CHAPTER 9

7.4K 152 3
                                    

Yesha's POV

Pagtapos ng nalaman ko. Ilang araw akong tulala.

Habang naglalakad ako papuntang Canteen, sinabayan ako ni Brix sa paglalakad.

"Hey, sorry na dahil tinago ko sayo" panimula niya pero nauna na'ko maglakad, dire-diretso at hindi siya nilingon

Bumili ako ng bananaque at Turon tsaka juice. Ganon lang ang mga tinda dito. Public school nga diba? Pero meron din namang tindang biscuits peri di ko trip mag biscuits ngayon.

" ako na magbabayad" sabi niya. Hinayaan ko nalang siya at nauna na. Umupo ako sa loob ng canteen.

Pagdating ni Brix ay naupo siya agad sa harap ko, hindi nagbago ang reaksyon ko at patuloy pa rin ka kumakain na parang walang tao sa harap ko

" Hey, Yesha. Pansinin mo naman ako oh.."   pakiusap niya pero blangko ko lang siyang tiningnan.

"Yesha--"

"Ayos na Brix. " simple kong sagot.

" napatawad mo na ako?"

"Oo" nakita kong biglang umaliwalas ang mukha niya. A simple answer from me can make his mood light, huh?

Masyado niya naman ata akong pinapahalagahan niyan

" Yesha.." seryosong sabi niya at nakafocus sa akin ang mga mata.

Sumipsip ako sa juice ko "Hmm?"

" ahh... Pwede ba kitang.. ahh.. ano.. l-ligawan?" nasamid ako bigla sa sinabi niya. Naalarma naman siyang bigla kaya dali dali siyang kumilos papunta sa akin pero hindi alam ang gagawin. Natataranta.

Nang ayos na ako ay sinenyasan ko siya na bumalik na lang sa upuan niya na agad niya namang sinunod.

"Hala sorry" aligagang sabi niya. natawa naman ako sa naging reaksyon niya. He's over reacting.

"Yesha, papayagan mo ba akong manligaw sayo?" muli niyang tanong.. hindi ako umimik. Hindi ko alam ang isasagot ko, may anak ako. At baka, hindi niya ako matanggap pag nalaman niyang may anak ako. Kumagat ako sa bananaque at nginuya iyon. I'm not sure kung papayagan ko siya, pero hindi ito ang tamang oras para sa letrang pag ibig na 'yan. Minsan na akong naging miserable dahil sa kahangalan ko dahil sa pagsunod sa sinasabi ng hEaRt ko, hahayaan ko pa ba na maulit pa iyon?

" I see..  Sorry Yesha. Binigla kita" 

"No need to say sorry, Brix. Masyado pa tayong bata para rito, sana maintindihan mo. At tsaka sa ngayon, pag aaral ko muna ang priority ko" seriously I'm prioritizing my study, nahihiya ako kay tita, gusto kong mabayaran lahat ng utang na loob ko sa kaniya. I want to be professional in the near future para naman hindi ako ikahiya ng anak ko.

Aishh. I'm over thinking! I should stop this

" hmm, 'yan ba talaga ang dahilan? O baka naman yung kambal ko?" ngumiti siya nang mapait. Sinipa ko siya nang mahina sa binti at sinamaan ng tingin.

"Abnormal. Inungkat mo na naman yon" I lessen up the mood and look away my gazes

" Pero seryoso, Yesha. Gusto kita. Seryoso talaga, walang halong biro"  I nod as if I understand him. Naiintindihan ko naman siya, pero sa ngayon . Marami akong iniisip, what if magloko siya? what if kapag lumaki ang anak ko, nalaman niya na nanligaw sa akin ang tito niya? what if mafall ako tapos sa huli maiwan ako? What if masaktan ako?

Sweetest Mistake [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon