WRITTEN BY: TheChuchuGirl
Hi po ulit! Hehe ... Gusto ko lang pong magpasalamat sa mga readers ng story ko. Sana po ma-enjoy nyo yung next UD ng story.
===============================================================================
Nathan's POV
Morning world, first day of being a bodyguard ng isang prinsesang walang pake manlang sayo. "Kahit pinanlalamigan ako sa mga tingin niya, di niya mapapalamig ang puso kong maapoy." napatawa nalang ako sa mga naiisip ko nang ...
*KNOCK ... KNOCK ... KNOCK ...*
"Sino yan?!" tanong ko
"Si Marge mo, panget kong kababata!"
Hahaha! tinawag ba niya akong panget?! Hai naku talaga nga naman tong minamahal kong Margaret oh ... ang aga-aga kinikilig ata sa akin.
"Bakit ka kumatok aking minamahal na Margaret?" malambing kong tanong ulit sa kanya
"Aba siyempre nandito ako para GISINGIN KA KASI PAGKAGISING NI MA'AM ALLYSA DAPAT NANDUN KANA SA HARAPAN NIYA!" pagbibigay-diin niya sakin
"Ganun ba?! Sige maghahanda na ako! salamat Marge! MUAH!"
"Anu daw?! Hahaha kaw talaga, maghanda ka na nga jan, alis na ako ..." patawa niyang sabi sabay alis
*AFTER A FEW MINUTES OF PREPARATION*
Tumakbo ako papunta sa kwarto ni Ma'am Allysa, naku sana tulog pa yun!!!
Nakarating ako sa kwarto niya nang matunghayan kong "Huh! TULOG PA SI MA'AM ALLYSA?!"
Totoo ba to? kasi nasabi sakin ni Marge kahapon na 8:30 karaniwang nagigising siya eh, pero quarter to 9 na tulog pa rin siya? Naalala ko nanaman yung muntikan na akong ma-late sa work ko sa dati kong pinapasukan.
FLASHBACKS ...
"Anung oras na ba? *YAWNS*" tumingin ako sa orasan ng walang kasiglahan, medyo nasisilaw pa ako sa ilaw kasi bagong gising pa lang ako, pero ng biglang luminaw ang paningin ko ... "Huh! Hiiiiindddddiiiii!"
9:45 na sa orasan, pero 10:00 ang pasok ko! Anu ba yan ... ang layo ko pa naman sa work ko, almost 3 kilometers away!
*AFTER A FEW MINUTES*
"Hai salamat,nakasakay na rin sa wakas, sana di naman ako masyadong ma-late. Instead na mag-worry ako sa situation ko ngayon, I began to pray hard.
Nakarating na ako sa work ko ng safe and sound, and I noticed something wrong. Nakakakita ako ng isang ambulansya. Maraming katrabaho ko ang nagkakagulo sa lugar na iyon, sinubukan kong makitingin sa nangyari. "Huh? ano ang nangyari dito? Paano? kailan pa?" nagtanong ako sa aking isipan sa nakitang trahedya.
END OF FLASHBACKS ...
Pero ang pinagtataka ko ay bakit pag natutupad yung panalangin ko may nangyayaring masama?! Anu naman kaya ngayong natupad din itong panalangin ko ngayon?!
*DOORS OPEN*
"Margaret? Anu na ang nangyayari?" pag-aalala kong tanong
"Nathan, inaapoy ng lagnat si Ma'am Allysa ..." malungkot niyang sagot na may dala-dalang tray ng gamot at tubig.
"Huh?! may lagnat si Ma'am!" nanlaki ang mata ko sa mga narinig ko
Nice Nathan! wag ka na ngang manalangin talaga! nung nakaraan may napatay ngayong naman may nagkasakit. Talaga nga naman oh!
==============================================================================
Haha! ang ikli naman! well para may thrill sa mga susunod na UD. thanks po for reading.
All Rights Reserved 2014
BINABASA MO ANG
The Heart of an Ice Princess
Teen FictionYou'll never know, never even tell or imagine, when will be the time You'll ever possess The Heart of an Ice Princess