CHAPTER 13"Siiinuuu Ka? Bakit hawak mo ang mukha ko?" Saad ni mariella na pautal-Utal at Hindi maipinta ang mukha Nya dahil sa Sobrang gulat.
"Huwag kang mag-alala saglit lang to" Mahinahong sagot ni eisen.
Pinagpatuloy lang ni eisen ang kanyang pag hawak sa mukha ni mariella, Kaya Nya Ito ginagawa para malaman ang kalagayan ng dalaga. Samantala si mariella ay namumula na ang buong mukha dahil sa ginagawa ni eisen, Hindi Kasi sana'y ang dalaga na May humahawak sa kanyang mukha.Pinagmasdan lang ni mariella ang mukha ni eisen habang hawak ang mukha niya.
"Bakit ganito ang nararamdaman ko bakit ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Saka sinu ba siya?" Saad ni mariella sa kanyang isip
Tinanggal na ni eisen ang kanyang mga kamay sa mukha ni mariella, na ikinatuwa na ni mariella dahil Kung ito'y nagtagal pa marahil nahimatay na siya dahil sa hiya at kaba na nararamdaman.
"Anu Kuya Eisen magaling na ba si mariella?" Saad ni Farah
Hinawakan ni eisen ang mga kamay ni mariella na labis na kinagulat na naman ng dalaga.
"Young Lady huwag kang masyadong mag pagod dahil Kung Hindi ikamamatay mo Ito" saad ni eisen na Sobrang seryoso ang pagmumukha
Pagkatapos ni eisen magsalita ay binitawan niya kaagad ang kamay ni mariella at dagli-dagling lumabas sa kwarto ng dalaga na Hindi manlang nag papaalam.
Labis na nagulat si mariella sa mga tinuran ni eisen, Hindi lang si mariella ang nagulat pati narin sila Farah at Adrian na nasa loob din ng kawarto ni mariella. Lumapit bigla si Farah at niyakap ng mahigpit si mariella na kinagulat naman ni mariella.
"Huwag kang mag-alala mariella marahil nagbibiro lang si kuya eisen, ganun Kasi siya magsalita para matakot ang pasyente niya para sumunod Ito sa mga sinasabi niya" saad ni Farah habang mahigpit na niyayakap si mariella
Umalis na sa pagkaka-akap si Farah Kay mariella at hinawakan naman niya ang Noo ni mariella para pakiramdaman Kung mainit Ito.
"Teka anu bang nangyari nasan ba ako?, nag kasakit ba ako?, saka sinu Ka bakit mo ako niyakap at hinawakan ang Noo ko? Saad ni mariella na labis na ikinagulat Nila Farah at Adrian. Tinanggal na ni Farah ang kamay Nya na nakalapat sa Noo ni mariella
Lumapit si Adrian sa Kama ni mariella dahil sa pagkagulat. Kahit si Farah ay Sobrang nagulat dahil sa Sinabi ni mariella Hindi siya maka paniwala na Hindi siya maalala ng dalaga e ka kakilala lang Nila kahapon kaya malabong makalimutan siya kaagad.
"Mariella kilala mo pa ba ako?" Saad ni Adrian
"Oo naman Diba ikaw si Adrian, Bahay niyo ba Ito?, Teka bakit parang umaga na Diba pa hapon na Nung papunta tayo sa Bahay niyo?" Saad ni mariella na naka tingin sa malaking bintana.
Napahawak nalang si adrian sa kanyang Noo dahil Hindi siya makapaniwala sa mga Sinabi ni mariella. Habang si Farah naman ay pa-iyak na dahil sa mga Sinabi ni mariella.
"Marahil mariella mas makakabuting mag pahinga Ka nalang muna Baka na pagod kalang kaya wala kang na aalala" sambit ni Adrian na May halong pagkalungkot
"Walang maalala?, Tama ka Siguro ipapahinga ko nalang Ito?" Saad ni mariella na parang naguguluhan dahil sa Sinabi ni Adrian
Hinila ni Adrian ang kamay ni Farah upang lumabas na sila sa kwarto ni mariella upang makapag usap silang dalawa lang.
******************
"Kuya bakit ganun Hindi na ako maalala ni mariella e mag kasama pa nga kami Kanina?, anu ba ang nangyayari kuya?." Saad ni Farah habang umiiyak"Farah tumahan Ka na dyan walang magagawa ang pag-iyak mo. Marahil Siguro dahil sa May kamukuha ng lakas niya ayon Kay eisen".
Lumakas Lalo ang pag-iyak ni Farah dahil sa Sinabi ni Adrian, dahil doon mas lalong Hindi na makapag-isip si Adrian dahil sa Ingay ni Farah habang umiiyak na parang batang sanggol na nagugutom. Hindi na nakapag tempi si Adrian at sumigaw nalang siya ng napaka lakas na kumuha sa attention ni Farah.
"HOY!! Kuya bakit kaba sumigaw. Ang sakit kaya sa tenga." Saad ni Farah habang pinupunasan ang mukha gamit ang kamay Nya.
"Diba Masakit sa tenga. Masakit Kasi sa tenga ang pag-iyak mo kaya ako sumigaw Bali patas na tayo!"saad ni adrian ng nakasimangot
Parehas na napa buntong hininga ang mag Pinsan dahil Hindi Nila alam Kung anu ang Gagawin upang maalala ni mariella ang mga nangyari kahapon dahil Hindi naman Saklaw ng mga samanos ang mang gamot sa mga nawawalang ala-ala. buti Kung sana malilimutin lang pwede pa magamot Kahit papano si mariella. Kaso lang Sobrang dami ng nakalimutan niya Tila Hindi na basta-bastang sakit ang Meron si mariella.
BINABASA MO ANG
Not An Ordinary Gift: The Guardian
FantasyWhat will happen if you received a very special gift. A gift that was given to you before you were born. What if this gift will change your life forever?. Will you accept the gift or not?. What if the world that is unknown to you is the world where...