Kasalukuyang naglalakad si mariella at naka sunod naman sa likod niya si mang Damian na patungo sa pangalawang destinasyon Nila, Ang Musileo ng mga Altamirano.
Papasok Niya sa loob Ay nakita Niya kaagad ang taong isa sa pinakamamahal Niya ang kanyang Ama na si Zeus Miguel Altamiramo. Agad na lumapit at hinawakan ni Zeus ang ulo ng kanyang anak na si mariella.
"Nagkita ba Kayo ni daphne" saad ni Zeus. Tango Lang ang isinaad ni mariella sa Kanya.
"Mauna na ako mariella sa susunod nalang ako makikipag kwentuhan sa iyo" saad ni Zeus at umalis na palabas ng musuleo.Tiningnan Lang ni mariella ang kanyang ama hanggang sa makalabas Ito. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan at iniayos ang dalang bulaklak sa tapat ng puntod Nila Don Crisostomo Altamirano at Donya Isabel Altamirano. Maagang naulila si mariella sa kanyang mga Lolo at Lola.
Pinikit ni mariella ang kanyang mga mata
"Lolo Roman, Lola Lupita bat nyo po ako iniwan" saad ng anim na taong gulang palang na si mariella habang nasa harapan ng isang puntod.
"Paano na po ako?, isama nyo nalang po ako, please po."
Maski ang mga taga pagsilbi ng mga Zamano Ay awang-awa sa Kanilang señorita. Tanging ang mga matandang amo Lang Nila ang nag-aalaga sa Kanilang apo ngayong wala na ang mga Ito Hindi Nila alam Kung Anu ang mangyayari sa bata.
Lumipas ang isang Oras Tanging ang yaya nalang ni mariella na si Josie at si Damian na driver ang natirang kasama ng bata sa loob ng musuleo Hinayaan Lang Nila ang bata na kausapin ang puntod ng Kanilang dating amo biglang dumating si Daphne ang nag-iisang anak ng Kanilang amo at laking gulat Nila na bigla nitong hinila sa braso ang anak.
"Mommy Masakit po" daing ni mariella
"Kahit Kailan Malas Ka talagang bata Ka!, dapat noon pa kita binigay sa iyong walang kwentang Ama" saad ni Daphne na mababakas ang sobrang galit
"Tama na po ma'am nasasaktan na po ang bata" saad ni Josie napinakinggan naman ni daphne
"Josie, ihanda mo na lahat ng gamit ng batang yan!" Saad ni daphne habang dinuduro ang mukhang na kanyang anak.
**************************
Iyak Lang ng Iyak si mariella habang inaayos ng yaya Josie ang kanyang gamit at inilalagay sa isang Maleta.
"Yaya Saan tayo pupunta" saad ni mariella habang umiiyak Parin
"Sa mga Altamirano, mariella mas mapapaganda ang buhay mo doon, mabait ang mag-asawang Altamirano alam kong aalagaan at mamahalin Ka Nila Saka nandoon ang daddy mo"
"Si daddy nandoon siya? Saka sabi mag-asawang Altamirano Diba surname ko yun yaya"
"Si Don Crisostomo at Donya Isabel Ang tinutukoy ko sila ang lolo at Lola mo na mga magulang ng iyong ama doon Ka na sa Kanila titira at magiging masaya Ka doon"
Gulat ang makikita sa Mukha ng bata agad ginulo ni mariella ang inaayos na gamit ng kanyang yaya
"Ayaw!, Ayaw!" Sigaw ng bata habang hinihila ang sariling buhok
Pilit na pinipigilan ng kanyang yaya ang bata at mas Lalo pa itong nagsisigaw
"Hindi Ayaw ko! Gusto ko Lang dito nandito naman si mommy e" saad ng bata habang umiiyak hawak ngayong ng kanyang yaya ang kanyang mga kamay
"Mariella makinig Ka nakakabuti Ito sayo alam nating walang pakialam ang mommy mo sa iyo mas magiging masaya ang buhay mo sa Kanila kasing saya Nung nabubuhay pa ang lolo roman at Lola Lupita mo" binitawan na ni Josie ang kamay ng Alaga
Sumakay si mariella sa kotse at nakatungahay sa bintana pinagmamasdan Niya ng mabuti ang tahanang kanyang minulatan.
Nakatulog si mariella habang papunta sa mansion ng mga Altamirano marahil dahil sa sobrang pagod at pag-Iyak nagising lamang siya ng huminto ang kotse sa isang napaka gandang mansion na napapaligiran ng mga bulak-lak
"nandito na tayo señorita" saad ni Josie sabay hawak sa kamay ng kanyang Alagad
Sa pagbaba Nila sa sasakyan agad silang sinalubong ng mag-ASAWA
Agad niyakap ni Donya Isabel ang kanyang apo labis ang gulat ni mariella sa ginawa ng matanda dahil Hindi Niya kilala ang yumakap sa Kanya
"Tinakot mo naman ang apo natin Isabel" saad ni Crisostomo
"Na miss ko Lang siya Crisostomo" saad ni Isabel habang unti-unting tinatanggal ang pagkayakap sa amo
" Kamusta Ka apo ako si grandnima Isabel mo at Ito naman Ay si grandnipa Crisostomo mo" matamis na pagpapakilala ng mag-Asawang Altamirano
Isang matamis na ngiti Lang ang pinakita ni mariella
*****************
"Kamusta grandnipa at grandnima?" Saad ni mariella habang hinahawakan ang malamig na marmol sa puntod ng kanyang lolo at Lola
"I'm fine don't worry kumakain ako sa tamang Oras at nakakatulog na ako ng walang ilaw sa gabi"
Lumipas ang isang Oras Saka Lang napagpasyahan ni mariella umalis at bumalik na sa mansion na kanyang tinitirhan
Malaki ang mansion na kanyang tinitirhan na binigay sa kanya ng kanyang ama nang mamatay ang kanyang grandnipa at grandnima. Komportable naman siyang TUMIRA dahil kasama naman Niya si Josie at si Damian na parang tumatayong mga magulang Niya. Kinaiingitan ang buhay na Meron si mariella bilang nag-iisang taga pagmana ng Zamano-Altamirano group of companies ngunit para sa dalaga walang halaga ang napakaraming pera Kung wala namang pag-mamahal na galing sa kanyang mga magulang.
Dumiretso agad si mariella sa kanyang kwarto at humiga agad sa Kama
"Sana magbago na ang lahat" huling saad Niya bago Nakatulog
BINABASA MO ANG
Not An Ordinary Gift: The Guardian
FantasiWhat will happen if you received a very special gift. A gift that was given to you before you were born. What if this gift will change your life forever?. Will you accept the gift or not?. What if the world that is unknown to you is the world where...