Jennica Aleman by JoeyJMakathangisip

28 3 0
                                    

Grand Winner

Jennica Aleman
JoeyJMakathangisip

"Life is full of surprises. Minsan pinagtatagpo ang mga tao in a very weird way. Pero, kahit weird minsan ang buhay, one thing will be sure, you'll end up the person who is destined for you."



To my brother Joseph, all my works will always be dedicated to you, Kuya J.

Sa pinuno ng proyektong ito, isang saludo para sa iyo, Jahric Lago. Naging instant writer kami ng dahil sa 'yo! More books and blessings to come plus movie offer? Hahaha!

Para sa sarili ko at para sa mga kasamahan ko sa Dreamlovers, keep it up! Cheers!

JoeyJMakathangisip



Simula. Jennica Aleman. Of course that was your real name pero nagbago na ngayon ang pangalan mo. It was a long process but it was a funny story. Do you want me to recall it for you? Here it goes...

"Mahirap maging guwapo. Pero mas mahirap kung ikaw na guwapo, guwapo rin ang hanap mo."

Shit. Hahaha!

'Shit' iyan 'yung word na unang lumabas sa bibig mo ng first time mo akong makita.

And that happened in my room years ago.

Naka-bra at panty ka lang noon and you were pointing a knife on me believing that something happened on us the night before.

But that wasn't true kasi ganito ang nangyari sa gabing iyon...

"Article 1235. When the obligee accepts the performance knowing it's incompleteness, without expressing... without... without! Argh!"

Naibato ko bigla sa sahig ng kwarto ko ang libro ko sa Law 1 matapos akong mag-buckle sa pang-pitong article na mini-memorize ko.

Kainis, eh. Nakakahilo na ang mga articles! Badtrip talaga!

Nagpatuloy ako sa pag-me-memorize kahit ang hirap ng i-absorb ang lahat ng mga articles na tinatanim ko sa utak ko. Dapat nag-do-Dota lang ako ngayon sa labas kasama 'yung mga ka-tropa ko pero sawa na talaga akong mapahiya kay Ma'am Tidalgo. Palagi niyang sinasabi na puro lang daw ako pa-guwapo. Naiinis na ako sa kanya kaya ito, nag-aaral na ako. Isang malaking MILAGRO.

Pang-tatlong oras ko na 'to pero pang-pitong article pa lang ang na-me-memorize ko out 107 articles. Ayos 'no?

"Ayoko na!" Humiga ako sa kama ko ng nakadapa. I was just wearing boxer's this time at wala akong brief sa panloob. Eh ano naman ngayon? Ako lang ang mag-isa dito sa bahay namin kasi may bakasyon ang papa at mama ko. Kahit maghubad ako dito buong araw, walang makakakita sa 'kin. At kung may makakita man, tsk! Blessing na 'yun para sa kanya.

"Edwin, buksan mo 'to! Buksan mo-ho-ho-ho!" Pa-ubo-ubo at umiiyak na sigaw ng isang babae sa labas ng bahay na aakalain mong si Santa Claus.

Hindi ko iyon pinansin kasi akala ko, may kapitbahay lang kaming lasing pero nang biglang may kumalampag sa may sala, bigla akong na-alarma.

"Edwin! Magpakita ka! Magpakita ka-ha-ha-ha!" Umiiyak na sigaw ng isang babae na hindi ko alam kung tumatawa ba o umiiyak.

Siyempre, kinabahan ako.

Binuksan ko 'yung pinto ng kwarto ko at nakita ko ang isang seksing babae na may... na may... na may dala-dalang itak!

Ikaw 'yun, Jennica Aleman.

Umiiyak ka.

Umiiyak ka at para kang na-rape sa itsura mo pero shit lang, ang kinis mo.

Nakita kong sira na 'yung pinto ng entrance ng bahay namin at maya-maya pa ay nakita kong tumingin ka sa 'kin. Nagulat ako kasi bigla kang naglakad papunta sa direksyon ko kaya ang ginawa ko, agad kong sinara ang pinto ng kwarto ko.

Jahric Lago Presents: Dreamlovers (Published under TBC Publications)Where stories live. Discover now