Chapter 48 - LOVE IS HAPPINESS AND PAIN

17 3 5
                                    

Hope's POV
It's been a week since I got hospitalized because of my wrist and ankle wounds but I am definitely fine right now. Nandito ako ngayon sa corridor ng school, naglalakad papunta sa classroom ko. After a week ay makakapasok na ulit ako. It feels like first day of school.

Papasok na sana ako ng classroom nang bigla kong nakita si Red at Jane na magkasama na akmang papasok din sa classroom. Binubuhat ni Red ang bag at mga gamit ni Jane.

"Hope!" Bigla akong niyakap ni Jane nang makita niya ako pero ito ako, hindi parin makapaniwala na magkasama sila ni Red, ng taong gusto ko.

Natutula nalang ako, iniisip kung bakit ganito? Bakit si Jane pa, akala ko hindi niya papatulan si Red.

"Ahh Jane, pasok ko lang 'to sa loob." napatingin ako kay Red nang sabihin niya iyon kay Jane.

Hindi ko magawang tingnan ni Red. Ako sana 'yun, aking gamit sana 'yung binubuhat at dinadala niya pero hindi eh. Hindi niya ako gusto. Ang harot niya kasi eh kaya nahulog ako ng tuluyan sa sinasabi ko pa dating never kong magugustuhan. Tsk!

"Hoy, Hope!" Bigla akong natauhan nang harapin ako ni Jane ng nakangiti.

"Musta na sabi ko!" she said. I just gave her a fake smile.

"O-Ok lang naman." I answered.

"I thought you'll never like him, anong nangyari?" Hindi ko parin makapaniwalang tanong.

"Ito na nga..."

Inakbayan niya ako habang kinikwento kung paano at bakit niya sinagot si Red. Shet ang sakit!

"Kasi naman, lagi niya akong chinachat, I also thought na hindi ko siya magugustuhan but I was wrong, wala eh, ang galing niya magpakilig!"

Kulang nalang ay magtatalon siya sa corridor dahil sa sobrang kilig.

I looked at her seriously but she is just looking in front, explaining how Red flirted with her. Kitang-kita ko sa mga mata niya kung paano siya kiligin sa mga ginawa at sinabi ni Red.

Alam naman niyang gusto ko si Red, bakit kailangan niyang sabihin ito ngayon sa akin? Oo, magkaibigan kami kaya niya nasasabi sa akin 'to pero bakit ganoon? Bakit parang nanggagago na siya?

"Jane, I'm not that well pa, I will just go to our classroom." bigla siyang napatigil sa pagsasalita nang sabihin ko iyon.

"But Hope, I just want to let you know about this."

Agad kong tinanggal ang kamay niya sa balikat ko, I smiled at her before I took a step towards our classroom.

This is my first day after I got hospitalized and telling that to me is completely nonsense. Okay sana kung ang sinabi niya ay tungkol sa mga subjects na na-missed ko pero 'yun talaga ang kauna-unahan niyang sinabi, about sakanila ni Red. About sa pagiging sila ni Red.

I don't really know if I will be happy or angry at her. I hate her for telling that in front of me but I can't blame her because I know how exciting it was to share about your love story to someone especially to your friend but in my case, it's very insignificant.

Si Red agad ang nakita ko pagpasok ko ng room. Napatingin siya sa akin pero hindi naman iyon nagtagal. Siguro nahihiya siya dahil sinabi kong gusto ko siya. Tsk! Gusto ko tuloy bumalik sa araw na iyon, sana pala hindi ko na sinabi sa kanya na gusto ko siya edi sana, hindi masyadong masakit kahit naging sila. Ang aga pa at knowing my late friends, wala pa sila dito. Kaka-unti palang ang mga kaklase kong nandito na. Gusto ko sanang magtanong sa kanya dahil siya lang ang lalake na nandito at medyo close ko pero nahihiya ako.

I took a deep breath before I faced him bravely. Umasta akong walang nangyari. Agad siyang napatingin sa kamay kong ngayon ay may peklat.

"Okay lang ba 'yan?" Turo niya sa kamay ko. Agad ko itong tinakluban at inilayo sa kanya.

PhiliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon