Pahiram by Aubrey Paladan

33 4 0
                                    

Top 2 Winner

Pahiram
Aubrey Paladan

“Ang hirap hirap na kada gabi ng buhay ko, iniisip ko kung ano ang ginagawa ng asawa ko sa bahay ng ibang babae.”



Thank you kay God para sa kakayahang makapagsulat.

Thank you rin kay Kuya Jahric para sa opportunity at sa mabait na pag-o-organize ng pag-publish ng librong ito.

Salamat din sa mga co-writers ko sa librong ito na napaka-friendly.

Salamat sa apartment kong palaging blangko kaya nakapagsusulat ako ng ganitong klaseng kwento. At thank you sa bread knife kong hindi umaalis sa tabi ko.

Aubrey Paladan



Nakaturo na ang kamay ng orasan sa numerong tatlo, pinahihiwatig ng bawat tik-tok nito na madaling araw na at mag-isa pa rin ako, hinihintay siya. Naghihintay sa lalaking nasa bahay ng iba.

Bago pa ako mahimatay sa pag-aalala, nagpasya na akong tawagan ang telepono niya kahit na pagkabilin-bilin pa niya na huwag na huwag akong tatawag kung alam kong nasa bahay siya nina Maricar. Nanginginig ang mga kamay ko nang itapat ko sa aking tenga ang telepono.

Ngunit sinalubong lang ako ng boses ng operator na nagsasabing hindi makontak ang numerong aking nais tawagan kaya bumalik ako sa pakikipagtitigan sa orasan na nakasabit sa dingding. Nagdarasal sa kada galaw ng mga kamay nito ay dumating na siya. Nasaan ka na ba kasi, Jake?

“Ma?” Nakuha ang pansin ko ni Jen, ang aming anak, nang tawagin niya ako. Umupo ako sa sofa, kaharap ng telebisyon at orasan saka ko tinapik ang aking tabi upang senyasan siyang lumapit na sinunod naman niya.

“Bakit po hindi ka pa natutulog?” Tanong ng anim na taong gulang na bata habang kinukusot ang mga mata niya.

“Hindi ba dapat si Mama ang magtanong niyan sa iyo, anak? Bakit gising ka pa?”

Binaliwala niya ang tanong ko, sa halip ay nagpahayag ulit siya ng panibagong sagutin. “Nasaan po si Papa?”

Bumuntong hininga ako nagbabakasakali na sana nakasama sa hanging ibinuga ko ang sagot sa tanong ng aking anak dahil ayoko talaga sagutin siya ng, “Hindi ko alam, anak. Bumalik ka na sa kwarto mo at malapit na siguro si Papa mo, ha?”

Tumayo si Jen mula sa pagkakaupo sa sofa matapos akong bigyan ng halik. Ngunit nakaka-isang hakbang pa lamang siya ay bumukas na ang pinto ng bahay at iniluwa nito ang lalaking hinihintay naming dalawa. Napatayo ako sa sofa at tumakbo naman papunta kay Jake ang bata upang magpabuhat.

Natatawang kinarga ni Jake ang anak niya matapos ilapag sa katabing sofa ang dala niyang maleta. “Bakit gising pa ang batang maliit?” Natatawang ani ni Jake na sinagot lang ng bungisngis ni Jen.

“Matulog ka na, Jen.” Utos ko sa bata kaya’t ibinaba siya ng kaniyang Papa matapos humalik sa pisngi nito at nagtatakbo na papunta sa kaniyang silid.

Naiwan kaming dalawa ni Jake, magkaharap ngunit hindi nagkakakitaan. Magkalapit ngunit hindi magkaabutan.

“Irene…” tawag niya sa akin, hudyat na mag-uumpisa na siya sa pagpapaliwanag.

Umupo akong muli sa sofa at naglakad naman siya palapit sa akin saka ako tinabihan.

“Dumating ang Mommy ni Maricar kaya napilitan akong doon muna maghapunan.”

Hindi ako kumibo at hinayaan lamang siyang magsalita.

“Hindi ko naman alam na doon rin pala magpapalipas ng gabi ang Mommy niya kaya napilitan akong hintayin silang makatulog para mapuntahan ka.”

Jahric Lago Presents: Dreamlovers (Published under TBC Publications)Where stories live. Discover now