Kabanata 51

47 3 3
                                    


KABANATA 51: Submission

Rinig ko ang pagbuntong-hininga ni Rina dahil sa tanong ko. She remained silent for a couple minutes before I heard her speak.

"I'm at fault, Carlos. Naisip ko na kasalanan ko naman lahat, bakit ako mandadamay ng ibang tao? Bakit ko hahayaan na iyong mga inosente ang sumagot sa lahat ng kasalanan ko? It would be unjust, right? Naisip ko, I can try to appeal to Prohe. Na ako nalang aako ng lahat. Alam naman natin ang galit niya sa akin, he would be so thrilled na ako na mismo ang lumapit sa kaniya because he knows, Carlos. He knows I would never do that. After years, isusuko ko iyong sarili ko? No. Hindi ako ganoon eh pero we both shocked ourselves. Hinarap ko siya at sinabi ko ako ang maga-anak sa lahat ng mga Tasman niya."

Nakita ko ang pagpapahid niya ng luha. Nag-igting ang mga panga ko.

Hanggang kailan ba niya papahirapan ng ganito ang sarili niya? Hanggang kailan ba siya masasaktan ng ganito?

"Hindi ko akalaing kaya ko din palang sabihin iyon. I was so ready, Carlos. Isinuko ko na ang lahat eh. Ipapaubaya ko na ang lahat pero..." huminga ito ng malalim.

"Pero... nakita ko iyong kalagayan ng ibang tao sa Campsur, Carlos. Kita ko sa mga hitsura nila ang dinanas nila habang wala ako. Kita ko sa resulta ng mga nagpakamatay sa kanila dahil nabuntis. Napansin mo bang puro lalaki nalang ang natira?"

Tumango ako doon at hindi umimik. Iyon pala ang dahilan kung bakit puro lalaki nalang ang natira sa mga taga-Campsur. Pinigilan kong magpadala sa emosyon.

This is not about me now. This is about Rina.

Hinayaan ko lang siyang sabihin ang lahat ng gusto niyang sabihin. Kinimkim niya ito ng matagal. Gusto ko siyang tulungan sa mga dinadala niya pero ang tanging magagawa ko lang ay makinig. So, I'm lending both my ears to her.

"They managed to live. They chose to live, Carlos. Pero alam ko rin na iba na. Kagaya ni Ian. He's living pero iba na. Naranasan niya ang lahat ng nararanasan niya ngayon dahil sa akin. At ngayon, dinadala na ni Ate Rosa ang anak nila ni Kuya Gugo. Alam ko masaya sila para sa biyaya pero alam ko din na hindi sila lubos na magiging masaya dahil hindi dapat eh. Alam mo ba na magpinsan sila?"

Umiwas ako ng tingin kay Rina doon at ginaya siyang nakatingin nalang ngayon sa taas.

I didn't know that pero may hinala ako. Alam ko naman na ganoon ang nangyayari dito sa Ma-i. Nang malamang pareho silang galing sa Ma-i, naiisip ko na din. Pero kahit nandiyan na, kapag mahirap tanggapin, pinipili talagang huwag nang paniwalaan.

"And then I changed my plan. Wala akong karapatang sumuko. Wala akong karapatang iwan nalang sa kung nasaan mismo ang lahat. Dapat may gawin ako para sa mga taong sinaktan at inagrabyado ni Sonce. Kasi kung hahayaan ko lang at wala akong gagawin, mauulit at mauulit lang ang lahat."

"Kaya humingi ako ng tulong sa mga tao sa Ma-i at doon ko nalaman ang matagal ng sinisikreto ni Kuya Gugo. Nagawa kong maitakas ang natitira sa mga taga-Campsur. Paunti-unti sa tulong ng mga taga-Ma-i. Kaya alam nila ang lahat ng nangyayari ngayon. Isa sila sa may pinakamalaking naambag para maligtas kami kaya mas naging desidido ako na tuluyang baguhin ang Ma-i. Dahil ang mga tao dito, Carlos? Hindi nila deserve ang ganoong klase ng Prohe. Hinding-hindi."

Hinagip ko si Rina gamit ang aking braso at pinalapit siya sa akin. Siniklop ko siya sa isang yakap at naramdaman ko ang pagsusumiksik nito sa aking dibdib.

Huminga ako ng malalim.

"Anong plano mong gawin? Paano mo tuluyang matutulungan ang Ma-i? May plano ka ba para sa Prohe?"

Ramdam ko ang pag-iling niya. "Wala pa akong naiisip na mabuting gawin."

Tumango ako. "Ano bang gusto mong gawin sa Prohe, Rina? Gusto mo bang makulong lang siya? Masaktan? O..." hindi ko tinapos iyon pero alam kong alam niya ang gusto kong sabihin.

MA-I: The Lost Ground #1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon