Yesha's POVIsang linggo na ang makalipas at nandito ako ngayon sa cafeteria at ibabalik ko na ang pinahiram na jacket sa'kin ni Drew.
Nang makita ko si Drew ay nilapitan ko siya.
" Drew" tawag pansin ko sa kaniya at napalingon naman siya sa'kin pati ang mga kasama niya.
" Ibabalik ko na sana yung jacket" malumanay kong sambit at inabot sa kaniya pero tiningnan niya lang iyon
" I don't need that. Sa'yo na 'yan" ngumisi siya.
" Pero sa'yo 'to e" pagpupumilit ko pa.
Hinampas niya ang table na ikinagulat ko.
" 'Pag sinabi kong sa'yo na 'yan, sa'yo na 'yan! Hindi ako gumagamit ng ginamit na ng ibang tao, maliwanag? " Bulyaw niya sa akin. Napunta sa'min ang atensyon ng mga tao sa cafeteria
" Babe, what's happening here?" Biglang sulpot ng babae na kung makalingkis kay Drew ay dinaig pa ang ahas. Hindi sumagot si Drew sa kaniya. Bleh, buti nga.
"Ginugulo ka ba ng babaeng 'to?" Tanong pa nito. Pero hindi ko na siya pinansin.
Iw, sali sali sa usapan ng may usapan.
Pakamatay ka nang sali sali ka.
" Drew, Iwan ko nalang dito." Sabi ko pero sumabat naman 'yung babaeng ahas.
" Hey, girl go away! " eto na nga e, aalis na nga teh e, 'di mo kita?
"Stay away from my boyfriend. Tsk! Iw, you're so dirty. And what's this?" dagdag niya pa ar naarte niyang pinulot 'yung jacket na nilapag ko.
" Disgusting" dugtong niya pa. Woah? Disgusting? Kung alam mo lang kung kanino 'yan. Napalingon ako kay Drew at wala talaga siyang pakialam.
" Alis na!" Pagtataboy niya sakin.
Aalis na sana ako pero..
" Ay, wait" pagpapahinto niya sa'kin kaya tamad ko siyang nilingunan.
" Dahil madumi ka naman, sagad sagadin na natin. Take a shower, bitch!" At binuhos niya sakin ang milktea na hawak hawak niya kanina pa.
Nanlaki ang mata ko dahil sa lagkit niyon at tumutulo tulo pa ang ilang likido mula sa buhok ko.
Geezz. Ang lamig!
" Ann!" Inis na saway sa kaniya ni Drew
" No babe, I can handle this bitch" huh! Bitch? Sino kayang bitch saming dalwa, katawa ka.
Ang lagkit. Shit!
" And this jacket? It's yours! Ayaw ng boyfriend ko 'diba? 'wag mo ipilit!" Tinapon niya sa'kin yung jacket at tumama iyon sa mukha ko at nalaglag sa sahig.
Konting timpi, Yesha, as long as nakakaya mo, 'wag ka makikipag away.
Inhale.... Exhale...
Pinulot ko 'yung jacket. At naglakad paalis pero tiningnan ko muna ang reaksyon ni Drew.
Wala siyang pake! How come? Mag ce care siya sa'kin dati tapos ngayon parang wala lang siyang pake? Ang sakit sa puso.
Wala sa sariling bumalik ako sa room para sana magpalit ng damit dahil sa lagkit
"Excuse me" sabi ko kay Deign na nakahara sa daan
" Humanap ka ng ibang daan!" Bulyaw niya sakin kaya sinunod ko nalang.
Pero hindi pa'ko tuluyang nakakalayo ay sinabunutan niya na ako bigla. Oh no!!
"Ang kapal naman ng mukha mo na lumapit kay Drew kahapon!" Gigil niyang sabi, hala? Naalala niya pa 'yon?
" Bitawan mo'ko Deign, please" nagmamakaawang sabi ko. Sobrang sakit ng sabunot niya kaya!
