Kabanata 50

43 3 0
                                    


KABANATA 50: Truce

Dahil may kataasan ang pinto sa taas at wala namang hagdan, nasa dalawang balikat ko ngayon ang paa ni Feya. While Rina, without a single talk, rolled a rock over our spot. Doon siya tumuntong and she managed to lift herself alone.

Thank God walang sumalubong na Tasman sa kaniya.

"Cleared." iyan lang ang sinabi ni Rina nang makataas siya.

Nang tuluyang makasunod na rin si Feya, inangat ko rin si Ian. Mabilis ko lang din naman na naiangat ang sarili.

Nang makataas ay nakita ko na nasa isa kaming maliit na espasyo at nasa pinakaunahan si Rina, sumisilip sa tanging daan para makalabas kami.

Lumingon ito sa amin, seryosong-seryoso ang mukha. Itinaas niya ang kamay at ipinakita ang apat sa mga daliri.

Meaning, may apat na Tasman. Sakto sa amin.

Wala pa man kaming nagagawang plano ay agad na nanlaki ang mga mata ko nang lumabas na ito!

Napalingon sa akin si Feya pero wala akong panahon para paunlakan ang kung anomang komento niya. Sumingit ako at mabilis na sumunod sa labas nang narinig ko nang bumabaril si Rina.

Fuck! Sabi na nga bang hindi maganda na ngayon pa kami magkakagulo!

The four of us managed to kill the four Tasman unscratched but I just can't let this pass.

"Rina, let's talk." tawag ko sa kaniya nang akmang maglalakad na ito pauna.

Hindi pa rin ito tumitigil. "There's nothing to talk about."

Of course, hindi siya magpapatinag!

"There's something to talk about if you will continue what you are doing. We need a plan and we are all going to die before we can even get out of this cave."

Napatigil ito at hinarap ako, nagngangalit ang mga mata.

"You know what's going to get us dead? You're mouth. You're too loud, Carlos."

Nag-igting ang mga panga ko. She's not taking this seriously.

You know what? Fuck it. Mamamatay siya dito kung mananatiling ganito siya umakto. And I just can't let that happen with my watch!

"I didn't know you would take it this bad if your feelings get rejected?"

"What?!" hindi makapaniwalang sigaw niya. Pareho kaming hindi nagpatinag sa masasamang tingin sa isa't-isa.

Mabilis itong naglakad palapit sa akin, halata mong galit na galit. Pero mas mabilis na pumagitna si Feya.

"Hey! Awat muna! Masyadong mainit ang ulo niyong dalawa."

Dahil doon ay hindi tuluyang nakalapit si Rina pero kahit sa pagitan namin, ramdam ko ang galit niya.

"You have no idea how bad I can get. Tell me something more and I'll show you how." pagbabanta niya.

Nginisian ko siya. How did we turned from being soft to this?

"I don't need to see that. Ang kailangan ko ay kooperasyon sayo. We have to make a plan before we make a move. What you did earlier? That's not being brave. That's being stupid."

Napangisi din siya sa akin. "And you said you don't want to see how bad I can get-"

"Shut up!"

Naputol ang sasabihin ni Rina nang malakas na sumigaw si Feya, halata mong inis na din.

"Pwede ba? Mamaya niyo na damdamin mga galit niyo sa isa't-isa-"

Naputol ang sinasabi ni Feya nang malakas na sumigaw si Ian. Agad kaming napalingon sa likuran. Rinig ko ang singhap ni Rina pero naunang tumalima si Feya at agad na naitutok ang waterfire sa hayop na dumamba kay Ian.

MA-I: The Lost Ground #1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon