Nathan's POV
"Nathan, ang mundo ngayon ay delikadong-delikado na ang buhay ngayon ..." panimulang salita ni Nay habang nagtatalo kami kung lilipat na lang ako ng ibang trabaho o hindi.
"Nay, magiging ok naman ako ako sa work ko eh. Tiwala lang po!" pinaglaban ko na mag-stay sa aking work.
"Pero anak, di naman kasi mahalagang may trabaho ka lang eh. Anak sa panahon ngayon, mas lamang na ang maging maingat kesa maging mapagmagaling. Di bale nang maliit ang sweldo mo kesa mawala ka pa sa akin. Anak, alalahanin mo naman ako ... pano pag nawala ka pa sa buhay ko. Wag mo naman sanang hayaan na iwanan mo ako katulad ng ginawa ng ama mo sa akin." mapaluha si Nay ng sambitin ang kanyang damdamin sa nangyaring trahedya ng kanyang buhay.
FLASHBACKS:
"Itay, parang awa nyo na po, wag kayong bibitiw sa amin *sobs*" pagmamakaawa ko kay Itay, mahirap lang ang buhay namin kaya takot rin kaming maiwan. Hinayaan ko lang si Nay sa labas ng kwarto sapagkat di nya kayang tingnan ang karamdaman ni Itay.
Hanggang ngayon di ko parin mapaniwalaan na may prostate cancer si Itay at stage 4 na yun. Nakakagulat, nakakalungkot, nakakapanghina ng loob. Sana kahit ganyan na ang kalagayan nya ay maka-survive pa rin sya sa kalagayan nya. Pilit kong ipinagdarasal sa Maykapal ang aking kahilingan pero hindi ... hindi ito nangyari. Ilang linggo lang ang lumipas ay di sya nagtagal. Wala kasi kaming pera kaya wala na rin kaming nagawa.
END OF FLASHBACKS:
"Opo Nay, papayag na ako sa kahilingan nyo, lilipat at hahanap po ako ng trabaho.
Allysa's POV
Maggagabi na at kakatapos ko lang magdinner. Nakakabundat ang handaan, di ako halos makalakad sa bigat ng tiyan. I feel like I'm like Santa Clause. I went off to the garden.
"It's so cold. Seems to me that christmas is almost at hand! and I really can feel it with the cold breezy wind." I stretch out my hands to the air and feel the wind. "This is the life!"
After a few minutes, I headed off to my room and take my beauty rest.
Margaret's POV
"Kakatapos ko lang kumain at magllinis ng sarili, nakakapagod ong araw na ito. Well, nasanay naman akong laging pagod eh, sino ba namang katulong ang hindi mapapagod kay Madam Allysa. Kailangan para kang aso na nakasunod sa kanya or else malalagot ka.
Niligid ko muna ang aking mga mata sa paligid kung gising pa ang Royal family ... Nope! no sign of them! *sighs* buti na lang at mukhang tulog na yung mga yun, kasi pagod na pagod na talaga ako eh. Kaya pumunta na ako sa kwarto ko upang matulog nang biglang ...
*KRRRRRIIIIIIIIIIINNNNG .... KRRRRRRRIIIIIIIIINNNG ...*
"Oh no! not this guy again!" tumatawag si Nathan sa akin na nakapagpatibok ng puso ko.
ON THE PHONE:
MARGARET: Hello?
NATHAN: Hi aking mahal na kababata ... kamusta na ang mundo mong kay hirap-hirap?
MARGARET: Ok lang, matutulong na nga ako actually eh, kaso napatawag ka dito. Bakit ka nga pala napatawag?
NATHAN: Uhm, alam mo kasi hirap na ako sa buhay eh. Si Nanay, gusto niya kong paalisin sa trabaho ko dahil nga dun sa nangyari sa pinagtatrabahuan ko ...
MARGARET: Ah, oo. Eh panu yan, kung aalis ka sa work mo, san ka naman lilipat?
NATHAN: Eh, yun nga ang problema ko eh. Naghahanap ako ng work ngayon pero di ko alam kung san ako magsisimula. Si nay kasi eh, takot maiwan simula nang mawal si itay.
MARGARET: Don't lose hope ... tutulungan na lang kita sa paghahanap. Pansamantala ka muna sa dati mong pinagtatrabahuan, ok?
NATHAN: Ah sige, salamat ah! I love you. :*
END OF PHONE CALL ...
Talaga tong lalaking ito oh! yan nanaman yung 'I love you' nya. Hmmp! makatulog na nga!
==========================================================================
Sana magustuhan nyo ung today's UD. Kamsahamnida!
All Rights Reserved 2014
#wattys2014
BINABASA MO ANG
The Heart of an Ice Princess
Teen FictionYou'll never know, never even tell or imagine, when will be the time You'll ever possess The Heart of an Ice Princess