CHAPTER 12 : THE FIRST

220 12 2
                                    


Hello po sa mga active at silent readers dyan sana walang sawa nyo po akong suportahan. Comment naman po kayo please. Hehe. Maraming salamat :)))

CHAPTER 12

Sa tagong Bahagi ng isa sa kagubatan ng EBIA nananahan ang mga Nilalang na pinakaunang nanirahan sa EBIA. Mataas na ang Sikat ng Araw ngunit sa kagubatan ng mga nilalang na pinakaunang manirahan sa EBIA ay makikita ang mga nagkakapalang usok at madilim na kapaligiran dahil Araw man O Gabi ganoon Talaga ang kapaligiran nito.

Dahil mataas na ang Sikat ng Araw mas Binilisan ng Dalagang May Mahabang dilaw na buhok ang pag punta patungo sa tagong Bahagi ng kagubatan. Nang marating na niya ang madilim at mausok na Bahagi ng gubat Hindi niya inaasahang matanaw ang Kanilang pinuno kasama ang kanang Kamay nito na tila'y May hinihintay.

Dahil sa nakita bilang kinabahan at nanigas sa kinatatayuan nito ang dalaga dahil pakiramdam niya na siya ang hinihintay ng Kanilang pinuno. Kilala ang pinuno Nila sa buong kaharian ng EREBIA dahil sa Malakas at kakaibang kapangyarihan nito na Kahit ang mga pinakamalakas na wizards sa Kanilang bansa ay walang Laban.

Dahan-dahang naglakad ang dalaga upang Hindi siya mapansin ngunit Mali siya dahil Malakas ang pakiramdam ng Kanilang pinuno at Hindi niya Naramdaman na nasa harapan na niya Ito kaagad.

"Saan Ka galing EUMELIA" sambit ng Kanilang pinuno

"Patawarin mo ako Kuya Cleon" mangiyak-ngiyak na sambit ni EUMELIA

Napa buntong hininga nalang si Cleon dahil alam na niya Kung Saan nag tungo ang kanyang kapatid na si eumelia.

"GRAY!" Ani ni Cleon

Agad namang lumapit ang kanyang kanang kamay "Ano po yun master"

"Mabuti pa dahil mo na si EUMELIA sa mansion at alam mo na ang ka sunod."

"Masusunod po master". Pagkatapos niyang yumoko ay agad siyang umalis kasama si EUMELIA

Nang makarating na sa mansion si eumelia at gray, inihatid kaagad ni gray si eumelia sa silid nito upang ikulong din Ito. Alam ni eumelia ang mangyayari sa Kanya dahil sanay na siya na lagi na lang ikinukulong sa kanyang silid kapag nahuhuling lumabas sa Kanilang lupain. Alam niya Kung bakit ipinagbabawal ng kanyang kapatid ang pag labas sa Kanilang lupain dahil salot ang tingin sa Kanila ng mga normal na Tao.

ADRIAN'S POINT OF VIEW

Ilang minuto na ang lumilipas nang tawagin ni eisen si mariella gamit ang dream whisperer power niya pero wala paring progress dahil malalim parin ang tulog ni mariella. Pakiramdam ko parang sasabog na ang puso ko dahil sa pag-aalala Lalo na nung Sinabi ni eisen na May kamukuha ng lakas ni mariella.

"Kuya Adrian huwag kang mag-alala magiging okay din si mariella, magaling na samanos si kuya eisen." Ani ni Farah na pilit na ngumi-ngiti

Oo alam ko magaling si eisen na samanos, Hindi lang basta magaling pinaka magaling siya sa lahat ng samanos dito sa EREBIA pero Hindi na ngayon syempre nandyan na si mariella na mas mabilis maka pang gamot ng mga sakit na galing sa mga Dark souls na naglilingkod sa mga NYX.

"Psst! Kuya Eisen galingan mo naman dyan kinakalawang Ka na yata e." Pabulyaw na sabi ni Farah

Hindi parin pinansin ni eisen yung Sinabi ni Farah marahil nag coconcentrate siya O Ayaw lang niyang patulan.mayamaya lumapit siya sa mukha ni mariella at Ginamit ang kanyang dalawang palad upang hawakan ang mukha ni mariella at Hindi pa nakuntento nilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ni mariella na para bang May Gagawin na. AY!!! Hsssttt!! Anu kaya Gagawin bakit May ganun pa siyang nalalaman si eisen Talaga.

"HOY!! Eisen anu ba yang ginagawa mo Iba na yata yan ah!!. " sambit ko Hindi ko na Kasi Masikmura ang ginagawa Nya na pagtitig ng Sobrang lapit sa mukha ni mariella.

Woah!!! Nag-Iba na ang itsura ni mariella mukha na siyang Malakas at walang nang bakas nang pang hihina.

"Siiiiinu Ka?" Mautal-Utal na sambit ni mariella na May halong pagkagulat sa nakikita niya.

Not An Ordinary Gift: The GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon