A letter from the past

3 0 0
                                    

This work is published in tagalog.

Title/Pamagat: Dear me to her



Dear her,

Kumusta ako mula sa hinaharap? 

Sana ay mabuti ang iyong kalagayan sana ay patuloy kang maging masaya, malayo mula sa hinanakit ang puso.Ginawa ko ang sulat na ito upang mabasa mo sa araw na ika'y makadama ng kalungkutang tila dimo na kayang pasanin. Alam kong malakas ka pero alam ko ring tao ka at napapagod. Nais ko lamang sabihin sa iyo na "Kaya mo iyan! Mawawala rin ang sakit. Lagi mong tatandaan na kahit anuman ang mangyari hindi ka nag-iisa. Ang mga takot mo at mga bagay na nararamdaman mo ngayon, tulad ng sugat, tulad nang bulaklak ay maghihilom at mamumulaklak tulad ng inaasahan mo."  Sa ngayon nangangamba ako sa mga bagay na iyong pinanghihinayangan. Alam kong lahat nang ito ay kasalanan ko. Pero sana ay mahanap mo ang pagpapatawad diyan sa puso mo sa sakit na idinulot ko dulot ng aking pagiging makasarili. Dulot sa pinili kong maging masaya ngayong aking kasalukuyan walang palagay sa iyong magiging mararamdaman. 


Sana'y malaman mo na ang nais ko lamang ang iyong kabutihan,ng iyong pamilya,mga kaibigan. Sana naman sa oras na binabasa mo ito ay nahanap mo na ang sagot sa iyong mga katanungan. Pinapanalangin ko rin na sanay natutunan mo nang magmahal, alam ko sa kasalukuyan at nararamdaman ko na parang imposibleng maghilom ang sugat sa iyong puso. Hindi mo alam kung saan galing, sinong gumawa pero nandiyan. Patuloy na pumipigil sayong magtiwala kahit kanino.


Alam kong may mga bagay na patuloy kang maguguluhan at maaaring magdulot sa pagkawala ng iyong pag-asa pero lagi mo sanang gawin ang sa tingin mo ay tama. 


Hiling ko'y patuloy kang mamuhay bilang isang taong walang hinanakit.

-From me 


He who forsakes me (Poems And Tales)Where stories live. Discover now