~Haezelle Welsh POV~
Gabi na at tapos narin kaming kumain. Nagiinuman sila sa gilid ng bonfire pero di ako sumali.
Naglakad-lakad nalang ako sa gilid ng tent bago umupo sa ugat ng isang malaking puno.
Mas hinigpitan ko pa ang hawak sa jacket ko nang maramdaman ang malamig na ihip ng hangin.
Here comes the weird feeling again. Parang di ako komportable sa lugar nato kahit napakatahimik at mukha namang safe pero basta parang may kakaiba.
"Haezelle ikaw ba yan? anong ginagawa mo jan?" Sunod sunod na tanong ni Fellix. Di ko napansin ang pagdating niya.
"A-ahh, wala nagpapahangin lang" sagot ko. Ehh totoo naman ehh nabobore lang talaga 'ko
"Fellix! Haezelle! Spin the bottle tayo, lahat sasali" Sigaw ni ate
Saglit kaming nagkatinginan ni Fellix.
"Tara?" Tanong niya.
Bawal naman sigurong tumanggi kaya pumayag nako at agad na tumayo.
********
Nakapalibot kaming lahat sa isang bonfire at nakaupo sa damuhan.
Inilibot ko ang mga mata ko sa mga kasama namin.
Ako, si ate Steff, kuya Stefan and yep kambal silang dalawa. Si Ciara, Afia, Bricks, Fellix, Clark at isa pang babaeng di ko kilala at dalawang lalaking di ko rin kilala.
Nasa kay kuya Stefan ang bottle kaya sinimulan na niya itong paikotin.
Nang huminto na sa kakaikot ang bote ay nakaturo ito sa direksyon ni Ciara. Natawa ako nung bigla siyang namutla haha. Ang malas talaga ng puta kong kaibigan, mas malas pa sakin.
"Truth or dare?" Sabay-sabay na tanong namin.
"Hmm.. Truth!?" Patanong niyang sagot na para bang no choice.
Hmmm teka nga 'ano kayang magandang tanong?'
Di pa 'ko nakapag isip ay tinanong na siya ni Clark
"Do you still love your ex?" Tanong niya
"Wooahhh!!" Hiyawan ng mga kasamahan namin sabay palakpak
"Nice question bro" rinig kong sabi pa nung isang lalaki
Mas lalo namang namutla si Ciara dahil sa tanong ni Clark.
Teka nga, sino ba ex niya? Ay tama ! May sinabi siya sakin dati na bf niya so break na pala sila. Hytss wala nga talagang forever
Di naman kasi ako palaging updated about sa status niya ehh . Alam naman niya kasing wala akong pakealam sa jowa2x na yan
"Be honest Ciara ahh" sabi nung isang babae na hanggang ngayon di ko padin alam ang pangalan.
Bumuntong hininga muna si Ciara bago sumagot
"Ok fine i admit it, i still love him" mahinang sagot nya habang nakayuko at mukhang hiyang hiya na
At aba naman! di ko inakalang may hiya pa pala tong babaeng to
"Ok,next! Ciara should be the one to spin the bottle" sabi ni Afia at putagekss! PDA ang peg? Kung makahawak sa braso ni Fellix kala mo mawawala ehh
Teka, sila ba? Hmm maybe pake ko namn diba? As if i care . Pwee kadiring panuorin ng live ang kalandian neto
Pinaikot na ni Ciara ang bote at nakaturo ito kay ate.
"Ahhmmm. I'll be the one to ask" sabi ni Bricks habang nakangisi ng nakakaasar kay ate
Nakita ko namang dumilim ang aura ni ate Steff dahil mukhang may pinaplanong katarantaduhan itong bestfriend niya
"At sino namn nagsabing truth ang pipiliin ko ha?" Taas kilay na tanong ni ate kay Bricks.
"Ok fine. Uutusan nalang kita" sagot naman ni Bricks at agad na inutusan si ateng kunin ang snacks sa tent
Nang makabalik si ate ay agad niyang inilapag ang snacks na bitbit niya at pinaikot na ang bote.
********
Ilang ikot, tanong at utos na ang nagawa namin at inaantok na 'ko.
Kasalukuyang pinapaikot na ni Afia ang bote at Putagekss naman ohh!! Sakin ba naka point yan?! OMyy baka naman namamalikmata lang ako sa sobrang antok.
Inusog usog ko muna yung mata ko saka dumilat ulit at tangnah sakin nga!!
"Truth or dare?!" Taas kilay na tanong ni Afia. Halata naman kasing naiirita na siya kanina dahit palagi nalang naka point sa kanya ang bote at ilang beses na siyang inutusan habang ako never pa at ngayun lang.
"Dare" walang pagdadalawang isip na sagot ko. Mas okay na yung utusan kesa naman sa tanungin ng kung ano-ano.
"And since ako yung nag spin, I'll be the one to dare you" nakangising niyang sabi. Ano ba problema sakin ng babaeng to? Isa pa wla naman sa rule na kung sino yung nag spin ay siya ang magtatanong o magdedare.
Ayy oo nga pala, high blood pla sakin yang palakang yan. Since nagkakakilala kami ay mainit na talaga ang dugo namin sa isat isa.
Tinaasan ko din siya ng kilay at naghintay nalang ng utos niya.
"Hmmp, climb that tree and get atleast one fruit. I don't care kung anong puno yan basta bigyan mo 'ko ng bagong pitas niyang bunga" utos niya sakin na kitang kita mo ang tuwa sa panget niyang mukha.
After niyang sabihin yun ay timayo na kaagad ako at nagtungo na doon. Rinig ko pa ang mga violent reactions ng iba sa utos ni Afia pero nagpatuloy parin ako.
Madilim na sa bahaging 'to pagkat malayo layo narin ako sa camp site namin.
Mabilis kong naakyat ang puno at kinuha yung hinog na mangga. Pababa na 'ko nang biglang may narinig na mahinang kaluskos kaya di na muna ako gumalaw at nakiramdan
Di ko maintindihan ang nararamdaman ko para akong kinakabahan at nanghihina dahil sa malakas na kabog ng dibdib ko . 'ano kaya yun?!'
Ilang minuto na kong walang kibo at wala narin naman akong narinig pang kaluskos ko kahit ano kaya napagdesisyunan ko nang bumaba, nangangawit narin namn kasi ako dito sa position ko ehh
Hytss sa wakas nakuha ko narin to. Bwiset talaga ang Afia na yan ehh kala nya ba sakin unggoy? Sa ganda kong to?.
"Choock chock*" napahinto ako sa paglalakad nung maramdaman kong may sumusunod sakin at rinig ko rin yung footsteps niya.
OMGiiiiee I froze for a moment in so much fear . Okay calm down Zelle,. Lilingunin ko kung sino at ano man yang nasa likot ko bahala na in 1! - 2! - 3 !!..
Mabilis kong nilingon ang likuran ko at taktee!! WALA!?
Akma na 'kong aalis ng may nahagip ang mata ko. Isang hugis tao sa dadiliman, I swear lalaki sya dahil sa korte ng pangangatawan niya at naglalakad siya papalayo.
Teka sino kaya yun? Bakit siya nandito ng nag iisa? Baka nag camping din sila o baka naman dito siya nakatira ahh teka imposible naman yun, pano siya mabubuhay dito ng mag isa?! Hytsss . Ohh teka, hindi kaya.. hindi kaya isa syang multo? O kaya naman engkanto. Ahhhh ! Kinikilabutan na 'ko dito ah
Di ko namalayan na tumatakbo na pala ako pabalik sa camp site at pawis na pawis na.
Sinalubong naman ako ng mga nag aalalang mukha nina kuya at ate pati narin ng iba pa.
"Anong nangyari sayo?"
"Bat natagalan ka?"
"Okay kalang ba? Namumutla ka."
Natataranta na silang lahat sakin pero di ko na sila pinansin.
Agad kong tinapon kay Afia yung mangga na kinuha ko saka dumiretso na sa tent namin ni Ciara para magpahinga.
-Inhale .... Exhale-
Yan ang paulit ulit kong ginawa hanggang sa kumalma nadin ako ng konti
Pero di parin maalis alis sa utak ko yung lalaki. Parang tanaw ko parin ang unti unting paglaho niya sa kadiliman . Aghhh! Curious ako dun ah
He makin' me crazy!! That damn!..
Mystery boy
YOU ARE READING
Enchanted Academy
Mistero / ThrillerWhat if ang inakala mong sabi sabi ay makatotohanan? Eto yung kakaibang paaralan para sa mga nilalang na may kakayahan o kapangyarihan Paaralang puno ng mahika at kababalaghan "Welcome to the Enchanted Academy"