CHAPTER SIX"Wait lang Farah. Sabi ko sa Kanya upang tumigil muna sya sa pagkukukwento
"Bakit mariella May problema ba?.Aniya"Wait lang bago mo simulan yang bagong Kwento mo sagutin mo muna itong tanong ko, bakit umaatake ang mga Nyx dito sa EBIA ?. Sambit ko na Sobrang seryoso ang aking mukha.
"Mariella naman e." Iritang sabi Nya sa akin.
"Kasi naman tinanong ko yun Kanina e tapos sabi mo kakain Ka muna kaya ngayon sagutin mo na ako . Mariing sabi ko
" hay!! Okay sige, Kasi Gusto ng mga Nyx na makuha ang EBIA kaya sila nag hahasik ng lagim at ang EBIA Kasi ang capital ng EREBIA at nandito rin Kasi ang palasyo kaya ganun sila". Sabi niya habang nakatingin ng seryoso sa akin.
Bakit kaya ganun ang mga Nyx Hindi ba sila naaawa sa mga Tao Siguro Baka masamang wizards sila kaya sila ganun. Sa ngayon madilim na ang kalangitan at tanging mga butuin at buwan nalang ang nabibigay ng ilaw sa Amin brown out yata ngayon sa Kanila. At biglang nalang umiyak si Farah at nagsalita.
"Radio, telephones, cellphones,computers,televisions at Kung anu-ano pa basta mga bagay na magagamit para makipag communicate kami sa mga taga ibang bayan at para malaman namin ang balita sa ibang bayan ay Hindi na magagamit dahil sinumpa Nila ang EBIA na Kahit Anung mangyari Hindi na gagana ang mga ganon sa loob ng bayang Ito. Pati rin ang mga poste ng kuryente sinira narin nila kaya wala kaming kuryente. Mariella naaawa ako sa mga kababayan ko Ayaw ko silang nakikitang nahihirapan at bilang prinsesa Nila isang Masakit na katotohan na Hindi ko sila maipagtanggol sa mga Nyx." Aniya
Niyakap ko nalang bigla si Farah para maibsan ang kanyang kalungkutan .kung ako man ang nasa sitwasyon niya paniguradong malulungkot din ako.
"Huwag kang mag-alala Farah tutulungan Kita sa abot ng aking makakaya.
Ngumiti si Farah ng kaunti.
"Maraming salamat mariella sorry rin kasi medyo nabasa ko yung vest mo."
"Okay lang yun vest lang naman e.
Sinindihan na ng mga tagapag silbi ang mga torch na nakalagay sa gilid ng pader ng mansion at dahil malalaki ang bintana ng mansion nakita ko rin na May onting liwanag na sa loob nito dahil sa bitbit na torch ng ang mga taga pagsilbi .ang mga taga bantay naman ay May mga dalang flashlight battery operated Siguro ang mga yun at nag simula na silang mag rounds.
"Mariella Mabuti pa dito Ka nalang muna tumira habang nandito Ka sa EBIA para ligtas Ka.
"Maraming salamat sa alok Farah. Hindi na ako nag dalawang isip syempre wala naman akong pupuntahan at tama si Farah safe ako dito."Pasok na tayo sa loob mariella para makapagpahinga kana alam kong pagod kana dahil sa mga nangyari at nalaman mo ngayon"
Hinila ako ni Farah pa pasok sa loob ng mansion Nila. Pag pasok namin agad bumugad ang isang napakalaking hall na Merong dalawang stairwell na magkahiwalay isang na sa west at ang isa ay nasa east naman at binigyan si Farah ng flashlight ng isang tagapag silbi. Umakyat kami doon sa west stairwell nang Dahan-Dahan dahil Hindi ganong ka liwanag at nang narating namin ang second floor at sumalubong kaagad ang dalawang taga pagsilbi na May bitbit na flashlight.
"Kamahalan na ihanda na po namin ang iyong inutos" ani ng isa sa taga pagsilbi
"Mabuti."Sabi ni Farah sa Kanila. "sana magustuhan mo ang mga inihanda ko para sayo mariella"
Tumango at ngumiti lang ako sa kanya at nagsimula na kami maglakad sa isang hallway at bigla nalang lumiwanag dahil sa mga nag gagandahang chandeliers. Hala!! Diba wala silang kuryente Baka magic ang ginamit Nila.
"Hay buti nalang pinagana na Nila ang mga generators ang hirap kaya na mga flashlight lang at torches ang gamit" ani ni Farah
Sossy! May generator rin pala sila. Pinagmasdan ko lang ang napakagandang hallway na kinatatayuan ko at puno ng mga naglalakihang landscape painting sa pader.
"Mariella Malapit na tayo sa kwarto mo"
Natatanaw ko na Malapit na kami sa isang part na hall na Kung Saan Puro pintuan na ang makikita pero bago iyon Nadaanan namin ang isang painting at huminto kaagad ako sa paglalakad, isang painting na naiiba sa lahat dahil Ito lang ang nag-iisang figure painting na nakita ko dito sa hall. Isang figure painting ng Magandang babae mga nasa late 20's ang edad at May bitbit na mga pulang Rosas pamilyar ang mukha ng babae sa akin parang nakita ko na siya dati Hindi ko lang maalala Kung Saan.
"Mariella May problema ba?"
"Farah bakit Ito lang ang nag iisang figure painting dito sa hall?. Sabi ko habang nakakunot ang aking Noo.
"Mahabang Kwento mariella saka na nating pag-usapan" Nakangiting sagot Nya sa akin At hinila Nya ako at naglakad na ulit kami.
Naiintriga Talaga ako dito sa figure painting na yun. Sino kaya sya?.Siguro napaka important Nya at doon nakalagay ang painting na yun.
At narating namin ang isang hallway na May mga pintuan at mga ilang lakad pa ay huminto kami sa isang pintuan.
BINABASA MO ANG
Not An Ordinary Gift: The Guardian
FantasyWhat will happen if you received a very special gift. A gift that was given to you before you were born. What if this gift will change your life forever?. Will you accept the gift or not?. What if the world that is unknown to you is the world where...