Kabanata 4

97 6 0
                                    


KABANATA 4: Show Me

Kins helped me adjust in Campsur, hundred times faster than I could have done by myself. Tumayo siyang Kuya ko dahil nonexistent naman iyong sa akin. Kumbaga, siya ang unang pamilya ko rito sa Campsur. Sila ni Bones. That's a big word to say knowing that I intended not to make connections.

Pero isa iyon sa hindi ko na naiwasan. Sa tingin ko ay naiwasan ko pa iyong pulis dahil hindi ko na ito muling nakita. Hindi ko alam kung nagpupunta siya sa apartment at hindi lang ako naaabutan dahil sa trabaho. Pero mas mabuti na rin kung tutuusin.

Noong matanggap ko ang unang sweldo ay nagbayad agad ako sa renta para kung dumating yung pulis at subukang magbayad para sa akin, hindi na niya magagawa. Sana doon nakuha niyang tapos na ang koneksyon namin. Hindi ko lang mabayaran yung ginastos niya sa unang renta at deposito dahil ayoko namang iwan doon sa landlady at baka hindi mapabigay. Sayang naman pinaghirapan ko. Bahala na. Baka naman makita ko siya minsan sa daan.

Si Kins ang tumulong sa aking makapamuhay sa Campsur. Kahit na sinabi ko sa kaniya na hindi ako lokal dito at hindi ako kumportableng pag-usapan ang kung anomang may kaugnayan sa pamilya o sa pinanggalingan ko, hinayaan niya ako. He never asked anything about that part of me again. Ni-respeto niya ang gusto ko.

Kaya ang ending, siya ang nagkwento sa buhay niya. Bones is his childhood friend. Pareho silang ulila at parehong hindi kilala ang tunay na mga magulang. Ang umampon sa kanila ay taga-rito sa Campsur pero tumakas sila roon kasi labis daw kung maghigpit. Doon sila nagsimulang mamuhay ng kanila. At dahil iyong umampon ang siyang nagpapa-aral sa kanila noon kaya hindi na nila natapos ang highschool.

Wala namang kaso. Wala naman ring ganoon sa Ma-i. Basta tinuturuan kang magbasa, magsulat, mag-ingles, mag-solve at alamin ang history at makinig sa mapanirang kwento, ayos ka na.

Pasensyoso ring tao sa akin si Kins dahil lahat ng tanong ko, sinasagot niya. Kahit minsan, kahit common sense, masasagot na 'yon. Pero hindi niya kailanman pinuna ang kamangmangan ko. He gladly answered everything. Na parang isa iyong kasiya-siyang gawain.

Isang buwan na ang nakakalipas. Isang buwan na rin kaming nagde-deliver ng mga padala sa mga bahay-bahay. At kahapon ang unang gabi na tumigil na ang mga naririnig kong mahinang ungol ng mga hayop. Wala na maski isa.

But I still stayed awake the whole night. Inaabangan ang kahit na katiting na tunog ng isang Tasman pero wala na talaga. I even peek on the window to see something, a faint light of black o kung anoman pero wala.

Iyon ang simula ng magandang balita sa akin. Kaya kahit walang tulog, pakiramdam ko isang linggo ang naitulog ko nang pumasok sa trabaho.

"You look..." iyon ang bungad ni Kins sa akin pagkalabas ko ng unit. Nag-aabang siya sa labas ng pinto ko na noon niya pa ginagawa at sabay kaming pupuntang terminal dahil nandoon ang four-wheeler truck kasama ang mga packages.

"Better?"

Napangiti ito sa akin. "Parang ganoon na nga." Tapos ginulo niya ang buhok. He's been doing that ever since.

Sakay kami sa kaniyang motor papunta sa terminal. Minsan ako ang nagda-drive saming dalawa dahil naturuan na niya ako. Maging iyong truck na ginagamit namin sa pagbibigay ng packages, marunong ko na ring imaneho. Hindi lang ako makakuha ng lisensiya dahil wala akong ni isang papeles. Hindi naman kasi kailangan iyon sa Ma-i. Iyon muna ang kailangan kong asikasuhin dahil mukhang magiging permanente na akong residente rito.

Napag-alaman kong pitong taon ang tanda ni Kins sa akin. Pero hindi siya nagpapatawag ng Kuya. Though iniisip noong sina Bones na may relasyon kami bukod sa turingang magkapatid, hinahayaan nalang namin. Minsan pa nga'y sinasabayan namin at nagpapanggap kaming talagang may relasyon sa harap niya.

MA-I: The Lost Ground #1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon