Katahimikan yan ang gumimbal kay rigo sa pag pasok Niya sa malaking hall way ng mansion may mga taong nakahandusay na Hindi Niya Mawari Kung buhay pa ba sila at mga dunkeilheit alma na nasisiguro niyang patay na dahil unti-unting nagiging abo ang Kanilang mga katawan. mababakas ang takot at pangamba sa mga mata ng binata Dahil sa mga nakikita tinapik Niya ang unang taong malapit sa kanya ngunit Hindi Ito nagising at ganun ulit sa isang pang tao na nakita Niya ngunit Bigo Parin siya. napagpasyahan nalang Niya na maglakad upang Alamin Kung Anu Talaga ang nangyari.Dahan-Dahan ang ginawa niyang paghakbak at masusing Sinuri ang kabuuan ng mansion nang narating Niya ang gitnang bahagi ng hall Ay doon siya natigilan sa paglalakad na pansin ang isang nilalang na pinapalibutan ng apoy
Apoy na mistulang nagiging liwanag sa Gitna ng hall. Dahan dahan na lumapit si rigo sa apoy at Habang papalapit napapansin niyang Isang babae ang napapalibutan ng apoy na tilay ito'y pinoprotektahan ng apoy Habang papalapit malakas ang kabog ng dibdib ni rigo at ng malalapit siya nawala ang apoy at laking gulat Niya na ang Bagong dating na si Mariella ang kanyang nakita.
Walang Malay si Mariella at agad Itong dinaluhan ni rigo, tinapik ng binata ang Mukha ng dalaga " Uy! Gising, gising!" Hindi tumutugon ang dalaga Pero napansin ni rigo na katabi ni Mariella si Adelina ang tagapangalaga ni Farah. Ang Matanda naman ang dinaluhan ni rigo napakaraming sugat ng Matanda at masama ang kalagayan nito, ginigising Niya Ito.
"Rigo, umalis kana dito protektahan mo si Mariella mahalaga siya bilisan mo na" Ani ng Matanda Habang mamimilipit sa sakit
"Pero nana Adelina masama ang iyong kalagayan mas kailagan niyo ako Kaysa sa Kanya" Ani ni rigo na labis ang takot
"Kailagan Iho bilisan mo mahalaga si Mariella sa ating mundo" Ani ng Matanda Bago mawalan ng Malay
"Nana!, Nana!, Gising"
Isang Ingay ang nagpatinding balahibo Kay rigo at agad na binuhat si Mariella at tinakbo ang hall, butil-butil na pawis at malakas na kabog ng dibdib at nararanasan ng binata Hindi siya mapakali Dahil sa takot. Ang Ingay na kanyang narinig Ay ang mga boses ng mga dunkeilheit alma. Ang Ingay na Kailan man Hindi Niya nalilimutan sa kanyang Buhay, Ang Ingay na sumira sa Buhay ng pinaka mamahal niyang babae.
Narating Niya ang garden Kung Saan Niya unang nakita si Mariella binaba na Muna ng binata si Mariella Dahil sa pagod narin siya nakahinga naman siya kahit papaano Dahil Hindi na Niya naririnig pa ang mga Ingay ng dunkeilheit alma. Alam ni rigo na may portal dito sa garden papunta sa underground ng mansion.
Ang underground ng mansion Ay May lagusang dumudugtong sa bayan tangging si rigo at ang ama Lang ni Farrah ang nakakaalam na may ganoong lagusan.
Nagising bigla si Mariella at laking gulat Niya na kasama Niya si rigo Pero ang iniisip Niya Kung nasan ang Matanda.
"Si nana Adelina kailagan natin siyang tulungan sinaktan siya ng mga tila'y usok na Tao" Ani ni Mariella na mababakas ang takot sa mga mata
Bigla siyang hinila ni rigo para tumakbo. "Teka bakit? Sandali ang mga Ingay na yun" Ani ni Mariella Habang tumatakbo sila
RIGO'S POV
kailagan naming tumakbo naririnig ko na ang mga Ingay. Bigla ko Lang hinila Itong dayo na Ito tatahakin namin ang daan papunta sa kagubatan mas Malaki ang chance na Hindi Kami madadakip ng mga nilalang na Ito.
Malapit na Kami sa kagubatan ngunit Ang Bagal tumakbo ng babaeng Itong tiyak na madadakip Kami Pero Hindi ko naman siya pwedeng Iwan Hindi kakayanin ng konsensya ko na Madakip siya o mamatay Lalo na masyado silang close ni Farrah
"Aray! Ang sakit" daing niya Habang hinihimas ang tuhod na nasugatan , Naku naman nadapa pa! lampa talaga kahit Kailan
Naglakad na lamang kahit Saka Hindi ko nadin naririnig ang mga Ingay na nagmumula sa mga dunkeilheit alma, Hindi Parin Mawala sa isip ko ang apoy na nakapaligid sa babaeng Ito nung nakita ko siyang nakahandusay malamang Hindi siya pangkaraniwang na nilalang Lang sa mundo namin 10% Lang na populasyon namin ang May kapangyarihan at madalas Isang kapangyarihan lamang Dahil Kung dalawa at higit pa Hindi ka taga Ebia na nilalang.
ngunit ang sa Kanya dalawa na, una ang panggagamot Niya ayon Kay Adrian at ngayon ang apoy na aking nasaksihan Kaya napakahalaga Kung Malalaman ko Kung anung klase siyang nilalang, maitanong na nga Lang sa Kanya Kung bakit may apoy kanina.
"Bat may apoy Kaninang nakapaligid sayo" pambasag katahimikan ko Habang Kami Ay naglalakad
"Apoy?" Sagot siya na may halong pagtataka, abnormal din talaga Itong babaeng Ito
"Oo apoy!, apoy!, apoy!, bat may apoy na nakapaligid sayo?, Anu uulitin ko pa ba?" Sarkastikong pag sabi ko nagtatanong ako ng maayos tanong din Ibabalik sa akin
"Hindi ko Alam"sagot Niya at biglang yumuko
"Anung klaseng nilalang ka?"
"Tao ang tawag sa Amin sa aming mundo at ang Tao walang kapangyarihan"
"Ay ewan ko sayo" Hindi nalang ako magtatanong at Mabuti pa bilisan namin ang pagkalalakad
"OH SH*T" bulalas ko!, bat ngayon pa
"Takbo!" Sige ko ang mga Ingay nandyan na at napakalapit na nung tunog
Tumakbo Kami Pero kailagan mag ingat Dahil nasa paitaas na Bahagi Kami ng kagubatan at madilim Baka mahulog Kami Paderetso sa Batuhan.
"Arrgggg! Bitiwan mo ako!, tulungan mo ako ginoo, aray!" Daing ni Mariella Habang hawak siya ng dalawa ng dunkeilheit alma Hindi ko na Alam Kung anung Gagawin ko tatakbo ako mag-isa o tutulungan ko siya, kapag tinulungan ko Baka mamatay pa ako Dahil wala naman akong Laban Kung tatakas ako mag-Isa Isang malaking kahihiyan sa aking ngalan hay naku naman!
"Ang kapal naman ng Mukha niyo mag pakita sa akin ah, bitiwan mo ang babaeng yan!"Sigaw ko sa mga 4 na dunkeilheit alma.
"HA! HA! HA!, ang yabang mo nilalang Humanda ka! " sambit ng isa sa dunkeilheit alma Habang naglalabas ng Isang itim na usok na napakalaki
MARIELLA'S POV
Ang sakit ng pagkakahawak Nila sa akin Pero mas natatakot ako para doon sa kaibigan ni Farrah yung usok na papalapit sa Kanya
"Arrgggg!" Daing nung kaibigan ni Farrah nung natamaan siya at bumagsak sa lupa ang buong katawan Niya Ay unti-unting nagiging itim. Hindi maaari Ito
"Bitiwan niyo ako!" Sigaw ko Pero lumalakas ang Tawanan ng mga nilalang na May hawak sa akin
"Sinabing bitiwan niyo ako!" OMG! Biglang May malaking apoy ang lumabas sa kamay ko na nagpatalsik doon sa limang nilalang bat ganto nangyari na naman. Sinamantala ko ang pagtalsik Nila at nilapitan ko yung kaibigan ni Farah.
"Tara na." Sambit ko Habang Inalalayan ko siyang tumayo
"Umalis ka na, tumakbo ka Iwan mo na ako" sambit Niya Habang dumadaing Ay Hindi pwede yun
"Ayaw ko." Ay papalapit na sila Ayan na yung dalawang itim na nilalang
"Aray!" Sambit ko pag Bagsak ko sa lupa, jusko!
"HINDI!!!!!"
BINABASA MO ANG
Not An Ordinary Gift: The Guardian
FantasíaWhat will happen if you received a very special gift. A gift that was given to you before you were born. What if this gift will change your life forever?. Will you accept the gift or not?. What if the world that is unknown to you is the world where...