Chapter 8: Punishment

58 17 0
                                    

~Haezelle Welsh POV~

Napaatras ako at napahawak sa nametag ko ng mapagtanto kong dito siya nakatingin. Pero di ko pinahalata sa kanya na nasisindak ako. I need to be Strong.. Walang tao akong aasahan sa mga panahong ito kaya kailangan kong protektahan ang sarili ko.

Shitt ! Di niya pwedeng mahalata ang kakaiba sa nametag ko, baka papatayin ako ng Dark Master! NO!.

Parang tumigil ang hininga ko ng bigla niyang ibinaling sakin ang tingin niya. Nakatitig siya diretso sa mga mata ko. Nakakakilabot !

"Alam mo ba kung bakit kita pinatawag?" Napaatras ulit ako nang bigla siyang nagsalita sabay lapit sakin..

hala baka halimaw ang Dark Master tas kakainin ako ! No!!..

Masyadong seryoso ang mukha niya na nagpapadagdag sa panginginig ng katawan ko.

"Pano ko naman malaman kung di mo sasabihin? Anong akala mo sakin? Mind reader?" Diresahang sagot ko ng di nag-iisip. Bigla naman akong napatakip sa bibig ko ng mapagtanto ang mga sinabi ko.. haytss kahit kelan talaga pahamak tong bunganga ko ehh di mapigilan ! Tahiin ko kaya to.

Nakita ko naman ang pagkagulat ng Dark Master dahil sa inasta ko. At mas lalo pa siyang nagalit.. Parang kakainin na ako ng buhay !

Mas nadagdagan ang pangangatog ng tuhod ko ng bigla siyang ngumisi.. at nakakatakot yun . I'm trying all my best para di himatayin sa harap niya. Alam kong anytime ay matutumba na ako dahil nakakapanghina ang presensya niya.. parang hinihigop nito ang lakas ko.

Mas naging nakakatakot ang expression ng mukha niya habang humahakbang siya papalapit sakin. Masyado nang malakas ang kabog ng dibdib ko kaya ipinikit ko nalang ang mga mata ko.. Di ko na kaya!

Napalunok naman ako ng maramdaman kong malapit na siya sakin. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa bandang tainga ko..

"Ang tapang mo babae" he whispered.

I stunned and remained silent habang nakapikit parin.Di ko na alam ang gagawin ko. Para akong isang bihag na walang kalaban laban.

Gusto kong pumalag. Gusto kong tumakbo. Pero hindi - Hindi ako makagalaw.

Naramdaman ko nalang na parang di ako makahinga. Nauubusan ako ng Hangin !!

Until di ko na nakayanan at bumigay na ang katawan ko. Bumagsak ako sa sahig na hinang hina . Di ko rin magawang imulat ang mga mata ko. Parang wala akong lakas upang kontrolin ang mga organs ko.

Maya maya pa ay naramdaman kong umangat ako sa sahig.. teka . Pano? OMG! Lumulutang ako !!

Thats the last thing I felt before everything wents black.

************

Nagising ako na medyo nanghihina parin. Tiningnan ko ang damit ko at naka pang school uniform parin ako.

Inilibot ko ang paningin ko para alamin kung nasan ako.

Wahh.. andito parin ako sa office ng Highest Alpha !! At nakahiga ako sa puting sofa niya kaharap ng crystal na mesa na may engrandeng flower vase.

Teka , ano oras na ba? I raised my left arm to watch the time on my wrist watch na bigay sakin ni Ciara . 2 PM .

"Shit!" I cursed when I realized kung ilang oras akong nawalan ng malay. Di rin ako nakapasok sa ilang subjects ko.  Arghh bwisit !!

Dali dali akong bumangon at umalis ng sofa. Di ko alam kung nasaan ang Highest Alpha but I swear na wala siya rito.

Akma na akong lalabas ng pinto ng marealize ko na parang may nawawala. Kinapa kapa ko ang bulsa ko at nandito pa naman ang wallet ko.

Enchanted AcademyWhere stories live. Discover now