I Love You, Goodbye
Winter Aragon“I’m in love with you but now we have to part ways. I love you, goodbye.”
To God Almighty, you always remind me that I can do it. A million thanks for giving me strength when I wanted to give up while staring at the blank pages.
Special thanks to Irah Nicole Refugia and Angelique Asuncion for your extra time when I needed support and for being there to give insightful comments to my manuscript.
Greetings to my JMLC family for letting me pursue my other passion: writing. Thank you for understanding the busy bee who is wide awake until the dawn.
And to the most wonderful, talented and inspiring editor and great friend, Jahric Lago for this huge opportunity. I and my co-writers would be forever grateful for making our dreams possible. We love you and thank you so much!
—Winter Aragon
Mira
Tutok ang mata ko sa dyaryo na nasa harap ko at nakakailang piraso na ako ng ubos na stabilo.
“Success?”
Napukaw ang atensyon ko sa boses na nanggaling mula sa may pintuan. Hindi ko namalayan na dumating na pala si Ate.
Iling ang sagot ko sa kanya nang pumasok siya sa sala. “Kumusta ang job hunting online?”
“Mas lalong negative,” Hindi ko mapigilan na isagot.
Ayokong mawalan ng pag-asa lalo pa’t may isang buwan pa ako dito sa Amerika. Apat na buwan na ang nakakaraan ng tumapak ang paa ko sa ‘green pastures’. Salamat sa tulong ng nag-iisang kapatid ko na si Ate Amara ay nabisita ko ang bansa na pinakamimithiing puntahan ng mga Pilipino.
Iniwan ko ang pagiging Executive Assistant ko at sinunod ko siya na subukan ang kapalaran ko dito sa Amerika. Sa unang dalawang buwan ay namasyal lang kami ni Ate sa Louisiana, Arkansas at Texas. No’ng ikatlong buwan na ng pananatili ko ay naghanap na ako ng trabaho pero kay ilap ng swerte. Maglilimang-buwan na ako bukas dito sa New Orleans at ayoko naman umuwi sa Pinas na walang laman ang bulsa.
Lumapit sa akin si Ate at inangat niya ‘yung mukha ko. “Think positive, baby sister.”
Si Ate talaga, 29 years old na ako pero baby pa rin ang turing sa akin. American citizen na si Ate mula nang na-hire siya bilang nurse sa Tulane Medical Center, isa sa kilalang ospital sa New Orleans. Eight years single na siya mula nang pinili niya ang career niya mula sa long time live-in partner niya. Wala na rin siyang balak mag-asawa lalo pa’t magka-anak dahil magkwa-kwarenta anyos na siya ngayong taon.
Ngiti lang ang sagot ko sa kanya. Naglakad na siya papalayo sa akin at dumiretso na siya sa may kusina.
“Wala na pa lang laman ang cabinet at ref natin.”
Napakagat-labi ako, “Kasalanan ko, Ate.” Puro de-lata kasi ang pinatulan ko sa maghapon dahil tinamad akong bumili ng pagkain sa restaurant na malapit sa amin.
Kumuha siya ng pera sa bulsa ng jacket niya at inabot sa akin. “Punta ka na lang sa supermarket bukas at ikaw na ang bahala sa grocery natin.”
*****
Eugene
“Buckle off, young lady.”
I reached to touch the seatbelt, but Emilene stopped me. “Dad, I’m no longer a baby and I can do this.”
I shook my head. I had to remind her that she’s only six years old, but she was acting like she was already a teenager. She went out of the car and patiently waited for me at the entrance of Rouses while I parked our car.
YOU ARE READING
Jahric Lago Presents: Dreamlovers (Published under TBC Publications)
RomanceHighest Wattpad Rankings! 🏅🏆 #37 in Anthology (04-25-20) #196 in Short Story Collection (04-27-20) 10 stories. 10 authors. 10 dreamlovers. Ang librong ito ang magpapatunay na may forever basta maniwala ka lang. Sabi ko nga, to believe is to see. K...