Chapter 2: Welcome

127 39 22
                                    

~Haezelle Welsh POV~

Nagising nalang ako at umaga na. Wala narin si Ciara sa tabi ko kaya napag-isipan  kong lumabas nalang ng tent at kukuha ng kape.

Kalagitnaan na 'ko ng pag aayos ng kumot namin at unan ng may narinig akong nag uusap sa labas pero di ko pasyado marinig kaya inilapit ko pa ang tenga ko sa tent para makinig.

"Sigurado kana ba talaga jan?"

"Oo naman, yan na yung nakasanayan naton diba?"

"Pero wala pang kaalam alam si Haezelle dito, di pa namin nasabi sa kanya hanggang ngayon"

Teka si kuya yun saka si Bricks ang nag-uusap ahh. Naguguluhan ako at nacucurious dun sa pinag uusapan nila.

"Pero diba naturuan mo naman na siya sa pakikipaglaban? Pwede na natin siyang maipasok sa grupo"

"Kung sabagay, yan di ang bilin sakin ni dad bago siya pumuntang states"

Hala!! Anong ibinilin ni dad sa kay kuya? May hindi ba 'ko nalalaman!?

"Hoy Zelleyyy!!" Napalundag ako sa gulat ng bigla nalang sumulpot si Ciara papasok sa tent.

At dahil sa naguguluhan parin ako ay di ko nalang siya pinansin at agad na lumabas na ng tent.

Kumuha nako ng kape saka nilagay na sa tasa at binuhusan ng mainit na tubig.

"Ba't kayo nag aayos ate? Aalis na ba tayo?" Kunot noong tanong ko kay ate steff ng makita kong nag aayos na silang lahat.

"Ahh oo parang ganon na nga pero di pa tayo uuwi" sagot niya habang abalang abala parin sa pag liligpit niya ng mga gamit.

"Ehh saan naman tayo pupunta kung ganon?" Takang tanong ko sa kanya habang sumisimsim sa mainit kong kape

"Pupunta tayo sa school namin nina kuya Stefan mo at iba pa nating kasama. Magsisimula na ang pasok next week at kailangan na nating mag enroll" sabi niya habang nakikinig lang ako na naguhuluhan parin

"Anong paaralan ate? 1st sem palang ngayon at sa University tayo nag aaral. Ano ba yang sinasabi mo?" Takang taka na talaga 'ko at kailangan ko ng long explanation.

"Malalaman mo din lahat" yun lang sinabi niya saka umalis na at hinatid ang mga gamit sa loob ng sasakyan.

********

Kanina pa kami naglalakad, iniwan kasi nila ang kotse dahil di na makakapasok dito sa sikip ng daan.

Nandito na kami ngayon sa pinaka gitna ng masukal na kagubatan.

9 am palang kaya marami akong naririnig na huni ng ibat ibang uri ng ibon

Nakakarelax dito at walang wild animals di gaya ng inaasahan ko

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid namin at may isang makitid na daan akong nakita kung saan may mga malalaking punong kahoy sa kabilaan na magkasing laki at magkasing taas

"Woahhh! Ang ganda naman dito" di ko mapigilan ang sarili kong di mamangha sa nakikita ko. Para akong nasa munting paraiso

"Ang ganda diba? Bilisan mo na at marami pang kamangha manghang mga tanawin kang makikita" sabi ni Clark na naglalakad din sa tabi ko.

Na excite naman ako sa sinabi niya kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad

Sa totoo lang di ko alam kung bat kami nandito at parang sanay na sanay na silang lahat sa lugar na 'to at ako lang yung palinga linga at naninibago sa paligid.

Teka lang ede ibig sabihin alam din to ni Ciara? Saka ni ate at kuya? Ehh bat di ko alam ang lugar na 'to at ngayon lang talaga ako nakapunta rito. Ibaig sabihin ba non tinago nila sakin to? Pero bat naman kaya nila 'ko sinama ngayon? Matagal naba kaya silang pumupunta rito ng di ko alam?

Enchanted AcademyWhere stories live. Discover now