Chapter 4 - A NIGHT OF MIND BUGGLING FEELINGS

32 5 0
                                    

Astral's POV
"I'm home!" Masayang masaya akong sinalubong ni Alamid, ang baby ko. Niyakap n'ya ako nang makita n'ya ako.

"Kumain ba s'ya ng madami?" Tanong ko sa yaya n'ya.

"Opo."

I smiled. Nilagay ko 'yung bag ko sa kwarto and I visited the office of Mom upstairs.

"How's school?" Hindi s'ya tumitingin sakin dahil sa mga papel lang s'ya nakatingin.

"Ma, I saw Travis." Bigla akong pinansin ni Mama nang banggitin ko ang pangalang kulang nalang ay isumpa n'ya noon.

"So he's back?" Seryoso n'yang tanong pero ngayon ay ibinalik na n'ya ang kanyang tingin sa mga inaayos n'yang papel.

"Ma gusto ko parin sya," nakatungo ako nung sinabi ko iyon. Agad niyang hinampas 'yung table at tumayo.

"Tapos ano? You'll make a kid again? Remember Astral you're only 16 when he got you pregnant tapos ngayon sasabihin mong gusto mo parin s'ya? Are you out of you mind?" Then suddenly tears fell from her eyes.

"Ma may tatanong sana ako." Sabi ko at dahil wala akong nakuhang sagot sa kanya ay  pinagpatuloy ko nalang ang pagsasalita ko.

"How old are you when dad got you pregnant?" I asked kahit alam ko naman ang sagot.

"Bakit hindi ka makapagsalita?" I started crying.

"16 also right? Eh bakit ka nagagalit sa 'kin na parang hindi naman nangyari sa'yo?" Mahinahon kong tanong.

"Thats why I'm preventing you from the mistake I've done!" She answered while wiping her tears.

"So sinasabi n'yong bunga ako ng isang kamalian?" Tanong ko.

"Of course not you're just made from a wrong time and a wrong person!" She put her gaze to her papers again.

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

Catherine's POV
10% nalang ang cellphone ko, I sh-shut down ko muna sana pero bigla nalang tumawag si Charles. At dahil marupok ako, agad ko itong sinagot.

"Par, san ka ngayon?" Malungkot ang pagkakatanong n'ya niyon.

"Wala akong panahon para sa mga babaeng pinapaiyak mo." Sagot ko.

"Par, puntahan mo naman ako sa rooftop." After that he hang up the phone. Nag eksaktong 1% na ang cellphone ko nang putulin n'ya 'yung tawag.

Pinagiisipan ko pa kung pupunta ako o hindi pero ang disisyon ko ay pumunta. Ang bagal ng elevator kaya naghagdan ako. Ang payat payat ko nanga nagloose pa ako ng weight dahil sa pag akyat ko. I was sweating when I reached the rooftop. Hinihingal pa ako. Nakatayo s'ya sa corner habang pinagmamasdan ako. Agad s'yang ngumiti. Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko nang makita kong naningkit ang mga mata n'ya dahil sa pag ngiti, agad akong lumapit sa kanya. Ano bang meron sa lalakeng 'to? 6:30 PM na, naggugulo pa.

"Kung gusto mo magpasama para magpakamatay, 'wag ako." Hindi ako tumitingin sa kanya. Hinayaan ko lang lipadin ng hangin ang buhok ko.

"Ang ganda mo," hindi ko namalayang nakatitig na pala s'ya sa akin. Napangiti ako nang sabihin n'ya iyon. Maya maya ay bigla nalang n'yang pinunasan ang pawis ko sa noo gamit ang panyo n'ya.

Ohhh pano magpigil?

Bigla kong tinabig ang kanyang kamay.

"What are you doing?" Napatingin na ako sa kanya at ganon din s'ya sa 'kin.

"In case you don't know, it's what you called pagpupunas ng pawis," bigla akong natawa.

"Of course I knew that pero bakit kaylangan mong gawin iyon?" He shrugged his shoulders.

PhiliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon