Chapter 51 - REVELATION OF V.R.A.D

22 3 0
                                    

Astral's POV
Nagising ako sa isang building na parang office ng mga secret agents. Ang ganda ng paligid, para itong lungga ng mga agents sa mga pelikula.

Nagkalat din ang mga lalakeng nakaitim na parang walang pake sa akin. Madaming naglalakad dito na parang multo lang ako dahil parang wala naman silang pakialam. Bigla ko tuloy naalala nang bigla akong patulugin ng mga lalaking humigit sa akin papuntang van.

Ang sakit ng ulo ko ngayon. Agad kong tiningnan ang mga katabi ko. I was shocked when I saw my friends lying around with me. Our hands are tied but our feet are completely free.

Bigla ko nalang nakita ang mga lalakeng dumukot sa akin na ngayon ay nakangisi. Ako lang ngayon ang gising sa mga kaibigan ko. Bakit nila kami pinagsama-sama dito? Anong pakay nila sa amin? May nakaaway ba kaming lahat na kilala nila? Nakikita ko ngayon ang mga mukha na kapwa hindi ako pamilyar. Hindi ko sila kilala maliban sa isa, si Red. Nakita ko ang malungkot at maamong mukha ng kaklase naming si Red.

They are all topless showing their abs but some of them don't have any. May mga nakatalikod din. Nakita ko ang logo na matagal na naming hindi malaman kung ano. It started when Agatha showed us a picture of a logo that were stabbed on her grandmother's chest and that logo is exactly what I'm seeing right now, the logo that were tattooed bellow their nape. I think this tattoo is the exact tattoo that was seen by the grade 10 student that were rescued by Charles and Cath. Bigla akong sinalakay ng kaba nang marealized ko kung ano ang ginawa sa babae.

Sinabi ni Cath na puro pasa daw ang babae at halos magahasa daw ito. I looked at myself, wala pa namang pasa at mga sugat ang katawan ko. I just hope that they won't do anything stupid to us. I am scared looking at their smirked faces and it makes my whole body to tremble.

Katabi ko si Hope ngayon at ramdam na ramdam ko ang pagtunghaya niya. Bigla siyang humarap sa unahan at tinuro ang lalakeng ngayon ay naka puting maskara.

"You! White Mask Guy, ilabas mo 'yang mukha mo!" Kitang-kita ko ang panginginig niya.

Her voice is also trembling.

"Ikaw, Glaucous!" Bigla ko nakita ang pagpalit ng emosyon niya. Tumingin siya sa paligid at nakita niya ako at ang mga kaibigan ko na nakatali at 'yung iba na wala pang malay.

"Ano na naman 'to? Bakit pati mga kaibigan ko?" Halos magiyak-ngiyak niyang tanong. She took a deep breath before she looked at me.

"Sila ba ang kumuha sa inyo ng kuya mo noon, Hope?" Mahinahon kong tanong pero grabe na talaga 'yung kaba ko.

She just nodded before she closed her eyes.

"Damay-damay na 'to, ngayon ay malalaman niyo na ang buong katotohanan. HAHAHAHAHA."

Biglang napabukas ang mata ni Hope nang sabihin iyon ng nakaputing maskara. Napakunot ang noo ko ng marinig ko ang mala robot niyang boses.

"Pinagtipon-tipon namin kayong magkakaibigan para malaman niyo ang pinakamalaking kasinungalingan na pinaniniwalaan niyo, akala niyo ba kami ang kalaban? HAHAHAHA hintayin niyong sabihin namin ang buong katotohanan."

Pahayag ng lalakeng nakangisi na pinangalanan kanina ni Hope na Glaucous.

"Red? Bakit nandito ka? Kasagpi kaba nila?" Kinakabahan kong tanong.

He just smirked and bowed his head.

"Kaya pala, kaya pala sabi ni daddy na may nagmamanman sa akin. I think that's Red. Kaya pala pag may problema ako ay lagi kang nandiyan. He's been following me." mahinang pahayag ni Hope.

"Yes, he's been ordered to follow you, Hope." nakakatakot na pahayag ni White Mask Guy.

Biglang sinamaan ng tingin ni Hope ang lalakeng robot ang boses.

PhiliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon