Chapter 35 - A MOTHER'S LOVE

14 2 0
                                    

Catherine's POV
Hindi pumasok si Eprumtt, Khairo at Jonathan ngayon at madami ang naintriga sa nangyari sa tatlong iyon.

Narinig din namin na hindi na daw tuloy ang kasalan nila. Ambilis talaga kumalat ng balita. Although we can't prove that yet, we are hoping that Eprumtt will be fine.

'Yun lang ang iniisip naming magkakaibigan ngayon. She went through hell, gaano kaya kahirap ang mahimatay at madala sa clinic dahil sa sakit mo sa puso? I didn't know the feeling but I don't want to experience it.

Nasa court kami ngayon ni Charles. It's lunch time and he is currently practicing basketball, wala eh nagpapalakas daw.

Nakaupo lang ako dito sa bleachers habang pinapanood ang mga hindi na shoot na bola ni Charles. Nakakaboring dito pero as a supportive girlfriend, kailangan nandito ako para suportahan ang napaka hindi magaling magbasketball na mahal ko. HEHE sorry, love.

Habang tinititigan ko si Charles ay nagulat ako nang bigla nalang may tumabi sa 'kin. She sat so feminine.

I rolled my eyes as I saw the face of Jane watching Charles playing basketball. Lalo pa akong naiyamot nang inilapit niya pa ang katawan niya sa akin up to the point na, na-out of balance ako at muntik nang masubsob ang mukha sa bleachers. Aba matindi!

"Nang-aasar ka ba?" I looked at her as I crossed my arms.

She shook her head. "Hindi naman ako nagsasalita ah," ngumiti pa siya ng nakakaasar.

"Ang gwapo ng boyfriend mo noh?" Napakunot ang noo ko sa selos.

"Ano ba? Just get out of here, aagawan mo pa ako ng boyfriend eh bahagya ko na nga siyang makuha!" I pouted.

Yuck! Nadidiri ako sa pinagsasabi ko. Medyo napalakas pa ang boses ko kaya narinig ni Charles ang kabaliwang sinabi ko.

"I'm not doing anything." Nagkunwari siyang patay malisya. I stood up and faced her.

"May gusto ka ba sa kanya?" Masinsinang kong tanong. Pinagpatuloy lang ni Charles ang paglalaro niya ng basketball. Samantalang ito namang nasa tabi ko ay nagkunwaring nag-iisip.

"Hmm pag sinabi ko bang oo maghihiwalay kayo?" Bigla umusbong ang isang ngiti sa labi niya. Lalong napakunot ang noo ko.

"Of course not! Alam mo nakakainis ka na eh, pwede bang umalis ka muna sa harapan ko? Nakakabadtrip kasi makita 'yang pagmumukha mo!" My voice is so chill but my bratty attitude was shown. She just pretended that nothing happened, that I didn't say anything.

She just continue to watch Charles. I hit my face with my hands.

"Arghhh." Padabog akong lumabas ng closed court namin at agad na nagpunta sa swimming pool area. I don't know why I decided to go here but I think that is the quiet place to ease my anger. I sat on the tiles near the pool as I held my legs. Ni hindi man lang ako pinigilan ng boyfriend ko! Talagang basketball lang ang inaatupag niya! Nakakunot pa din ang noo ko sa sobrang inis.

Gusto kong murahin si Jane ng paulit-ulit pero hindi ko magawa. Nagulat na naman ako nang biglang may tumabi sa akin. Natanggal ang paghawak ko sa legs ko sa pagkabigla. Akala ko si Jane na naman, si Instructor Lessandra lang pala.

"Oh bat andito ka?" Nasa pool lang ang tingin niya. Napalunok ako ng ilang beses bago sagutin ang tanong niya. She sounded so authoritative and respectful. I sighed.

"Wala po, pasensya na po, ito lang ang alam kong place na walang makakakita sa akin, mali pala ako." I bowed as I realized what I've said.

"Madaming estudyante ang tulad mo, they go here to be alone but they didn't know that this place is also my get away place whenever I'm sad," napatingin ako kay Instructor Lessandra. Halata sa boses niya ang pagkalungkot. The feeling of emptiness was felt from her voice.

PhiliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon