KABANATA 40: LeavingNapaupo ako sa tiles at hinayaang nakaharang ang sarili sa pinto. May pakialam pa ba ako roon?
Inubob ko ang aking ulo sa aking dalawang tuhod. Hinayaan ko nang dumaloy ang luhang kanina ko pa ring pinipigilan. Sapo ko ang aking damit sa aking bandang dibdib. Ang sakit ng lalamunan ko. Ang sikip ng pakiramdam ko.
Ang sakit ng puso ko.
Bahagya na akong kumalma mula sa hindi ko matukoy kung ilang minuto kong pag-iyak. Hindi ko alam na may iiiyak pa pala ako. Akala ko naibuhos ko nang lahat kanina pero hindi pala.
Basta masakit, iiyak at iiyak ka. Kahit paulit-ulit. Kahit akala mo ubos na.
Kasi ang totoo, walang ubos na luha sa durog na puso.
"You're crying again."
Dahan-dahan kong inangat ang aking tingin at bumungad si Carlos na nasa aking tabi. Mabilis akong bumalik sa pagkaka-ubob.
Now's not the right time. Hindi pa ko handang makita, makalapit o makausap siya ngayon. Hindi ko alam pero mula kanina ang dami ko nang napapansin sa kaniya!
Isang sulyap ko lang, napansin ko agad iyong maliit niyang taling sa gilid ng kaniyang labi. Makapal din ang kaniyang kilay kagaya ng kay Dep. May pagkabilugan ang hugis ng mukha ni Carlos kung ikukumpara kay Dep. Si Dep pag nakita mo, nakaka-intimidate ang hitsura lalo na kapag hindi nakangiti. Si Carlos kahit hindi nakangiti, magaan pa rin ang hitsura niya. Parang lagi mong malalapitan.
Napapikit ako ng mariin. Fuck! Bakit ko ba sila pinagkukumpara! Ano bang nangyayari sa akin? Kaya siguro sunod-sunod ang paghihirap ko. Kinakarma ata ako!
Walang sabi-sabi ay tumayo ako mula sa kinauupuan at mabilis na umalis doon. Rinig ko rin naman ang mga yabag sa aking likod hudyat na sinusundan niya ako.
Sino pa ba?
Lumabas ako ng building at walang bonfire ngayon pero nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad. Mabilis na nag-adjust ang paningin ko sa dilim kaya pasalamat pa ako't hindi pa ako nadadapa. Pero parang nakasanayan ko na nga sigurong laging nasa rover ni Dep dahil doon ako dinala ng mga paa ko. Tumigil ako nang nasa gilid na ako ng sasakyan.
Hindi ko alam kung bakit dito ako pumunta. Dahil siguro simula una, itong sasakyan lang na ito yung hindi nag-iba. Kung hindi lang nabasag ang bintana o nayupi ang pinto, buo pa rin siya.
Nanatili akong nakatayo sa gilid ng rover. Walang ginagawa.
Ito na naman.
Mabilis na naman ang tibok ng puso ko. Kanina halos gusto ko na siyang ilabas sa katawan ko dahil sa sobrang sakit. Ngayon naman gusto ko nalang siyang pigain! Hindi ba marunong mamahinga itong puso ko? Parang lahat nalang kailangan maramdaman! Pwede bang wag na siyang makaramdam. Maging puso nalang, tumibok, magbigay ng dugo, ganoon lang. Hindi ba pwedeng wala na yung mga sakit? At mga ganitong... pakiramdam na hindi naman maintindihan!
"Rina, can we talk now? I know you said some other time but I... I don't think this can wait."
'Shit.' Iyon ang unang salitang pumasok sa utak ko. Bakit ba lagi akong nagsisimula ng problema?
Hindi pa rin ako humarap. I don't want to dig my hole deeper and I don't want anymore people to dig it with me. Nakasira na ako ng hindi ko mabilang na buhay.
One more life would actually hurt.
"Okay. If you don't want to face me, it's fine. At least, listen. Pwedeng wala ka ring sabihin. I just... I just want to let this out."
BINABASA MO ANG
MA-I: The Lost Ground #1 (Completed)
FantasíaMa-i was a small town known to exist in the 14th century which was found nonexistent after a century. The people then started wondering what happened to Ma-i. Centuries after centuries, the story began to fade until no one of age remembered if Ma-i...