Prologue

211 39 24
                                    


Si Haezelle Welsh ay ang nakababatang kapatid ng kambal na sina Stefan at Steff Joy Welsh. Si Haezelle ay isang simpleng babae na may simpleng pamumuhay. Wala na silang ina at ang ama naman nila ay isang propesor sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga anak.

Si Haezelle at ang kambal na lamang ang naninirahan sa dalawang palapag na bahay nila sa subdivision. Wala rin silang katulong sapagkat malalaki na naman daw sila at kaya na nila ang mga sarili nila.

Si Haezelle ang tipo ng babaeng di mahilig makisalamuha. Ang mga kapatid niya lamang ang palagi niyang kasama at ang kanyang nag iisang matalik na kaibigan na si Ciara.

Ngunit hingid sa kaniyang kaalaman na may tinatagong sikreto ang mga taong malalapit sa kanya. Hanggang sa dumating ang araw,... biglang nagbago ang buhay niya. Ang dating inaakala niya lang ay nagkakatotohanan na...

Paano kaya niya kakaharapin ang panibagong buhay niya? Sa loob ng mundong di niya kinabibilangan? Paano niya kaya malalampasan ang mga pagsubok?

Biglang iiba ang takbo ng simple niyang pamumuhay simula nung araw na isinama siya sa....

Enchanted Academy

Paaralan para sa mga nilalang na makapangyarihan.

Basahin ang kwento ni Haezelle Welsh na isa lamang ordinaryong tao sa paaralan para sa mga supernatural na tao

--------

~Haezelle Welsh POV~

Nag aayos na 'ko ng gamit ko dahil may pupuntahan daw kmi nila ate at kuya

Kasama din namin yung mga barkada nila at syempre yung bruha kong bestfriend na kulang sa aruga hahah!

"Zelle! Are you done?" Tawag ni ate sabay katok sa pinto ng kwarto ko.

"Not yet!" Is all i said

"Pakibilisan naman ohh! Kanina pa kami naghihintay dito!" Iritang sabi ni ate.

"Aye aye Captain! I'm coming" sagot ko nalang para di na humaba pa ang usapan. Paniguradong papupuno na naman yung tenga ko sa bunganga niya.

Pupunta raw kami sa jungle for camping. Ohh diba astigg gusto ko yan!! Birthday kasi ng tropa ni kuya at yun ang gusto niya. Ang weird kaya!?

Naka simpleng jeans, white t-shirt at black jacket lang ang suot ko saka naka black na backpack. Mag o-overnight daw kami dun ng dalawang gabi.

********

Pababa na 'ko sa hagdan patungong sala at nadatnan ko si kuyang nag aayos ng shoe lace niya.

"Mauna kana dun sa kotse" sabi niya sabay angat ng ulo at tingin sakin.

"Okay" sagot ko at dumiretso na sa labas.

Pagkalabas ko ng bahay ay may nakaparada nang tatlong kotse sa labas ng gate. isa na don ang kotse namin at yung dalawa namn kotse ng iba pa naming kasama.

Walang taong pagala gala sa labas, siguro nasa loob silang lahat ng mga kotse nila kaya umakyat nalang din ako sa kotse namin.

Ilang minuto na akong nakaupo sa backseat habang hinihintay ang dalawa kong pa VIP na kapatid arghhh! Kakainis.

Isipin mo makatawag ang magaling kong kapatid kala mo andito na siya tas ang ending ako pa pala pagpapaintayin nila. Ayy walangya!.

Nababagot na'ko kakahintay kaya kinuha ko nalang ang phone at headset sa bag saka nakinig ng music.

'wish it could be easy why is life so messy whys playin' a part of us'

'there are days i feel like nothing ever goes right sometimes it just hurts so
much'

Enchanted AcademyWhere stories live. Discover now