~Haezelle Welsh POV~
Ilang minuto pa 'kong pagulong-gulong sa kama bago ko napagpasyahang magbihis na.
Matapos kong magbihis ay tinawag na ako ni Ciara para maghapunan.
Tahimik lang kami habang kumakain. I wonder kung saan sila kumukuha ng stocks na pagkain ? May grocery store din kaya dito? Ehh may mall din kaya? .. uyy baka meron tas libre din lahat.. yahh!! Gusto ko yan !!.
Pagkatapos naming kumain ay nagprisinta na akong maghugas ng pinggan halata naman kasing pagod na siya ehh.
"Zelle, alis muna pala ako" napalingon naman ako sa kanya habang hawak hawak pa ang sponge at baso na hinuhugasan ko.
"Saan ka pupunta? Gabi na ahh" nagtatakang tanong ko.
Tinignan ko ang wall clock sa pader at 7:30 PM na. Gabi na at masyadong madilim sa labas.
"Zelle, kung nag-aalala ka para sakin baka nakalimutan mong isa akong Assassin. I can protect myself . I-lock mo yung pinto ahh? Ikaw ang kailangang mag ingat sating dalawa" sabi niya at nagmamadali ng umalis.
Di nako nakapagtanong kung saan siya pupunta. Mukhang napakaimportante nun ahh.
Sinunod ko naman ang utos niya. Nilock ko lahat ng pinto at isinara ko rin lahat ng bintana lalo na't wala akong kasama ngayon.
Mahigit isang oras nang umalis si Ciara pero di ako makatulog kaya bumangon ako at nag ikot ikot sa buong silid. Takot naman akong lumabas kahit sa sala hytss napaka weak ko talaga.
Napatigil ako sa paglalakad ng maagaw ang atensyon ko ng isang bagay.
Ang nametag ni Ciara !
After a while, I just found myself holding her nametag at nililitis ito. Tinignan ang bawat anggulo.
Di ko namalayan na nakangiti na pala ako.
'I have a great idea '
Ilang sandali pa ay natapos ko na rin ang pakay ko sa nametag niya. Ibinalik ko na ito sa dati niyang puwesto at ayos.
"Great!!" Bulong ko sa sarili ko habang hawak hawak ang Nametag na ginawa ko.
Buti nalang at naisip ko toh!! Galing mo talaga Haezelle !!
Kung di mo lang titigan ng mabuti ay di ka mag aakalang fake yung Nametag na ginawa ko. Wala akong pinalampas na kahit isang disenyo na di ko magagaya.
Buti nalang at kompleto ang gamit na kinailangan ko kaya di ako nahirapan.
********
Di ko na alam kung anong oras umuwi si Ciara kagabi, may duplicate key din siya kaya di na ako naabala pa.
Nakangiting tinatahak ko ngayon ang daan papunta sa first subject ko ngayong araw.
Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nung nagawan ko ng paraan ang pagkawala ng nametag ko.
Halos lahat ng mga nakakasalubong ko ay tinitignan ko yung nametags nila. Pare-pareho lahat pati kulay at ganon din ang Nametag na nagawa ko.. Ayoss ..
Nang marating ko na ang room ay agad akong umupo sa gilid sa likurang bahagi.
Halos lahat ng mga kaklase ko ngayon ay may sariling mundo. Pero meron din namang nakikipagkwentuhan at nakipagtawan.
Kinuha ko nalang ang schedule ko sa bag. Ang subject ko ngayon ay fighting . Sa pagkakaalam ko ay dito kami tuturuan makipaglaban. Patay ako ngayon dito ... Pano na to.
Maya maya pa ay dumating na ang propesor namin. Isang lalaking di pa naman masyadong matanda, medyo lng chosss haha.. may sword pa itong dala.. wow ahh astig ..
YOU ARE READING
Enchanted Academy
Misteri / ThrillerWhat if ang inakala mong sabi sabi ay makatotohanan? Eto yung kakaibang paaralan para sa mga nilalang na may kakayahan o kapangyarihan Paaralang puno ng mahika at kababalaghan "Welcome to the Enchanted Academy"