Chapter 13

1.4K 56 18
                                        


Chapter 13

SUNNY

Mas lalo akong napakapit sa balikat niya ng maramdaman ko ang bahagyang pagdikit ng aming mga labi. I was so ready for him to fully kiss my lips when suddenly, we felt the big raindrops from the sky.

Pareho kaming napatingin sa taas at parang mas lalong bumilis ang pagbagsak ng mga butil ng ulan. Mabilis kaming naghiwalay at umahon. Sakto namang lumabas si Nouvie. Agad ko siyang nilapitan at pinapasok sa sasakyan. Si Thunder ang kumuha ng mga gamit namin at ilang sandali lang ay pumasok na rin siya sa sasakyan.

Pareho kaming tahimik ni Thunder habang si Nouvie ay nagrereklamo kung bakit umulan. Thunder and I promised her that we will go back when the weather is much better.

Nakatingin lang ako sa labas at pinapanood ang kapaligiran. Malakas ang hangin at lumalakas na rin ang ulan. Napapikit ako ng mariin nang maalala ko ang nangyari kanina. I probably looked like I was asking him to kiss me. Parang naiimagine ko ang itsura ko kanina dahilan kung bakit mas lalo akong nakaramdam ng hiya. Parang gusto ko na lang tumalon mula sa sasakyan at tumakbo palayo.

Saktong mas lalong lumakas pa ang ulan nang makarating kami sa bahay ni Thunder. Binuhat ko si Nouvie papasok sa bahay.

"Nakalimutan kong i-check ang weather ngayong araw." ani Thunder habang nakatingin sa labas.

"Maayos naman ang panahon kanina." nahihiyang sagot ko

"Maligo ka na baka magkasakit ka." ani Thunder sa akin

"Mommy can I take a shower with you?" tanong ni Nouvie

"Of course you can, munchkin" I pinched her nose

"Gamitin niyo na 'yong banyo sa kwarto. Ako na lang maliligo dito sa baba." aniya

Nang matapos kaming maligo ni Nouvie ay bumaba kami sa kusina para magtimpla ng hot chocolate.

"Do you think Daddy will like hot chocolate too or should we make coffee for him?" I asked Nouvie

"Hmm." she put her index finger on her chin "I think we should make hot chocolate, so we are all the same."

"Okay" I shrugged my shoulders

Naglagay kami ng maliliit na mallows bilang topping ng aming hot chocolate. Sakto namang lumabas si Thunder sa banyo. Nakasuot siya ng tuwalya sa bewang niya. My throat went dry at the sight of him. Mabilis akong nag-iwas ayokong makita na naman niya na pinagnanasahan ko siya.

"Magpalit ka na" sabi ko na lang na hindi tumitingin sa kanya "Nagtimpla kami ng hot chocolate."

"Sige" aniya at dumiretso sa taas

Dinala namin ni Nouvie ang mga mug sa living room at siya ang namili ng papanoorin. Ilang minuto pa ay bumaba na rin si Thunder at may dala siyang blanket.

Umupo si Nouvie sa kandungan ni Thunder at sumiksik sa kanya.

"Wait" ani Nouvie

Kinuha niya ang isang kamay ni Thunder at iniakbay iyon sa balikat ko "Keep Mommy warm too. She's cold."

Ngumiti lang si Thunder "If you don't mind."

I gave him a small shy smile. Thunder's body heat feels really good this time. Even the blanket doesn't really help me, si Thunder lang ang nakakapagpawala ng lamig na nararamdaman ko.

Habang nanonood kami ay may mga katanungan sa aking isipan. Bakit muntikan na niya akong halikan kanina? I wonder if he's attracted to me too? Posible bang maattract siya sa ibang babae kung mahal pa niya ang totoong nanay ni Nouvie? Ayoko ng ganito. I've always felt so worthless and that's okay with me because I was really a worthless person. Pakiramdam ko ay wala akong kwenta dahil hindi ko kilala ang sarili ko. Pakiramdam ko ay kulang ako. I've always felt empty and there's always that dark hole inside me that needs to be filled up. Palagi kong hinahanap ang sarili ko, ang kulang sa pagkatao ko, pero ngayon parang hindi ko na kailangan dahil noong makilala ko sila Thunder at Nouvie ay parang nagkaroon ako ng panibagong pag-asa at buhay. It felt like I don't have to find myself anymore because they complete me.

Nouvelle Vie (AM 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon