Picture Perfect by Carlo Dee

31 3 0
                                    

Picture Perfect
Carlo Dee

“Kahit anong ingat natin, may pagkakataon talagang masasaktan tayo. Hindi iyon maiiwasan, pero dapat alam natin kung kailan tayo titigil para sa isang bagay na nakasakit sa ‘tin.”



Hi. Nandito na naman ako, si Carlo Dee, na hindi mawala sa isip ang pasasalamat sa nagbigay sa ’kin ng pagkakataon na si Jahric Lago. Salamat sa pagkonsidera sa kuwentong isinulat ko, Jahr. Sa susunod, hayaan mo’t muli akong makikigulo.

Carlo Dee



Ang mahalin ang tulad ko ay ang isang bagay na kahit ang iba ay hindi maisip. Ang hirap ko nga raw kasing pakisamahan. Masyado akong masakit magsalita, at hindi ko man lang daw naiko-consider ang damdamin ng iba. Pero, ano bang magagawa ko kung ganito talaga ako, mula pa man noon.

I’m Leondale Mendoza, isang tambay. Siyempre, proud na proud ako ro’n. Hindi na ako pumasok sa kolehiyo dahil mas inuna ko ang ikasasaya ko, ang maging Freelance Graphic Artist. Hindi malaki ang kinikita pero masaya ako sa kung ano ang ginagawa ko.

“Ang pangit naman.” Pagtukoy ko sa prints sa damit ng isang babaeng dumaan sa harap ko na naging dahilan niya sa paghinto at lingunin ako sa kinauupuan ko.

“Sinong pangit? Kapal mo, ha. Akala mo naman napakaguwapo mong nilalang. FYI lang ha? Hindi ka gwapo! Tse!” Pag-irap niya sa ‘kin sabay lakad papalayo.

“Ano’ng problema no’n? Hindi naman mukha niya ang tinutukoy ko, eh. Palibhasa alam niyang hindi rin siya maganda, eh.” Napatawa na lang ako sa mga naiisip ko.

“Hi. Excuse me? Pwede magtanong?” Napalingon ako sa nagtanong. Siya ulit. Nakayuko, at halata ang panginginig ng kamay.

“Hindi ka pa ba nagtatanong ng lagay na ‘yan?” Pamimilosopo ko. Napansin ko ang pagkunot ng noo niya.

“Pero sige... Maliban sa una mong tanong, ano pa ang tanong mo?” Dagdag ko.

“Kasi... Hinahanap ko si Leondale... Leondale Mendo—za? Saan ba siya nakatira?” Napalunok ako sa narinig. Ang pagkakataon nga naman, sobrang mapaglaro.

“Anong kailangan mo?” Tumayo ako at tumalikod sa kanya.

“Magaling daw kasi siyang Graphic Artist. Magpapagawa sana ako ng design para sa tarpaulin na ipangsu-surprise ko sa boyfriend ko.” Sagot niya.

“Sumunod ka sa ‘kin.” Naglakad ako nang hindi lumilingon sa likuran. Malapit lang naman kaya dapat sumunod siya. Tumigil ako sa harap ng inuupahan ko na katabi lang ng tunay naming bahay.

“Oh. Dito rin pala siya nakatira? Diyan kasi ako lilipat sa kabilang kwarto, para sa pag-aaral ko.” Saad niya.

“Dito ako nakatira. At ako, si Leon.” Sagot ko, “Pasok ka.” Binuksan ko ang pinto at pinauna ko siyang pumasok.

“Wow? Ang dami mo na pa lang nagawang artwork.” Paglapit niya sa mga nakasabit na frame sa dingding.

“Ganito. Kailangan ko ng picture ng boyfriend mo, at background na gusto niyo. Siyempre pati font style at kulay nito. Kung may gusto kang pagbasehan na design, sabihin mo agad. Pero tandaan mo, kung gawa ng iba ang pagbabasehan. Hindi pwedeng gayahin o kopyahin ang mismong style, mabuti sana kung...”

“Eto... Nandyan lahat ng mga kailangan mo.” Iniabot niya sa ‘kin ang isang flashdrive. Hindi halatang napaghandaan na niya. Ibang klase, mukhang mahal na mahal niya ang boyfriend niya.

“Kaya pala kilala ka sa social media. Ang galing galing mo.” Dagdag niya. Hindi ko siya pinansin at naupo sa harap ng computer ko.

“Manood ka para kung may gusto kang ipabago o ipadagdag malaman ko agad, hindi ko forte ang romance kaya dapat makita mo.” Sabi ko sa kanya. Ayoko sa lahat maraming paligoy-ligoy, magsimula na agad.

Jahric Lago Presents: Dreamlovers (Published under TBC Publications)Where stories live. Discover now