̶̶̶̶  «̶ ̶̶̶ ̶ «̶ ̶̶̶  CHAPTER 2  ̶ ̶ ̶»̶ ̶̶̶ ̶ »̶ ̶̶̶  

1.4K 81 1
                                    

✧──────✧₊∘───※ ·❆· ※───∘₊✧──────✧

"Lolo! Aalis na po kami, magiingat po kayo dito" saad ko kina lolo at yinakap ko sila isa isa ng mahigpit. 

"Jude, kayo na bahala dito ha" saad ko sa pinsan ng matapat ako sakanya bago yinakap. Tumango lamang ito sa akin at tila napilitan pang yakapin ako pabalik. Sungit! 

"Let's go sisters!" pagaaya ko kina Crest at Ivy, masaya naman na lumapit sakin ang dalawa.

Gumawa ako ng malaking water ball para sa aming tatlo, syempre maglalakbay kami patungong luzon at mas tipid kesa sa sumakay kami ng eroplano o kaya barko.

Isa pa, ang mga ganoong uri ng transportasyon ay madalas ginagamit na lamang para sa mga taong walang abilidad. 

Pangalawa, makakailang sakay pa kami bago makarating ng luzon kung pambuplikong sasakyan ang gagamitin namin, at least ito short cut at tipid, kuripot kasi ako.

Tsaka nakalimutan kong sabihin, noong taong may pandemya, nagkaroon ng malakas na paglindol na dahilan ng paggalaw ng mga lupa at isang himala na hindi na kalat kalat ang lupain ng pilipinas. 

Naging isang buong malaking lupain ang luzon, ganoon din sa visayas, sa mindano at spratly, but! B I G B U T! napapalibutan pa din ng katubigan ang bansa.

Every Land has a boarder, a very tall thick wall separating each major lands at may mga bantay doon. Ito pa, ang hukbong sandataan ng Pilipinas ay nahahati na sa apat. Army, Navy, Air force and lastly, Phantom Knights. 

Normal people who dream of being a soldier could still join the military. But only a few selected people with the ability could join Phantom Knights. 

And I'm dreaming and aiming to join the said Military force.

Feels like special force to me, mga secret agent ganun ba.

Tapos mga suot ay hapit sa katawan na itim tapos leather and shiny with super-duper bongga na boots tapos abot halos hanggang tuhod.

Mapapakanta ka ng booty so big! Lord, have mercy. Why I keep bossing like I do? tapos kembot kembot ka pa habang naglalakad, di ba kabaklaan lang alam.

May ilang araw pa naman bago magsimula ang pasukan sa akademyang papasukan namin. Marahil nagtataka kayo, bakit pa kami nagabala para pumunta sa Luzon upang magaral, baka akala ninyo walang paaralan sa Mindanao. 

Syempre meron, only two schools each land. One for people with abilities and One for non-magic folks. So basically, malalaki ang bawat school. 

Ngayon baka tanong niyo naman bakit sa luzon pa kung meron naman pala sa mindanao.

Ang sagot ko diyan, wala kayong pake, sa gusto ko eh.

Kidding aside, well that was on purpose for some reason.

Like family matters?

Tsaka di ba nga, its nice to move out from your comfort zone daw, pero lalandi lang talaga ako kasi hindi bantay sarado ng magulang, ay wala pala kami nun.

Wala na kaming magulang, sabi ni lolo namatay (pinatay) sila, tinutugis kasi noon ang aming lahi, hindi ko alam kung bakit ,marahil sa inggit,

so ayun nga, ulila na kami halos pero yung iba naming pinsan ay may mga magulang pa, nakatakas sila nina lolo kasama kami pero iilan na lamang kami sa aming angkan.

Kumbaga sa hayop, kami ay endangered species.

Wala na din kaming ginagamit na apleyido.

After four decades fighting and hiding for survival , hinayaan na kaming mamuhay ng payapa, ngunit ang turing saamin ay outcast, kung kaya wala na kaming apleyido, inalisan nila kami ng karapatang gamitin ito, isa sa mga kondisyon kapalit ng kalayaan.

Tale of Outcast: Fallen GiantsWhere stories live. Discover now