Kabanata 47

42 1 0
                                    


KABANATA 47: Feya

Nagulat nalang kaming lahat nang biglaang tumalsik ang Prohe at hindi ko na alam kung saan ito napunta. Bigla akong binagsak ng dalawang Tasman at mabilis na tumakbo sa direksyon kung saan napunta ang kanilang Prohe.

Napaawang ang labi ko sa ginawa ni Tita Grace. Kailan niya nakuha ang Waterfire? And she did not use the fire!

Well, I think no one of us want to kill as much as we want to.

"Get your Waterfire!" sinunod ko ang sigaw ni Dep at nagsimulang mangapa sa sahig.

Lahat ng Tasman pati ang mga may hawak ng apoy ay umalis! Masyado silang masunurin sa kanilang amo!

Nang makapa ko ang Waterfire ay saktong may nagbukas ng flashlight. Nagsimula itong tutukan ang lupa kaya agad din akong nakakita ng flashlight.

Nang makuha namin lahat ng Waterfire at flashlights ay agad na nag-utos si Dep.

"Get to the village as fast as we can. Hindi niya sasaktan ang mga tao niya. I'm sorry but we have to use them now, Tita Grace." nilingon nito si Tita.

Tumango si Tita Grace. "Let's find Rina."

Tumango kami at nagsimulang tumakbo pa-hilaga kung nasaan ang mga kabahayan. Nagsimula nang tumakbo sina Dep pero napatigil ako nang mapansing hindi sumusunod si Feya. Inilawan ko ito sa mukha pero parang wala lang iyon sa kaniya. Hindi man lang nasilaw.

"Ano pang tinatayo mo dyan?"

"I... I deserve to die, Carlos. I have to... I have to pay for what I've done."

Tinanguan ko ito. "Okay. Pero pwede ba magbayad ka nalang kapag naligtas na si Rina? As much as your choices suck, you're a good fighter and we need one right now."

Napabuntong-hininga ito. "Hindi ka ba... galit?"

Inip ko itong tiningnan. "Magagalit ako kapag naabutan tayo dito ng mga hayop na iyon. Naiintindihan mo?"

Alangan pa rin itong tumango pero nang tumakbo ako ay narinig ko naman ang pagsunod niya.

"Shit! Shit! Shit!" mas bumilis ang pagtakbo namin ni Feya nang marinig namin ang ungol ng mga hayop.

"Turn off your flashlight!" sigaw ko kay Feya.

Nakikita pa naman namin ang daan at naiiwasan pa naman ang ugat ng ilang malalaking puno.

"We're almost there!" sigaw ko dahil nakikita ko na ang liwanag. Nandoon na siguro ang mga tao.

"Shut up! They can hear you!" sagot niya sa akin.

Inismidan ko lang siya. Getting bolder? Parang hindi kami pinagkanulo?

Hindi na namin natatanaw sina Dep kaya baka nandoon na sila. At duda kong may gising! Kalagitnaan ng gabi!

Pero patuloy pa rin kaming tumatakbo.

"Where should we go?" tanong ko kay Feya sa kabila ng hingal.

"Just go inside someone's tent!"

"What? Pero bawal dito iyon! It's privacy!"

"Exactly! Privacy! Tasmans and the fucking Prohe won't just barge in."

Shit. Nakakapag-isip pa siya ng mabuti sa kalagayan naming ito.

Himala nalang na narating namin ang kabahayan na hindi pa rin kami naaabutan.

Ni anino nina Dep ay hindi namin makita kaya nang pumasok si Feya sa pangalawa sa dulo na tent sa kanan ay wala akong nagawa kung hindi ang sumunod.

MA-I: The Lost Ground #1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon