Pumunta naman tayo sa buhay ni Nathan Lewis Sanchez.
Siya lang naman ay isang simpleng guy na may simpleng pangarap na yumaman. Bata palang ay sanay na siya sa pahirapan, todo kayod ang kanyang mga magulang para lang makatapos siya ng pag-aaral. Ngayong 29 years old na sya, sinusubukan niyang magpursige upang mapaunlad ang buhay. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa isang sikat na buffet resto bilang isang waiter.
Nathan's POV
*KRRRRRIIIINNNNNGGGG!*
"Nathan! gising ka na, male-late ka na sa work mo ... sige ka mauubusan ka ng jeep sa terminal." masiglang gising sa akin ni Nanay (Mrs. Merlita Sanchez) habang nag-gigisa sa kusina.
"Anung oras na ba? *YAWNS*" tumingin ako sa orasan ng walang kasiglahan, medyo nasisilaw pa ako sa ilaw kasi bagong gising pa lang ako, pero ng biglang luminaw ang paningin ko ... "Huh! Hiiiiindddddiiiii!"
9:45 na sa orasan, pero 10:00 ang pasok ko! Anu ba yan ... ang layo ko pa naman sa work ko, almost 3 kilometers away!
"Nathan, sabi ko sayo eh, bumangon ka na!" kumaripas ako ng takbo sa paliguan, panandaliang pag-gagayak lang ang ginawa ko upang di masyadong magtagal at ma-late. "Nathan, kakain ka pa ba?" alalang tanong sakin ni Nanay.
"Di na po Nay, late na nga eh ..." asar na sagot ko sa kanya habang pabilis na patakbo sa terminal.
*AFTER A FEW MINUTES*
"Hai salamat,nakasakay na rin sa wakas, sana di naman ako masyadong ma-late. Instead na mag-worry ako sa situation ko ngayon, I began to pray hard.
Nakarating na ako sa work ko ng safe and sound, and I noticed something wrong. Nakakakita ako ng isang ambulansya. Maraming katrabaho ko ang nagkakagulo sa lugar na iyon, sinubukan kong makitingin sa nangyari. "Huh? ano ang nangyari dito? Paano? kailan pa?" nagtanong ako sa aking isipan sa nakitang trahedya.
Isang di inaasahang krimen ng pagpatay ang naganap ng araw na iyon. Nakakatakot, nakakalungkot, nakakagulat, sino ba namang mag-aakala na ang isang security guard ng aming resto ay walang-awang pinagpapatay sa pamamagitan ng mga saksak sa buong katawan (PASINTABI LANG PO SA MGA KUMAKAIN!). Marami ang nag-iiyakan, marami ang natatakot. Wala na akong ibang nagawa kundi ang manahimik at unawain ang sitwasyon.
"Ang galing mo naman Nathan, nag-pray ka nga na sana di ka ma-late pero hndi naman naging maganda ang naging rason kung bakit di ka na-late." Umiling na lang ako sa aking sarili na may kasamang kalungkutan sa mukha.
===============================================================*
That's all for now! Hope you like the story.
All Rights Reserved 2014
#wattys2014
BINABASA MO ANG
The Heart of an Ice Princess
Teen FictionYou'll never know, never even tell or imagine, when will be the time You'll ever possess The Heart of an Ice Princess