Chapter 5

1.4K 73 10
                                        


Chapter 5

SUNNY

My eyes settled on the small frame next to me. I couldn't help myself but watch her. Her arms are on my waist, clutching my shirt as if she's holding for her dear life. Her lips are slightly parted. Her cheeks are pink. I studied her face and felt a pang of sadness. As if I was yearning for lost times I could never take back.

Hindi ko naiwasang haplusin ang makinis at malambot niyang mukha. Parang may kirot sa aking puso dahil sa nalaman ko kagabi. Paanong wala siyang ina? How can someone leave a cute baby like her? Hindi man lang niya inisip kung ano ang magiging kalagayan ng anak niya pag iniwan niya ito? But then again, who am I to judge? Hindi ko pa naman alam ang totoong nangyari.

Pinatakan ko lang ang noo niya ng maliit na halik pagkatapos ay pumasok ako sa banyo para maghilamos at magtooth brush. Iniwan kong bukas ang pintuan para pag nagising si Nouvie ay hindi siya matakot. Baka isipin niya kasi na mag-isa lang siya. Na iniwan ko siya. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking puso. I shook my head to get rid of the unwanted thoughts.

Pagkalabas ko ng banyo ay nakita kong inii-stretch niya ang kanyang katawan at ilang saglit ay bumangon siya.

She rubbed her eyes and smiled at me. "Good morning, Tita Sunny"

"Good morning, Piccolina." Lumapit ako sa kanya at umupo sa kama "How was your sleep?"

"Good!" She smiled and hugged me "No mowe nightmares. Thank you"

"Why are you saying thank you?" I comb her hair

"Because you let me sleep here and you let me hugged you last night. When I have nightmares, my Daddy always hugged me weally tight, so the monster won't take me." She explained "You hugged me last night. Like my Daddy always do."

"I'm pretty sure if you slept with Mama and Papa last night they will hug you really really tight. Like this!" I hugged her really tight causing her to let out a loud giggle

"I can't bweathe!" She laughed

Wala pang isang araw kaming magkasama, pero gustong-gusto ko na siya. She's the sweetest! Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya na para bang wala akong problema.

"Tita Sunny, I'm hungwy!" She pouted

Ngumiti lang ako at binuhat siya. Pagkababa namin ay dumiretso kami sa kusina. Nasa kusina si Mommy at ilang mga kasambahay, naghahanda sila ng agahan.

"Good morning, baby" Mom gave Nouvie a kiss on her head

"Good mowning, Mama." She beamed

Nang marinig niya ang ingay ng mga triplets ay bumaba siya at tumakbo patungo kung nasaan sila. Nagtatakbo ang limang bata papunta sa likod. Napailing na lang ako dahil umagang-umaga pa lang ay naglalaro na sila sa labas.

"How can I help?" I asked Mom

"Kami ng bahala dito." Aniya

"Mom, Mama at Papa rin tawag ni Nouvie sa inyo, no?" Tanong ko

"Nagaya niya lang kila Ronnie" sagot niya

"Denisse mentioned last night that Nouvie doesn't have a mother." Saad ko "Anong nangyari?"

"That's in the past, darling. And it's not my story to tell. Kung maaari ay ayaw ng ungkatin ng Daddy ni Nouvie ang nangyari noon. Bakit mo natanong?"

I shrugged my shoulders "Just curious. Naaawa lang ako sa kanya kasi she doesn't have a mother figure."

"Her father is doing all his best to give Nouvie all the love that she needs. Nakita ko kung paano siya palakihin ng Daddy niya." Napangiti si Mommy "Plus Denisse and I are always here for her. Even Ana. Malapit sa amin ang pamilya ni Thunder kaya hindi na sila iba sa amin ni Nouvie."

Napakurap ako. "Thunder?" I asked a bit shocked.

Parang pamilyar sa akin ang pangalan niya. Hindi ko lang alam kung saan ko 'yon narinig. O kung nakilala ko na ba siya. Baka naman kapangalan lang? His name is not common, pero hindi naman posible na siya lang ang may pangalan na ganoon.

Napataas ang kilay ni Mommy "Thunder... Nouvie's father." She answered

"Ooh. Okay." I nodded my head

"STUPID butt!" Inis na sigaw ni Dom sa kapatid nitong si Damon na malakas na tumatawa

Nasa dining room kami ngayon at nagbre-breakfast. Kulang na lang ay magtransform itong si Dominic sa sobrang galit dahil hinagisan siya ni Damon ng ham at saktong dumikit ito sa mukha niya.

"That's not nice, Damon!" Saad naman ni Damien

"Yeah! You dimwit!" Sinampal ni Dom si Damon gamit ang kanyang kutsara

"Mommy!" He cried for help "Look! Dom slapped me with his spoon!"

Jesus Christ! I still don't know how Ana handle her three boys. Ako na nga lang na pinapanood ang mga ito ay sumasakit na ang ulo ko. Buti pa sina Ronnie at Nouvie ay magkasundong nagshe-share ng pagkain.

Parang mas maganda yata talaga pag babae ang anak dahil mas well behaved ang mga ito kumpara sa mga batang lalaki.

"Enough!" Galit na pag-aawat ni Ana sa kanila "You want palo?"

They all pouted and shook their heads "No, Mommy. I'm sorry" they all said in sync

Pagkatapos naming kumain ay nagtungo kami nila Ana at Denisse sa garden. Habang ang mga bata naman ay pinapaliguan ng mga yaya nila.

"The boys are handful" I commented

"Ugh! Tell me about it" Ana said frustrated

"Pero takot sila sa kanya" natatawang saad ni Denisse

"I noticed. Pag nagalit na si Ana agad naman silang tumitino" umiling ako

"But they are the best thing that happened to our lives" Ana said, contented

"May balak pa kayong sundan?" Tanong ni Denisse

"Meron pa syempre. Gusto raw ni Dylan ng babae para may Daddy's girl. Nagseselos kasi siya na mas gusto ako nung tatlo kesa sa kanya" nakangiti niyang kwento

"Malamang ganyan naman talaga. Sabi nila mas malapit daw ang mga batang lalaki sa nanay kesa sa tatay at ang mga batang babae sa tatay nila. Look at Nouvie, kung pupwede nga lang ay hindi mawala si Thunder sa paningin niya."

"That's probably because she doesn't have a mother?" I butted in

Natigilan naman silang dalawa dahil sa sinabi ko. Nacu-curious kasi talaga ako. Hindi ba naghahanap si Nouvie ng Mommy? I wonder how she feels na walang Mommy. Kung nagseselos ba siya kasi siya walang Mommy samantalang yung ibang bata may Mommy?

"Well-"

"Tita Ana!" Narinig namin ang sigaw ni Nouvie

Tumatakbo silang dalawa ni Ronnie palapit sa amin. Dala niya ang mga manika at iba pang pasalubong na natanggap niya galing sa akin.

"Tita Ana, can we call Daddy, pease?" Nagpacute pa talaga siya. At pinakita kay Ana ang mga hawak niya "I want to show him this and this and this."

Nagkatinginan muna sina Ana at Denisse bago niya sinagot si Nouvie "Okay, baby. We'll try to call Daddy."

Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang Daddy ni Nouvie. Ilang ring pa ay sinagot na niya ang tawag.

Lumiwanag agad ang mukha niya ng makita ang Daddy niya sa screen.

"Hi, Daddy! I miss you!" Parang maiiyak siya

"I miss you too, pumpkin." He answered

Hindi ko alam pero parang tumagos sa puso ko ang sinabi niya. Bigla akong nanghina nang marinig ko ang malalim nitong boses. His voice is too familiar for me, hindi ko matandaan kung saan ko ito narinig.

Nouvelle Vie (AM 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon