Chapter 2SUNNY
"Thank you, Cindy, for arranging everything for me." I smiled at her
"Don't mention it." she smiled back "I want to help you. I know how much you've suffered. So, here I am trying to help."
Si Cindy ang nag-arrange ng pag-stay namin dito sa hotel at siya rin ang naghire ng bodyguard at driver. Dahil ayaw kong ipaalam sa mga magulang ko na uuwi ako ng Pilipinas ay pinagpasyahan ni Cindy na samahan ako at babalik din siya pag nasigurado ng maayos ako. Ash was not happy when he found out about our plan, but he didn't do anything to stop us. Masyado ng matagal na panahon ang aking hinintay upang makabalik dito sa Pilipinas.
"Sige na matulog na tayo. Maaga pa tayo bukas" ani Cindy
Tumango ako at nahiga na rin. Mabilis akong dinalaw ng antok dahil sa pagod.
"HINDI kita mapapatawad pag may masamang nangyari sa anak ko!" sigaw ng babae
Nakatingin lang ako sa kanya at hindi makagalaw. Patuloy ang pag-agos ng dugo sa kanyang binti. Malakas na napasigaw ang babae dahil sa sakit na kanyang nararamdaman. I want to help her. I want to do something, but I couldn't move! I was paralyzed, I was shaking.
Bigla akong napunta sa ibang lugar. Maraming tao. Nakapalibot silang lahat sa akin at mapanghusgang tinitignan ako. Para nila akong sinisisi sa kung ano man ang nangyari.
Wala akong ginawang masama. Wala akong alam sa nangyari. Just go away! Please! Leave me alone!
Tumakbo ako ng tumakbo, pero naririnig ko pa rin ang mga mapanghusga nilang mga salita. Until I saw the light at the end of the tunnel. I saw a man. Ngunit hindi ko siya mamukhaan dahil masyadong maliwanag kaya patuloy akong lumapit.
There he was looking at me with fiery eyes. Like the others, he was blaming me too. Blaming me of what happened. I couldn't stand the way he looks at me. I feel like I got murdered repeatedly.
"Sunny!" narinig ko ang paulit-ulit na pagtawag ni Cindy sa pangalan ko. Pilit akong ginigising.
I jolted awake. I was shaking in fear. Malakas ang kabog ng aking puso dahil sa napanaginipan ko. Parang totoo. Nakakatakot. Habang tumatagal ay palala ng palala ang mga masasamang panaginip.
Hindi ko na kaya. Please make it stop! I'm begging. Pagod na pagod na akong makaramdam ng ganito. Pagod na pagod na akong matakot. Hanggang kailan ko ba kailangang magtiis?
Magkayakap lang kami ni Cindy habang pilit niya ako pinapakalma. Natatakot akong ipikit ang aking mga mata dahil baka bumalik ang masamang panaginip. It felt so real na pakiramdam ko ay hindi na ako makakaalis sa lugar na 'yon. At ang lalaking galit ang mga mata ay ngayon ko lang napanaginipan.
Kahit kailan ay hindi ko siya napanaginipan. Madalas kong napapanaginipan ang isang aksidente o di kaya ay ang babaeng duguan. Minsan wala siyang buhay, minsan naman ay sinisigawan ako. Sinisisi ako sa masamang nangyari sa kanya.
Inabot sa akin ni Cindy ang aking gamot at kinumbinsing mahiga na at piliting matulog. Nakatulala ako sa kisame hanggang sa hindi ko namalayan ang kusang pagpikit ng aking mga mata.
THUNDER
"Hey, pumpkin." I leaned forward to kiss her forehead. "Good morning."
"Good mowning, Thundy" she greeted sleepily, stretching her small arms.
"What does my baby want for breakfast?" I showered her face with kisses
"Stop! Tickle!" she giggled and tried to push me away.

BINABASA MO ANG
Nouvelle Vie (AM 2)
General FictionShe gave me a reason to live. She gave me a new life, my Nouvelle Vie.