You Changed My Life by Sophie Torres

23 3 0
                                    

You Changed My Life
Sophie Torres

“’Wag kayong mawalan ng stock ng second chances kasi may mga bagay na worth it talagang subukang muli dahil lahat naman ng tao ay puwedeng mabago ng tunay pag-ibig.”



Una sa lahat, gusto kong pasalamatan si God dahil binigyan niya ako ng sipag para matapos ang story ko.

Second, salamat kay Paul Entico dahil ikaw at ang kuwento ng pag-ibig natin ang naging inspirasyon ko sa You Changed My Life.

Lastly, thank you kay Bro Jahric dahil in-encourage mo akong tapusin ang kuwento ko. Salamat din sa tiwala mo.

Sophie Torres



Itong story namin kasing typical lang ng on and off relationship, third party involvement, immaturity, stupidity and so on. All-in-one! Puwede ng parang kape kasi katulad ng kape, nakaka-bitter!

Ako kasi kung magmahal sa isang tao sobra, as in super todo mega to the highest level talaga. ‘Yung tipong ibibigay mo na lahat ‘wag lang siya mawala sa ‘yo. ‘Yung tipong ayos lang na ikaw ‘yung mawalan ‘wag lang siya. Okay sana kasi kung lalaki gumagawa no’n pero paano ba kung babae ka? ‘Yung ikaw na lang lagi ang magpapakumbaba. Magagalit ka, magagalit din siya tapos ikaw pa susuyo. ‘Yung tipong ikaw na ‘yung lalaki sa relasyon niyo dahil pabebe ‘yung boyfriend mo kahit hindi naman kamukha ni Alden Richards. Ang immature ng relationship niyo kasi siya mismo pinipigilan kayo mag-grow up. Ewan ko ba kung bakit ganyan sila, porket alam nilang ‘di mo sila kayang iwan, gagawin na nila lahat ang gusto nila. Tapos binigay mo na ngang lahat bandang huli talo ka pa, ikaw pa na agrabyado, ikaw pa niloko at worst pa do’n humanap siya ng iba habang kayo pa.

Pinakamasakit sa relationship ang third party involvement, sabi nga cheating is a crime, sana talaga may batas na para sa mga lalaking nang tu-two-timer ng dyowa, kaso wala eh, ‘pag mag-asawa lang. Tips lang sa mga girls diyan magtira ng para sa sarili ha para in the end makakabangon ka pa. Buti na la…

“Hoy, girl, ano na namang paandar ‘yan?” Napalingon ako para tignan kung sino ‘yung dumating. Si Mel lang pala.

“Vlog. Nag va-vlog ako.” Sagot ko.

“’Yan na naman tayo sa vlog mo na puro ka bitter-an ‘yung laman, eh.”

“Nag-se-share lang ako ng advice."

“Alam mo kung ako ‘yang ex mo super laughtrip na ko sa ‘yo and I will be like, “Hahaha! ‘Di pa rin siya nakaka-move on!” Kaya itigil mo na ‘yan.”

“Shut up.” Sagot ko sabay belat, “as if naman papanoorin niya ‘to.”

“Ay, oo nga pala sa sobrang bitter mo you blocked him sa lahat ng social media accounts mo pati mga friends niya, so hindi niya pala talaga mapapanood ‘yang mga drama mo.”

“Eh gago kasi ‘yun eh. I-ta-timer na lang ako sa mas maganda pa sa ‘kin.”

“Here we go again!” He replied, rolling his eyes.

“Akala niya siguro makakahanap pa siya ng mas better sa ‘kin. Siraulo siya hindi na ‘no.”

“Alam mo dalawang buwan na kayong break no’n, matuto kang mag-move on. Mas better kung ‘yung tinuturo mo diyan sa so-called vlog mo ay kung paano mag-move on mas masaya pa.”

“Kung ‘di lang ako ni-reject nung crush ko ‘di ko na naman siya maiisip eh. Dumadaan-daan lang naman siya sa isip ko dahil masakit talaga ‘yung ginawa niya pero naka-move on na talaga ko.”

“At sinisisi mo pa talaga ‘yung crush mo, ah. Assuming mo kasi ayan tuloy. Live life, friend.”

Siguro nga assuming ako pero for me it’s a natural thing. Mahirap talagang sumugal sa bagay na wala kang kasiguraduhan, in short, mahirap umasa. Pero sino nga ba ang may kasalanan, ‘yung umasa o ‘yung taong nagpaasa?

After almost two months naming paghihiwalay bigla akong kinontak nung friend niya. Nagpapagawa daw si ex sa ‘kin ng resumé, tinanong ko ‘yung friend niya bakit sa ‘kin pa at saka ginawan ko na siya matagal na. Then, sabi sa ‘kin ng friend niya na kung pwede daw ba ibalik ‘yung dating kami ng ex ko.

“Friendship? Puwede, pero more than that? Hindi na! I had enough!” Sabi ko.

Nakita ko na disappointed ‘yung friend niya sa narinig nito.

“Sabi ko sabihin niya simula kami ulit. Restart. I-a-unblock ko na siya. Siya na bahala sa moves niya.” Dagdag ko.

Mangiyak-ngiyak na ako no’n pero ‘di ko lang pinapahalata baka kasi marinig. After namin mag-usap may nag-friend request sa ‘kin sa Facebook. Well, ‘di naman ako na shock kasi expected ko na siya ‘yun. Alam ko na kapag in-accept ko siya sa Facebook then I permit him to be part of my life again, I did click the Confirm button. After awhile, nag-PM na siya, nagpakilala, natatawa ako kasi para siyang timang pero umiiyak na ako no’n at the same time. Tinanong niya ko kung puwede bang sunduin ako, sabi ko late na ako umuuwi since break up namin nagpaka-busy ako sa buhay ko. Part ako ng University newspaper publication namin kaya late na talaga ko umuuwi.

After namin makapag-usap sa chat, dinadalan niya na ako ng pagkain lagi sa office. Nung time na pumayag na akong magpasundo sa kanya, binigyan niya ako ng Sundae ng Jollibee, sweet but not convincing. He walked me home, kahit gabi na no’n nag-request siya kung puwede muna kami mag-usap. Nagsabi siya ng saloobin niya as in major iyak siya sa harap ko.

“Ang tanga tanga ko kasi, ang gago ko, sinayang ko ‘yung babaeng minahal ako ng sobra. Masyado akong naging kampante na hindi mo ako iiwan. Alam mo ba tuwing mag-aaway tayo tapos nakikita kitang umiiyak, gustong gusto ko na rin umiyak pero mas nangingibabaw ‘yung pride ko.” Sabi nya.

Mababa luha ko eh kaya napaiyak na rin ako, do’n ako na-convince na nagsisisi na siya talaga. Sabi nga mahal ka talaga ng lalaki kung iiyak siya dahil sa ’yo.

“Sinubukan kong maghanap ng mas better sa ‘yo pero wala akong mahanap, ikaw lang talaga.” ‘Yan ang linya niyang hinding hindi ko makakalimutan.

Pagkatapos nang pag-uusap namin nag-request siya na i-hug ko siya, ayoko nung una but he pleaded, pinagbigyan ko siya, umiyak siya ulit.

“I MISS YOU!” ‘Yan ‘yung words na pinaulit-ulit niya sa ‘kin habang sobrang higpit ng yakap niya. Umiyak na rin ako that time kasi miss ko rin ‘yung hug niya na ‘yun. We missed each other, that memory is just unforgettable.

After that, lagi niya na akong sinusundo hanggang sa nanligaw na siya ulit. Napapayag niya ako which is hindi ko talaga inaasahan. Hindi ko rin alam kung sasagutin ko siya kasi mahal ko pa ‘yung crush ko that time. I decided to give him a chance in the right time. Kung ang AlDub nga may tamang panahon eh, siyempre kami rin. At tamang panahon na ito para baguhin naming dalawa ang nakaraan at palitan ng mas masaya at mas memorable moments with each other.

Four months pa lang kami ngayon. Masaya, nagbago na talaga siya. Sobra. Kaya kayong dumaan sa ganitong relationship, if you still love each other, ‘wag kayong mawalan ng stock ng second chances kasi may mga bagay na worth it talagang subukang muli dahil lahat naman ng tao ay puwedeng mabago ng tunay pag-ibig.



Get in touch with Sophie Torres!

Facebook: facebook.com/sopyah.sophieman
Wattpad: @sophietorresmineart
Instragram: @sphtrrs
Twitter: @sopiyahDfirst
Email Address: sophiechance12@gmail.com

Jahric Lago Presents: Dreamlovers (Published under TBC Publications)Where stories live. Discover now