Kabanata 2

204 7 0
                                    


KABANATA 2: Samaritan

I stayed where I am for I don't know how long before I went back to my unit. Bitbit ang bigat ng dinadala ko sa dibdib. Did I just let them get what they want? Yes. Dead-on. Walang kwenta ang buhay mo, Catarina.

But what do they need from him? Sa nakalipas na mga taon, nanatili silang tahimik. Hindi sila kailanman nakikisali dito sa Campsur. Kahit kailan. Lalo pa ang manguha ng tao at magdala sa loob! Ang tanging ginawa lamang ng mga Tasmans noon dito sa Campsur ay ang hanapin ako sa loob ng isang buwan.

Isang buwan ko silang nakikitang nagpapagala-gala tuwing gabi at tila may hinahanap. From then on, I knew it's me. Pinapahanap niya ako.


* * *

Yapos ko ang bag na pinaglagyan ng aking ina ng mga damit ko. Nilibot ko ang tingin sa paligid habang nag-uunahan sa pag-agos ang mga luha ko at wala akong ginawa para punasan ang mga iyon. Tutulo at tutulo lang din naman sila. Gaano ako ka-walang kwentang anak? Nakalabas nga ako ng Ma-i pero iniwan ko naman ang aking ina. Paano ko siya nagawang iwan sa loob kasama ang problemang iniwan ko? Paano ko nagawa? Nakakahiya ako.

Mas lalo lang akong nangulila nang puro nagtatayugang puno ang tumambad sa akin pagkalabas ko. Walang bakas ng Ma-i. Wala ang aking ina. Wala kahit ano kundi ang mga tuyong dahon na aking inaapakan at wala akong makitang maaari kong tuluyan. Ni hindi ko alam kung magandang ideya ba na lumabas ako gayong hindi ko rin naman alam kung saan ako pupulutin.

Sinunod ko lang ang mga paa ko kung saan ako dalhin. May nakikita akong maliit na puting liwanag sa malayong unahan kaya roon ako tumungo. Habang papalapit ay mas nakikita ko ang pinagmumulan ng liwanag na iyon.

Napaawang nalang ang mga labi ko nang tuluyang makalabas sa kakahuyan at isang malawak na kalaparan ang tumambad sa akin. Hindi na rin malayo ang sunod-sunod na bahay na siyang natatanaw ko ngayon.

Napalunok ako.

How am I supposed to start living here? Ni wala akong kakilala. Tanging mga masasamang kwento pa tungkol dito sa labas ang dala ko papunta rito. Saan ako pupulutin?

Dala ang aking pagkabahala, wala akong nagawa kung hindi ang maglakad pauna, patungo sa kabahayan. It's either move forward or go back, ituloy ang Ceremony at piliting mabuhay pagkatapos noon. Napaismid ako. It's not even an option for me.

Dumiretso ako sa sementadong daan habang purong bahay ang nasa magkabilang gilid na may matatayog ding pader. Awang ang labi ko habang nililibot ng tingin ang bawat bahay. Gumilid ako at dumaan sa sidewalk habang may ilaw mula sa buwan at mula sa mga nagtatayugang poste.

Mukhang hindi pa malalim ang gabi dahil sa may nakakasabay pa akong naglalakad sa kabilang sidewalk at may bukas pang mga tindahan habang may mga taong nakaupo sa harap noon.

I don't know what I would do without the education from Ma-i. The physical world outside Ma-i is just as what Teacher Mayet described. Ang iba lang, may lahok na puro gulo at masasamang kwento ang naibahagi sa amin. So far, I haven't seen anything yet.

Sa mga kwentong tila may paninira, hindi na ako magtataka kung may impluwensiya ang Prohe kay Teacher Mayet. Kahit mukhang diskonektado ang Ma-i sa mundo, hindi naman pinagkait sa amin ang malaman ang kung anong mayroon bukod sa teritoryo namin mismo. The reason behind that? I have no idea. Ikinapag-papasalamat ko na lamang ang anomang rason sa likod noon.

MA-I: The Lost Ground #1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon