KABANATA 5: Kins & BonesMabilis ang pagpapatakbo ko pabalik sa A-North. Nang makalabas sa kantong iyon, doon ko napagtantong sa D-North tinigil ni Kins ang truck.
Hindi ako makaisip ng ibang lugar kung saan ko pwedeng i-park ang truck na hindi madaling makita. Wala akong paki kung hindi siya amin. Kung pinaghahahanap si Kins, malamang ay uumpisahan iyon sa truck. Malala pa ay baka nakuha rin nila ang plaka.
Nagmaneho ako papunta sa terminal pero hindi ako lumapit kung saan ang iba pang carriers. Dumiretso ako roon sa lumang paradahan kung saan tambak ang mga sirang pampublikong sasakyan.
Ipinark ko ang truck sa pinakatago. Kinuha ko pa ang maalikabok na tabon ng isang sirang puting van at tinaklob doon bago naglakad paalis na parang walang nangyari.
Dumiretso ako sa pwesto kung saan pinarada ni Kins ang motor niya. Tanging dala ko lang ay ang susi at ang libo-libong tanong sa utak ko.
Umalis ako sa terminal nang hindi na nagpapaalam sa head namin. Mukhang ito na rin naman ang huling pasok namin sa trabaho. Hindi na rin naman namin nakuha ang huling sweldo kaya sana ay sapat na iyon sa gulong iniwan namin dahil sa hindi pormal na pagre-resign sa trabaho.
Habang sakay sa motor ay paulit-ulit lang na nagpe-play sa utak ko ang hitsura ni Kins bago ito umalis. He seems unsure but he still run away by himself. Kaya ba siya naghahanap ng driver ay dahil dapat ay titigil na siya sa trabaho? Kailangan ba niya ng kapalit bago makaalis? Pero dahil dumating ako, na mukhang kaawa-awa, hindi niya tinuloy sa halip ay ginawa niya pa akong assistant?
Ha! Ganoon ba Kins? Lintik naman Kins!
Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi at kinagat ng mariin ang labi bago mas binilisan ang pagpapatakbo. I need to talk to Bones. Kailangan ko ng paliwanag.
Pinasok ko ang motor sa building dahil may madadaanan pa naman kahit naroon ang motor. May kaunting espasyo pa kasi bago ang hagdan pataas. Wala na akong paki kung may magreklamo. Baka lamang kasi pati iyon ay maaaring kilala at hanapin. Iyon nalang ang tanging magagawa ko kay Kins.
Madali akong umakyat ng hagdan at hindi na dumiretso sa unit ko. Kinatok ko agad ang pinto nina Bones.
"Saglit lang," rinig kong tugon mula sa loob.
Tahimik akong nag-antay. Nasa kanang kamay naman ang helmet na ginamit ko. Nang buksan ni Bones ang pinto ay malawak pa ang ngiti niya sa akin.
"Noche Buena, Amiga Rina," pagbibiro pa niya pero hindi ko iyon ginantihan. Ni ngiti. Diretso akong pumasok sa loob at naupo sa sofa. Mas malawak kasi ang unit na ito kumpara roon sa akin.
Mariin ang tingin ko kay Bones na agad niyang nakuha. Napawi ang ngiti niya at tinanggal ang suot na apron bago naupo sa harapan ko.
"May pinuntahan ba si Kins?"
Napaismid ako. Tinakbuhan kamo. Hindi naman ako galit kay Kins kung mayroon man itong ginawang masama. Wala akong pake! Kung ano siya sa akin, ganoon ko siya kikilalanin!
Naiinis lang ako na kung alam naman pala niyang maaaring nagiging mainit na siya sa mga mata ng sumusunod sa kaniya, bakit bumalik pa siya sa trabaho? Bakit hindi nalang niya ako hinayaang magutom!
Huminga ako nang malalim, iniisip kung saan dapat magsimula. "May humabol sa amin kanina."
Kita ko kung paanong natigilan si Bones tapos ay napalunok, mukhang may ideya na agad sa kung anong maaaring nangyari kahit iyon palang ang nasasabi ko.
"N-Nasaan siya ngayon?"
"Hindi ko alam."
"Buhay pa ba siya? Nadakip ba siya?"
BINABASA MO ANG
MA-I: The Lost Ground #1 (Completed)
FantasyMa-i was a small town known to exist in the 14th century which was found nonexistent after a century. The people then started wondering what happened to Ma-i. Centuries after centuries, the story began to fade until no one of age remembered if Ma-i...