Kabanata 20

56 3 0
                                    


KABANATA 20: Mishap

Nauna akong makalabas at habang sumusunod siya ay tiningnan ko ang aking relo.

23 minutes left.

Sobrang bilis! Baka pareho naming hindi mamalayan, wala nang oras para makalabas pa rito! We have to hurry.

Nasa ikalimang puno na kami at nasa pinakagilid na namin ang tent. Nandoon pa rin ang dalawang Tasman. Ni tila hindi man lang gumalaw kahit isang hibla ng buhok.

I signed Ian to remain silent. Tumango siya pero halatang kabado. Three more trees to go before we could be out of sight at makatago sa likod ng mga sunod-sunod na tent. Humakbang na ako palabas sa pinagtataguang puno habang nasa kabilang puno pa si Ian.

Pero agad akong napatigil nang marinig ang tunog ng tila nabaling sanga. Nanlaki ang mga mata ko, kumabog ng hindi normal sa bilis ang dibdib. It wasn't mine!

At dalawa lang naman kami rito! Kaya sigurado, kay Ian iyong galing! Sinasabi ko na nga ba!

Nilingon ko ang Tasman at halos matumba ako sa kinatatayuan nang makitang mabilis ang naging lingon ng dalawa sa direksyon namin.

Habang tila estatwa ako sa kinatatayuan, dahan-dahan at maliit ang galaw na sumenyas ako kay Ian na huwag siyang gagalaw. At mabuti nalang ay naiintidihan niya iyon! O baka rin hindi at sadyang natakot lang lumabas sa pinagtataguan.

And here I am! In wide open!

I am on sight while Ian is still hiding behind the tree. Nakaitim naman ako mula ulo hanggang paa. Huwag lang akong gagalaw and I will be fine. Iyon ang paulit-ulit kong pinaniwala sa sarili.

Halos matunaw ang Tasman sa tingin ko habang ang dalawa ay nakatingin lang sa gawi namin pero hindi naman partikular sa posisyon ko. It seems like they're still looking for something.

It feels like forever nang bumalik nang muli ang tingin ng dalawang Tasman sa kanilang harap.

Halos magsuka ako dahil sa naipong hangin sa akin. Nakalimutan kong huminga sa kaba! Gusto ko sanang pagbigyan ang nangangatog na tuhod at lumuhod dito sa damuhan pero pinigilan ko lang ang sarili. I can see mom here in my position and I don't want to make her wait any longer.

Kung magtatagal pa ako rito, baka maisipan pa niyang bumalik. Mahihirapan pa lalo akong asikasuhin silang dalawa.

Nilingon ko si Ian and he's mouthing something close to 'I'm sorry.'

Inirapan ko ito at parang gusto na lang siyang pagapangin. Nilagay ko ang hintuturo sa ibabaw ng mga labi. Tumango ito at muling humingi ng tawad.

Giniya ko itong sumunod muli sa akin at hinabol ko ang aking hininga nang makarating na kami sa likod ng unang tent nang hindi na muli nai-istorbo ang dalawang Tasman.

Hinarap kong muli si Ian, tinuro ang kaniyang paa, telling him to watch his step and he nod.

9 minutes left.

Ghad. Nag-ubos kami ng maraming oras sa pakikipag-titigan sa dalawang Tasman na iyon!

Hindi nagtagal nang makarating kami sa tent namin ni ina. Pumasok ako roon at sumunod naman si Ian.

Luminga-linga si Ian at napakunot ang noo. Nagtataka marahil kung bakit dito ko siya dinala gayong wala naman siyang makitang daan palabas. Of course, it's hidden, young lad.

But the confused idiot asked, "How do we get outside?"

Parang bumagal ang paligid ko dahil doon. Tila saglit akong nabingi. Nawalan ng tunog pati hampas ng hangin. Tanging nakikita ko lang ay ang pagkagulat rin ni Ian dahil sa ginawa

MA-I: The Lost Ground #1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon