KABANATA 18: InsiderLampas kalahating oras na akong naghahanap at mayroon akong dalawang pinapagpipilian. Halos magkalapit lang din kaya hindi ako makapag-desisyon. Hindi ko maalala kung doon ba ako lumabas sa isa o dito sa nasa harapan ko ngayon.
Trees around are no help. Halos pare-pareho lang din. Idagdag pa na apat na taon na ang nakalipas. Paano ko pa maaalala? I even doubt I look around before because for sure, ang tanging naiisip ko lang noon ay tumakbo palayo.
So, instead of just knocking on the land, I start digging.
After another long minutes, I was basically gaping. Tama ang sinimulan ko! Pinunasan ko ang pawis na tumutulo sa aking mukha dahil sa ginawang paghuhukay kahit na mahangin naman talaga. Mabilis ang tibok ng puso ko sa halong kaba at galak habang sinisilip mula sa aking kinaluluhudan ang ginawang daan.
Bukas na bukas pa!
Ibig sabihin, hindi ito nalaman ni Sonce. Pero anong ginawa ni ina? Is she really okay? Siguradong nagsinungaling siya. Nalaman kaya ni Sonce? Naparusahan ba siya? What about now?
Ghad, all these worries. Please let all these be worries and just that. Sana'y hindi siya pinahirapan o anoman. Dahil hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
Inayos ko ang sarili. One problem at a time, Catarina.
Naglipon ako ng dahon para ilagay sa kitang-kitang butas. Dati kasi ay nagagawa kong maitaas-baba ang lupang harang sa butas pero dahil hinukay ko dahil hindi ako sigurado, nasira ko rin iyong harang.
Nang kasingtaas na ng dahon ang lupa ay una kong pinasok ang aking bag sa loob. Sumunod akong gumapang pauna at bago dumiretso ay pinatas ko uli pataas ang mga dahon na kinuha gamit ang paa. Mahirap pero kaya.
Kailangan ko lang siguraduhin na hindi ako aabutin ng sikat ng araw dito. Or I'm dead. Kung normal na araw ito sa Ma-i, wala masyadong Tasman ang gising. Dahil kung normal, wala masyadong ipag-uutos si Sonce.
Gumapang ako gamit ang dalawang tuhod at kamay habang nasa unahan lang ang bag. Ang problema ko nalang ay ang paglabas ko mismo sa loob ng tent namin.
Tent pa rin naman siguro ito ni ina hindi ba? Dahil kung hindi, dapat ay nakita na ang ginawa kong hukay at nasabi na agad kay Sonce. Pero narito pa rin ang hukay na ito kaya baka sinwerte pa ako.
Nang marating ang kabilang dulo ay ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso. Hindi ko sigurado. Takot. Excitement. Naghalo-halo na. Hindi ko alam ang madadatnan ko kaya hindi ko mahanap sa sarili ang tuluyang maging masaya na makabalik ako at maaaring makita si ina.
Huminga ako ng malalim. Don't get too ahead of yourself, Catarina. This is a one shot plan. If you failed, there's no more chance.
Tinulak ko nang bahagya ang taklob na harang at namangha nang walang nagbago roon. Madulas pa rin at hindi gumawa ng ingay. Tinaas ko lang iyon ng kaunti at sumilip.
Parehong gamit. Ang mga lalagyan ng damit ay nandoon pa rin sa may kanan. Ang maliit na lamesa na lagi ko pa noong pinagsusulatan ay nasa tabi lang noon.
Ibig sabihin, tent pa rin namin ito! At ang natutulog sa kama na nasa itaas ko ngayon ay ang aking ina.
Pinigil ko ang sariling gumawa ng kahit anong ingay. Aaminin kong sa gitna ng takot ko, masaya akong makabalik!
Hindi ko naman sinubok noon, hindi dahil sa wala akong lakas ng loob, kung hindi dahil sa alam kong hindi ako handa. Walang kasiguraduhan ang pagbabalik ko dito dati, kung sakali. Wala rin akong gamit. Pero ngayon, may tumutulong na sakin. Isa pa, ngayon kasi mas maraming nakataya. Hindi lang ang aking ina. Si Ian pa at ang plano ko kay Sonce.

BINABASA MO ANG
MA-I: The Lost Ground #1 (Completed)
FantasíaMa-i was a small town known to exist in the 14th century which was found nonexistent after a century. The people then started wondering what happened to Ma-i. Centuries after centuries, the story began to fade until no one of age remembered if Ma-i...