CHAPTER 19

7.2K 153 3
                                    

Yesha's POV

Hindi ko pa nakikita si Brix ilang araw na. Hindi naman sa gusto ko siya pero nakakapanibago kasi na lagi siyang nandyan sa tabi ko lagi tapos ilang araw siyang nawala.

Hindi ko sure kung may nararamdaman pako para kay Drew. Nitong mga nakaraang araw kasi matapos kong sabihin sa kaniya na may anak kami, sobrang sweet niya sakin pero ako eto. Nawawalan ako ng gana. Naghihinala pa din ako sa kaniya na baka pinaglalaruan niya parin ako hanggang ngayon.

Ganon na siguro talaga yun, first impression lasts nga di'ba? E unang tingin ko palang sa kaniya, manloloko na. Kaya hindi ko magawang magtiwala sa kaniya.

Naalala ko kung gano ako kabaliw sa kaniya. I almost hurt myself because of the thought of what's wrong with me? Am I not enough? Naging kami. Yes. Hindi ko pa naamin sa inyo. Kaya nga ako pumayag na gawin namin ang pagkakamaling iyon kasi akala ko sigurado na siya sakin. Kasi akala ko seryoso na siya.

Pero after that night, everything changed. I can sense na napilitan lang talaga siya sakin. Kaya hanggang ngayon iniisip ko pa din na napipilitang lang siya sakin maging sweet because we have a child.

Nasa jollibee kami ngayon.Ako, si baby Aivie, at si Drew. Nakatitig sakin si Drew. Gusto kasi dito ni baby aivie

"What are you thinking?" tanong nito sakin. Di ko alam kung matutuwa ako o ano kasi sweet siya sakin.

"Uhmm, nothing. " sagot ko nalang saka sumubo ng fries.

"uhmm, Cr lang ako" paalam ko sa kaniya. tumango siya. I want him to have time with our baby. Hindi naman ako ang kelangan niya kundi ang anak lang naman namin.

Napabuntong hininga akong dumiretso sa cr ng jollibee. Hindi ko alam pero naiyak nalang ako bigla.

Hindi ko alam pero parang may kulang sa araw ko.

Lumabas ako ng Cr nang walang bakas ng pag iyak.

Hindi muna ako lumapit sa kanila, nakita ko silang sweet sa isa't isa. Nakangiti si Baby Aivie kay Drew at si Drew naman ay sinusubuan  si Baby Aivie.

Lumapit ako sa kanila at naupo na.

"Hmm, Yesha ang tagal mo ah" sabi ni Drew. May naisip akong kalokohan sa kaniya. Let's try this.

"Tumae ako e" kahit hindi naman talaga. Kasi mas kapani paniwala yan kesa sa ibang rason.

Napangiti naman siya sakin.

"Why are you so serious? Nahihiya ka ba?"

" Why should I?"

" It's obvious. "

" Iw, mommyy. You pooped!?" singit ni baby aivie. Tinakpan ko ang bibig niya. Gagi nasa jollibee kami. Buti nalang at walang pake yung ibang tao.

"hmmp! Mommy.. Have you washed your hands!?"

" Of course baby. Haha"

Natawa si Drew sa inasal ng anak namin kaya natawa na din ako.

Nagsimula na ulig kaming kumain.

Pagtapos namin kumain ay nag pasyal kami kung saan saan. Sobrang saya ng araw ko pero may pag aalinlangan pa rin ako sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit.

Brix's POV

Ilang araw nakong nandito sa bahay nila Deign, hindi ako pinapaalis ni Lea.

Sweetest Mistake [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon