yon kaysa sa multo.

Iniangat ko ang aking tingin kay Loki. Oh, that expressionless face of his. Such courage! Never siyang matatakot sa mga kaluskos lang. Baka nga kapag may nakita siyang multo, sampalin lang niya sa mukha. I know that I'm taking advantage of the opportunity and all, but I feel safe being beside him.

Siyempre, makakalampas ba sa 'kin ang mapanuring tingin ni Lorelei? She's been staring at me clinging to my Loki dear. Maybe she's thinking, "Here goes Jamie again. Nanamantala na naman." Well, she's right!

"Let's go?" tanong ni Alistair. Itinutok niya sa harapan ang kanyang flashlight at umabante na. Sumunod si Lorelei sa kanya, tapos kaming dalawa ni Loki.

This place was really spooky! Kung meron kaming subject sa film production tapos horror ang napili naming genre, I'd really recommend this place. Kuhang-kuha kasi 'yong atmosphere. Malamig. Madilim. Maalikabok. May mga agiw sa taas. May bitak na sa sahig. May sira na ang kisame. Bukas 'yong ibang pinto. Parang may lalabas na maligno anytime.

Habang ang nilalakaran lang namin ang iniilawan ng mga kasama ko, pagala-gala naman ang flashlight ko. Parang makulit na ilaw sa disco. Tugs! Tugs! Tugs! Tsine-check ko kasi ang mga nadaraanan naming kuwarto at pinto. Baka may sumilip na multo o kung anumang elemento. Ang tapang ko, 'no? Tapos kapag may nakita ako, bigla akong titili.

Creak!

I freaking gasped nang may marinig akong kaluskos sa kanan ko. What was that noise? Huminto ako sa paglalakad at hinila ang braso ni Loki para mag-stay siya sa tabi ko. Itinutok ko ang flashlight sa pinto ng kuwartong nadaanan namin. It was slowly moving, creating a soft creaking noise!

"It's the wind," my Loki dear assured me. "If there's a ghost there, do you think he needs to open a door to greet us? They can walk through walls and doors."

Lockdown of the QED ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon