Chapter 37 - ALLIANCE

13 2 0
                                    

Brianna's POV
Pinapunta ako ni mommy sa grocery para mamili ng pinapabili niya. When I was about to enter daddy's car, I saw a bar nearby.

I am in a depth which I don't understand myself by now. Dahil sa letcheng love na 'yan, 'yan lang pala ang makakasira sa isang Brianna Maxine R. Vienas.

I put my brown bags at daddy's car. Hiniram ko muna ito para makapuntang grocery store. After that, I found myself entering the bar I saw awhile ago. So many lights and loud sounds welcomed me. Dahil sa love na sinasabi nila ay hindi na ako makapag focus sa pag-aaral ko. Love is truly a distraction.

Well, pwede itong maging inspiration but once you got hurt by it, I don't think you'll see love as an inspiration anymore, instead you will see it as a fucking asshole bafflement and a disturbing feeling that you don't want to feel anymore. Yes, that's what I feel right now. Napaupo nalang ako dito sa countertop. I ordered some tequila, wala lang, feel ko lang mag-inom ngayon. I looked at my right side nang ibigay na ng bartender ang order ko.

"Don't drink that," sabi pa nung lalakeng nasa kanan ko.

"Pake mo?" Maarte kong tanong.

"Walang maghahatid sa 'yo pag nalasing ka." Sabi pa niya. Naka ubob siya sa countertop kaya hindi ko makita ang mukha niya pero ang hugis ng katawan niya ay medyo familiar.

Maya-maya ay bigla na niyang inangat ang mukha niya at nagulat ako nang makita ko ang haggard na mukhang hindi pa naliligo na mukha ni Jonathan.

"Bakit andito ka?" Tanong ko. Mukhang marami na siyang nainom ngayon.

"Ma'am, actually po kahapon pa siya nandito, ang sabi lang niya ay babayaran niya daw ang buong bar basta payagan lang siyang mag stay dito kahit kelan niya gusto," biglang nagsalita ang isang bartender.

"Sinisira mo ba buhay mo?" I smirked.

"Oo," he answered.

"Hindi pa katapusan ng mundo," sabi ko. Suddenly, he showed me a video clip on his cellphone from youtube. I was shocked when I watched the video. It was him kneeling on the ground when Khai and Eprumtt ran away.

"Ohhh,"

"Ngayon sabihin mo, hindi pa ba katapusan ng mundo ko? Kung 'yung tinuturing kong mundo ay kusang umalis palayo sa akin?" Bigla nalang may tumulo na luha sa mga mata niya. Hindi ko inaasahang may ganito siyang side.

"Bakit kasi ngayon ka lang? You were already late, kung sinabi mo kasi sana na gusto mo siya noon palang eh hindi naman 'yan mangyayari sa 'yo ngayon." Lakas ko mag advice pero sarili ko hindi ko matulungan. He was speechless for a moment. Well, ano pa nga bang masasabi niya eh tunay naman 'yung sinabi ko.

"It's like you're telling that to yourself," I looked at him as he said those.

"Pwede, but I don't think it's applicable because since then, I'm already the loser. Wala eh, noon palang naman gusto na niya ang best friend ko." Nilagok ko ang tequila sa shot glass.

"Sabing wag inumin eh." He looked at me angrily. 'Yan ang kilala kong Jonathan, nakakatakot.

"Ang drama mo, I didn't know that you have a side like that. Ang alam ko kasi puro aral at libro lang ang inaatupag mo," mahinahon niyang pahayag.

"Akala ko nga rin eh, akala ko, isa na akong batang mabait na nagsusunog ng kilay para mapasa ang lahat ng subjects but I was wrong. Kahit ano palang sabihin mo na hindi ka magkakagusto at pag-aaral lang ang aatupagin mo, pag na in love ka, in love ka and you can't do anything about it." Malungkot kong pahayag.

Sobrang drama ko these past few days and I can't believe that I turned what I am right now. I can't believe that I'll cry for a boy. Tsk stupid, stupid love.

I looked at Jonathan seriously.

"Bakit hindi nalang maging tayo?" I asked him. Napakunot lang siya ng noo at agad na tinawanan ang sinabi ko.

"Ayoko nga!" Pag-angal niya. Damn it! bakit bigla-bigla nalang ako nagtatanong ng ganon? I was about to order another tequila again when Jonathan spoke.

"No," I gave him a death glare.

"You are not in the position to stop me from whatever I want to do!" I almost shouted but he just smirked.

"Wag nga," he looked at me dizzily but seriously.

Imagine you have a boyfriend who refrains you from drinking alcohol. Tsk Bri, puro ka nalang boyfriend mag-aral ka nga muna!

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

Bigla nalang nag iba ang music. From rock and roll to a sad song.

🎶PARANG TANGA KAUSAP ANG LANGIT AT BUWAN
NAGHIHINTAY NA MAY'RON SA GITNA NG KAWALAN🎶

"Sino ba ang DJ dito, ang pangit ng taste ng song na pinatutugtog niya," reklamo ko.

"I'm the one who suggested that," sabi ni Jonathan at napatingin pa sa DJ na nagpatugtog noon.

"The DJ?"

"No, the song." Sagot niya. I rolled my eyes.

"Corny mo," singhal ko.

" Mas corny ka." Sabat niya. Aba nakakainis to ha!

"Medyo naoffend ako don,"

"Edi maganda." I rolled my eyes when he said those.

Ito na naman siya sa pagiging gago at pagiging walanghiyang Jonathan niya.

"I want you to be my ally," I looked at him when out of the blue he said those.

"Ano?" Naguguluhan kong tanong.

"Para saan?" I continue.

"Gusto mo si Khairo Ricablanca, right?" He slowly looked at me. Lalo lang napakunot ang noo ko.

"Oh ano ngayon?" Tanong ko.

"Let's help each other para paghiwalayin sila." He said sincerely. Lalong napakunot ang noo ko at agad na napangiwi.

"Mukha kang elementary, Jonathan," I chuckled.

"Bakit, hindi ba ikaw?" Seryoso niyang tanong. I took a deep breath.

"Nakakainis ka, alam ko na ngayon kung bakit mas pinili ni Eprumtt si Khai kaysa sa 'yo," napahawak ako sa bibig ko. Sorry pasmado bibig ko.

Patay na nagalit na si boss.

He came closer to me.

"Oo na, oo na," I said as I close my eyes.

"Yan ang hinihintay ko, ang dami mong sinasabi eh papayag ka rin naman." He smirked.

"But first, you need to fix yourself," I crossed my arms as I said that.

"Hindi na ba 'ko pogi?"

I raised a brow.

"Hindi," I shook my head.

"Gago." Mura niya.

"Gago ka den." I looked at my cellphone and I was shocked when I saw that I am here for almost 30 minutes already.

"Fuck, I need to go home!" I rose from my seat and when I was about to run away from Jonathan, he held my hand. Agad naman akong napatingin sa kamay ko na hinawakan niya.

"Tinakbuhan na nga nila ako, pati ba naman ikaw?" I looked at his sad eyes. 'Yung mata niya na parang matapang pero bibigay na.

"Jonathan listen, I need to go home, fix yourself and go to school tomorrow, wag mong pakitang nasaktan ka. Be strong, that's your personality. We'll talk about your plans tommorow, okay?" I smiled. A real one.

"Please Jonathan, kung gusto mong makuha si Eprumtt, 'wag mo 'tong gawin sa sarili mo," I said seriously.

Narealized ko ngayon na hindi dahil hindi ka nagustuhan ng taong gusto mo ay ititigil mo na ang gusto mong gawin. Don't let that bring you down, instead fix yourself and change, change for the better. Don't change for them but change for yourself.

PhiliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon