CHAPTER 29
Yesha's POV
Narito kami sa beach ngayon,Dalwang buwan na ang nakakalipas mula nang maikasal kami ni Drew.
Nandito kami sa beach para magcelebrate, naisipan kasi namin na kailangan din namin magsaya paminsan minsan nakakapagod din kasi ang schedule namin na school bahay opisina school.
Unang araw pa lamang namin rit sa beach. Pinagplanuhan namin ito. Friends bonding. Ang naririto lamang ay sina Brix, Lea, Ako, si Drew, si Deign, Cedric, Liam, at Frost.
Kami kami lang. Naka dress ako ngayon, wala akong balak maligo, si Aivie ata maliligo. readyng ready na siya. Nakaswimsuit na rin siya at bilib din naman ako sa curve ng katawan ng anak ko. Waaahh sanaol walang bilbil! Nasa tabi siya ng dagat. May tiwala naman ako sa kanya dahil marunong naman siyang lumangoy at nagbabantay naman ako sa kanya.
Nasa cottage ako ngayon at nag aayos ng mga pagkain.
Si Deign at Lea ay naka swimsuit na din. Tanaw ko sa malayo na kasama ni Deign si Frost naka hawak sa bewang niya at si Lea naman na pinapagalitan na Brix. Nakakatuwa sila.
Si Cedric at Liam naman ay naroon sa malayo at nangchichix, may girlfriend na 'tong mga 'to pero ang lalakas humarot. Naku!
Namalayan ko na lang ay may humapit sa bewang ko at hinalikan ako sa pisngi.
" You're so beautiful today, wife" malambing na sabi nito.
" Tsk, today lang?" inis kong sabu.
" Everyday" ngumiti siya sa akin pero nainis lamang ako sa pagmumukha niya. Hindi ko alam kung bakit. Kumalas ako sa pagkakahawak niya sa bewang ko at uminom na lang ng buko juice. waahhh! ang sarap..
Nakakatatlo na ako nang sitahin ako ni Drew
" Wife, masyado ka nang maraming nainom. Baka hindi ka na kumain niyan mamaya"
" Tsk. Whatever, i just feel like to drink this" patuloy ako sa pag inom kaya napabuntong hininga na lang siya. Nilingon ko si Aivie na enjoy na enjoy sa pagswimming niya sa dagat.
"Bakit hindi ka sumama magswimming , wife?" tanong ni Drew sa akin.
" Ayoko. Kayo na lang. Sige na, maligo ka na don" sagot ko sa kanya. Ngayon ko lang napansin na nakabihis panligo na siya.
" You sure?" tanong nito. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Kaya naman ay ngumisi siya sakin at sa mismong harapan ko hinubad ang suot niyang black t-shirt
Kitang kita ko ang abs ng pinakamamahal kong asawa. Waahh. My eyes!
Nag iwas ako ng tingin
" Pfft. Bakit ka umiiwas ng tingin, wife? Nakita mo na 'to. Actually kakatapos nga lang natin kaga-" binato ko siya ng paper plate na malapit sa akin bago niya matapos ang sasabihin
" Drew!" saway ko sa kanya. Pero ngumiti lang siya ng nakakaloko.
"Tumahimik ka nga diyan! Pag may nakarinig sayo, naku ha!" Umiiling ko pang dugtong.
" Okay. I won't talk about it HAHA, sige na wife. Sasamahan ko na ang anak natin don maligo. " sambit nito.
Lumingon ako sa dagat at nakita kong naroon na din sina Deign, halos lahat sila.
Mag isa nalang ako dito pag umalis si Drew. Pero ayos lang iyon.
Naglakad na papuntang tabing dagat si Drew. Umupo ako at pinanood sila habang umiinom ng buko juice, bakit ang sarap ng juice na 'to?
BINABASA MO ANG
Sweetest Mistake [COMPLETED]
Ficción GeneralMaagang nabuntis si Yesha kaya umuwi siya ng kanilang probinsiya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis dahil nabuntis siya nang napakaaga. Pero nang manganak siya, hindi na niya inintindi pa ang ama nito at ipinangako sa sarili na kakaya...