" Damn you, Yesha! Huwag na huwag kang lalapit kay Drew! Akin lang si Drew! Naiintindihan mo?" Damn you rin! Letse ka, walang sa'yo Celine! Este Deign!
" Hindi siya sayo , Deign! Inaangkin mo ang hindi sayo!" Shit. Dapat pala 'di na'ko sumagot pero may kung ano sa puso ko na gustong ipaglaban ang totoo.
" E kanino siya? Sa'yo? Iw, mahiya ka nga, Yesha" binitawan niya ang buhok ko at madilim na aurang tiningnan ako
" Hindi kita inaano Deign, pero bigla mo nalang ako sinabunutan, anong problema mo!?" Inis kong sabi at sinulyapan ang kamay niyang basa dahil sa milktea.
Mabuti at hindi siya nandidiri ro'n?
" Ang problema sa'yo malandi ka!" Pag aakusa niya. Gusto ko siyang taasan ng kilay.
Hindi ako malandi!
Sinampal niya ako at muling sinabunutan.
" Tama na Deign!" Pagmamakaawa ko . Umiiyak na'ko sa sobrang sakit. Shit. Ang baby ko, 'wag niya idamay ang baby ko. Natatakot ako.
Kinaladkad niya ako malapit sa teacher's table at doon ay inuntog niya ang likod ko.
Wala ni isa man sa mga kaklase namin ang umawat. Marahil ay takot sila kay Deign.
Tumayo ako at tinulak si Deign pero tinulak niya rin ako.
" Shit, ahh!" Sigaw ko sa sakit nang mapasalampak sa sahig.
May dumaloy na dugo sa binti ko, oh my goshhh..
Natigilan si Deign at sakto namang pagdating ni Lea.
" Bes!" Taranta niyang sigaw.
" Bes, tawagan mo si Ate please.. " nanghihina kong sabi na agad niya namang ginawa.
Nanginginig ako sa takot habang tinitingnan ang patuloy na pag agos ng dugo sa aking binti.
I don't wanna look at it! Ninenerbyos ako.
Mamaya maya pa ay dumating ang ambulansya kasama si ate.
" Yesha! Anong nangyari?" Kinakabahang sabi niya at sinakay na ako sa stretcher.
" Ate.. ang baby ko" paulit ulit na usal ko. hababg bumabyahe ang ambulansya
" Shhh. Tahan na Yesha."
" Ate.. ayokong mawala ang baby ko" umiling iling ako at iyak ako nang iyak. No please..
" Hindi 'yun mangyayari Yesha. Malapit na tayo sa ospital, okay?" pilit niya pa din akong pinapakalma
Tumango na lang ako sa kaniya.
Hindi ko mapapatawad si Deign pag may nangyaring masama sa anak ko.
Pananagutan niya ang kasalanan niya!
•°•°•°•°•°•°••°••°°•°•°•°•°•
𝒊𝒇 𝒚𝒐𝒖 𝒍𝒊𝒌𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒊𝒔 𝒄𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓, 𝒚𝒐𝒖 𝒄𝒂𝒏 𝒗𝒐𝒕𝒆 𝒂𝒏𝒅 𝒄𝒐𝒎𝒎𝒆𝒏𝒕.
𝑻𝒉𝒂𝒏𝒌𝒔 𝒇𝒐𝒓 𝒓𝒆𝒂𝒅𝒊𝒏𝒈!𝒘𝒓𝒊𝒕𝒕𝒆𝒏 𝒃𝒚:
𝒔𝒊𝒍𝒆𝒏𝒕_𝒆𝒍𝒆𝒎𝒆𝒏𝒕

BINABASA MO ANG
Sweetest Mistake [COMPLETED]
General FictionMaagang nabuntis si Yesha kaya umuwi siya ng kanilang probinsiya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis dahil nabuntis siya nang napakaaga. Pero nang manganak siya, hindi na niya inintindi pa ang ama nito at ipinangako sa sarili na kakaya...