Chapter 41 - SORRY

11 1 1
                                    

Cassandra's POV
"Pupunta ako kay mommy," sagot ko sa tatay ko nang tanungin niya ako kung saan ang punta ko ngayon.

Today is Monday and it's holiday.

"Bakit ka pupunta doon?" I looked back at him when he asked those.

"Nakakaboring dito, mas gusto ko pumunta doon." I answered.

"Madumi at makalat ang bahay doon, 'wag ka ng pumunta." Dad warned me.

"I don't care." Sabi ko at tuluyan ko nang binuksan ang pinto palabas ng bahay. Sumakay na ako sa kotse ko at agad itong pinaandar.

When I met my mother which happens to be Instructor Lessandra, we talked after my class has ended but it didn't take that long because I have to go back to daddy's house after that. That time, she also told me their hometown and the place where they are staying right now and I am heading that way. Pinasok ko ang kotse ko sa isang marikit na daanan. I saw the shocked faces of the people as they saw my car. I parked the car besides my mother's house.

"Ohh bakit andito ka?" Gulat na tanong ng nanay ko pagkababa ko ng sasakyan. People began to gather in our place.

"Aba mare, nakakuha kana pala ng AFAM, anak ba ito niyon?" Rinig kong tanong ng isang babae na parang nasa 40s na at naka rebond ang buhok. Ang dami ring mga batang naglalaro at mga tambay ang napadpad dito.

"Hindi mare, totoo kong anak ito," Instructor Lessandra took my shoulder as she pulled me closer to her.

"Ayos, ang ganda ah, ang ganda rin ng kotse," nakangiting pahayag ng isa pang babae bago niya ako tingnan at ang kotse ko. Pupunta na sana ang isang bata papunta sa kotse ko nang pagbawalan siya ng nanay ko.

"Naku Kiko, mahal iyan baka magasgasan mo." Mother carried the boy.

I saw that she gave the boy to a girl that I'm assuming is as young as I am, may itsura siya pero hindi siya nakaayos, hindi katulad ko na todo ayos ng damit at makeup ngayong araw. Tiningnan ko ang buong paligid. May ilang binata na kinindatan ako. Meron ding nagbubulungan kung gaano sila na aamaze dahil maganda daw ako.

"Tara na anak," Pagyaya sa akin ng nanay ko. Agad ko iyon sinunod at agad na akong pumasok sa bahay.

I can see the big difference between their house and daddy's house. Sobrang layo nito sa buhay na kinagisnan ko.

Tiiningnan ko ang buong bahay nila, may butas ang ibang bahagi ng bubong at hindi gaanong kalaki ang buong lugar. Wala din silang second floor hindi tulad ng bahay ni daddy. Nang makita ng nanay ko na tinitingnan ko ang buong bahay nila nang hindi nagkokomento ay bigla siyang lumapit sa akin.

"Naiintindihan ko na kung bakit ka itinakas ng tatay mo." I looked at her serious face.

"Kasi gusto ka niyang bigyan ng buhay na kinagisnan niya, maganda nga naman at hindi na kita nakuha sa kanya kundi, kailangan mo magtiis sa ganitong lugar." She continue.

"Sorry because for 18 years, you have to live without knowing your mother, I'm sorry that I'm not there whenever you needed a mother that will guide and support you, sorry." She apologized. I just smiled at her.

"It's okay, ang importante ay nandito ka na." She smiled.

"Pwede ko po bang itanong kung bakit ho kailangan akong itakas ng tatay ko?" She smiled before she bowed.

She held my hand and dragged me to their bedroom where I saw an electric fan. She offered me a seat before she turned on the fan.

"I'll tell you the truth," panimula niya.

"Noong nakilala ko ang tatay mo, sa club iyon." I smiled.

"Noon ay sinabi niyang mayroon silang mga resorts, I told him that time that I can swim and he told me that he liked me because of my talent." Napatungo na lang siya nang ipagpatuloy niya ang kwento.

PhiliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon