Chapter 12

1.4K 54 14
                                        


Chapter 12

SUNNY

Para akong napaso nang maramdaman ko ang labi niya sa aking pisngi. I closed my eyes to feel the warmth of his soft lips. Parang ilang segundo pa ay sasabog na ang aking puso dahil sa bilis ng tibok nito.

"Okay! My turn!" Nouvie shattered the silence

She poured kisses all over my face then gave me a quick kiss on the lips she then did the same thing to Thunder.

"Makulit na bata." Hinalikan ni Thunder si Nouvie sa pisngi at tumawa siya na parang nakikiliti dahil siguro sa stubble ni Thunder. "Let's brush your teeth."

Binuhat niya ito papunta sa loob ng banyo at sinundan ko sila. I watched them as they brushed their teeth together. Nang matapos sila ay kinuha ni Thunder ang pangbatang kulay pink na hair brush at sinuklay ang buhok ni Nouvie. He put her hair into pigtails.

"Bellísima" Thunder smiled at his daughter's reflection in the mirror

"Grazie, papá" Nouvie smiled back

I was taken aback for a second. They know how to speak Italian? I mean those are just some basic words pero...

"Are you okay?" tanong sa akin ni Thunder nang malagpasan nila ako

"Yes" I nodded "You know how to speak Italian?"

Napatigil siya saglit pagkatapos ay nagsalita din agad "Si Ronnie kasi madalas makipag-usap kay Nouvie ng Italian kaya natuto ako ng ilang salita."

Oh! That's right. Pinaghalong Italian, English, at Tagalog kasi ang ginagamit na pakikipag-usap ni Denisse sa anak niya kaya naman ganoon. She wants Ronnie to learn different languages para hindi ito mahirapang makipag communicate sa mga tao.

Napasandal na lang ako dito sa door frame ng banyo habang pinapanood ang mag-ama. I can see how much he takes care of his daughter. Mula sa pag gising hangang sa pagbibihis. Si Nouvie ang pumili ng susuotin niya at ang pamalit niyang dress. Si Nouvie ang nagsuot sa sarili niya ng rash guard habang si Thunder naman ay nakaalalay lang. Ang cute nilang panoorin. I could watch them forever and I will never get tired of the sight of them together.

"I'm ready and so excited, Mommy!" she said cheerfully.

Hinintay lang namin si Thunder na magbihis at maglagay ng mga damit sa bag nila. Nang masigurado niyang nandoon na lahat ng kailangan nila ay bumaba na kami sa hagdanan. Hawak ni Thunder ang isang kamay ni Nouvie at ang isang kamay naman niya ay hawak ko.

Nilagay niya ang mga dala kong basket sa likod ng wrangler at pati ang mga bag namin ay nandoon. Sinigurado niya munang safe si Nouvie sa car seat niya pagkatapos ay sumakay na kaming dalawa.

"Mommy, do you know how to swim?" tanong ni Nouvie habang nasa daan kami

"Yes, baby. I know how to swim. Do you?" I looked at her in the rearview mirror.

"Yes, Mommy. Daddy taught me how to swim. Daddy is a good swimmer." she said proudly

Bumaling ako ng tingin kay Thunder at nginitian siya. He smiled back with that dazzling smile of his. Hindi ko alam kung may kakaiba ba sa mga ngiti niya o guniguni ko lang 'to. He looks really really happy right now.

Nagpatugtog si Thunder ng nursery rhymes at agad na sinabayan iyon ni Nouvie.

"I'm a little teapot short and stout. Here is my handle. Here is my spout." she sang really good. This kid has a voice "Daddy sing with me."

Nouvelle Vie (AM 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon